Eighteen

1.1K 57 0
                                    

Maine's POV









"Anak. Sa totoo lang, may punto naman talaga si Alden e. Hindi naman kasi talaga tama na ganun ang ginagawa ni Jake. Kung talagang business lang ang concern niya sayo, hindi siya babalik balik sa restaurant mo. Palagay na natin na wala lang sa kanya yun pero his moves was so insensitive. To think na alam niyang may asawa kang tao." Kausap ko ngayon si Mommy. Dito kasi ako nagpalipas ng gabi matapos kong sunduin ang mga anak ko kay Papa Richard.









"Pati ba naman ikaw, Ma? Hindi mo man lang ba ako kakampihan?" Naghihimutok na sagot ko. Alam ko naman na mali na ako.









"Totoo ang sinasabi ng Mommy mo. Lalake ako. Hindi ko maiaalis sa asawa mo na magselos. Alam namin kung gusto ng kapwa namin lalake ang isang babae. Makinig ka sa Mommy mo. Sundin mo ang gusto ng asawa mo. Dahil ikaw ang babae. Kailangan may isang magparaya." Si Daddy naman ang sumagot. Busy siya sa pakikipag laro kay Andrew pero nakikinig pala siya sa amin.









"Dad naman. Paano naman po ako? Gusto ko lang naman lumago e." Maktol ko pa din sa kanila.









"Pwede naman e. Yung sa New York. Mag focus ka din dun. Hindi mo naman talaga kailangan yan catering na yan dahil para ka lang naman naglilibang so don't stress yourself too much. Pag nakipag matigasan ka sa asawa mo, hindi kayo magkakasundo. Yan ang pinagmumulan ng away niyo. Hindi kayo matatapos." Napabuntong hininga ako sa sinabing yun ni Mommy.









'Baka nga tama kayo. Baka kailangan ko na talagang mamili. At syempre mas pipiliin ko ang asawa ko.








"Opo na. Sige na ako na mali." Pagsuko ko sa kanila. Naisip ko din lahat ng sinabi ni Mommy na hindi kami matatapos kung walang magpaparaya. At ako dapat yun.









Nagpaalam ako sa kanila at umalis saglit para tignan ang restaurant. Nag iisip na din ako ng maganda at maayos na dahilan para masabi ko na kay Jake na bibitawan ko na ang catering.








'Sa paanog paraan ko ba sasabihin sa kanya? Yung hindi siya maooffend.










Nag iisip pa din ako hanggang sa makarating ako sa restaurant. Hindi ko kasi talaga alam kung paano ko sisimulan sabihin kay Jake na hindi ko na talaga kayang ituloy pa yun. Madaming tao ng dumating ako at tulad ng dating gawi, binati lang nila ako tapos bumalik na sila agad sa trabaho. Kaya mahal na mahal ko sila e.










Pumasok ako sa opisina ko at kulang na lang ay malaglag ang panga ko sa pagkagulat dahil nakita ko si Jake na nakaupo at malamang ay hinihintay ako.










"Jake." Gulat pa na bati ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Tumayo din siya para kamayan ako.










"Hi. Sorry, pumasok na ako. Sabi kasi ni Athan dito na lang daw kita hintayin dahil crowded na din sa labas. Ang dami laging tao kasi." Nakangiting tugon niya. Hindi ko naman alam kung paano ako magsisimula. Nilagay ko ang bag ko sa table ko. Hindi ko na siya kailangan alukin ng juice kasi mayroon na siya. Nabigyan na nila Athan.










'Paano ko ba sasabihin? Sa paanong paraan? Hayyy!









"Maine, nandito ako kasi gusto ko sana kausapin ka about sa catering." Panimula niya.









Two World's Collide BOOK 2 (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon