Fourteen

1.1K 57 0
                                    

Alden's POV









Buti na lang at nawala na sa isip ni Maine yung pagseselos niya kay Julie Anne. Hindi ko din alam kung bakit nandito tong babaeng to. Hindi ako tanga. Lalong hindi naman ako assuming. Pero alam ko na may gusto siya sa akin. Bagay na hindi ko kailanman papayagan.







Nasa dining area na kami. Tulad ng dati. Ako ang nasa kabisera. Nasa tabi ko si Maine at si Abbey. Si Julie Anne ay nasa tabi naman ni Abbey. Na kay Nanay Sonia si Andrew. Niyaya din namin siya sumabay sa amin pero tumanggi siya.






'Sana naman matapos na ang dinner na to tapos hindi na siya ulit magpakita pa sa amin. Hindi ko gusto na nasa paligid siya dahil hindi maganda ang awrang dala niya. Malakas ang kutob ko.







"Wow! Ang sarap naman ng dinner. Kaya lagi akong excited umuwi e. Kung ganito ba naman ang aabutan ko lagi." Ganadong sabi ko habang nakikipag unahan sa pagkuha ng kanin at ng Pastel na niluto ng asawa ko. Syempre nauna muna ang meal prayer namin.







"Eatwell Mahal. Alam ko favorite mo yan." Nakangiting sagot ni Maine habang nilalagyan pa din ang plate ko. Kaya kong ubusin to promise. Haha!







"Ang swerte mo naman. Magaling magluto ang asawa mo." Biglang singit ni Julie Anne. Dun ko lang napansin na konti lang ang kinuha niya.







'Bahala ka. Basta ako enjoy na enjoy sa luto ng Misis ko.







"Bakit? Hindi ka nagluluto?" Tanong ni Maine sa kanya. Si Abbey naman ay patuloy pa din sa pagkain niya. Hindi talaga siya nakikisali sa usapan ng matatanda. Lalo na pag hindi naman siya kinakausap.








"No, I don't. Hindi ko talaga hilig." Walang gana niyang sagot. Sabay tingin na naman sa akin. Nakakailang ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Hindi talaga nakakatuwa.








"You should cook. Sabi kasi nila, a way to a man's heart is through his stomach." Polite pa din sumagot ang asawa ko kahit na alam kong naiinis siya sa presensya ni Julie Anne. She's my wife of over 7 years now kaya kilala ko na siya talaga.








"Hindi na. Madami namang shortcuts to win a man's heart. So why bother cooking pa diba?" Sa sinabi niyang yun ay pareho kaming napatigil ni Maine at napatingin sa kanya. Napahinto ako sa pag nguya habang si Maine naman ay biglang napainom ng tubig. Si Abbey lang ang walang malay sa sinabi niya at patuloy pa din sa pagkain niya.








'Damn! What's with her?








"I know how to win a man's heart without cooking. Mas madali pa nga yun gawin e." Sa ikalawang pagkakataon ay natigilan kami pareho ulit ni Maine. Siya naman ay parang wala lang sa kanya ang sinabi niya. Nakuha niya pang ngumiti.








"Abbey, finish your food and go back to your room. Now." Madiin na utos ni Maine sa anak namin. Alam kong nagtataka si Abbey. Pero hindi na lang siya kumibo. Alam kong hindi pa tapos kumain ang anak ko pero mas gugustihin ko na umalis na lang siya sa dining area kesa kung ano pa ang marinig niya.








Humalik si Abbey sa akin. Bago siya tuluyang umalis ng dining area. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad. Nung alam kong hindi na niya maririnig ay tsaka ako nagsalita.








"I'm not questioning your opinion but please don't say such things especially in front of my daughter. She's just 6 years old. Hindi niya pa naiintindihan ang mga ganung bagay at hindi dapat pinaparinig sa kanya ang mga ganung klaseng salita. Ayokong ma adopt niya yun." Seryosong tugon ko. Nakatingin ako ng deretso kay Julie Anne.








Two World's Collide BOOK 2 (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon