📚📚📚
"Bestiee! Eto na yun e. Eto na talaga! Sure na sure na sure na sure na sure na sure na ako na si Renz yung secret admirer ko. 101% sureness!" Sabi ko kay Dana habang sya ay umiinom ng juice.
Nasa bahay nila ako ngayon. Mamaya pa kasing hapon yung class namin dahil may teacher's orientation ang nagaganap sa aming school.
"At bakit naman?" At nag cross arms pa sya.
"Bago ko sagutin yang tanong ko, may gusto ka din ba kay Renz?!" Tanong ko naman sakanya.
"Hell no! I'm not mang aagaw noh. Bat mo naman natanong?"
"E kasi, ang kontrabida mo e. Parang di ka agree." Umupo sya sa tabi ko at inakbayan pa ko.
"Bestie, kaya lang ako ganyan sayo kasi baka masyado kang mag assume tas masaktan ka sa huli."
"Wow! Sweet naman pala ng rason mo hehez." Tas kinurot nya ko sa ilong. Aray ko •\•
"So ano na nga nangyari kahapon at 101% sureness ka na si Renz ung secret admirer mo?"
"Eto kasi. Di ba nga iniwan mo kong bruha ka don tas kasabay namin tropa nya then ang sweet nya tas tanong sya ng tanong about sa likes ko tas di ba ang nakasulat sa letter na gagawa daw sya ng paraan para mas makilala nya ako." Pag explain ko sakanaya. Partida, walang hingahan yan. Charowt!
"WEEEHHH?! Bestie, baka nga sya. Si Renz nga."
"O diba? Sana nga. Sana si Renz."
📚📚📚
Pumasok kami ng sabay ni Dana sa school. Madami ding tao ngayon a. Meron kasi atang bandang magpe perform bukas.
Kasi bukas na rin ang start ng aming 25th Foundation Day. Kaya ayun, andaming pakulo.
Pagkabukas ko ng locker ay timambad agad sakin ang letter na hinihintay ko. Yes! Hinhintay ko na sya. Kung dati ay tinatamad akong walang mood basahin to, ngayon excited ako. Kasi sure akong si Renz to.
"O bestie, ano na daw sabi?" Nakikichismis don tong si bestie e noh?
📚📚📚
Dear Faith,
Bukas, 25th Foundation Day ng school natin. Doon ko napagpasyahan na umamin na sayo.
Kaya bukas, 6pm sa park. Andun ako, hihintayin kita doon at sana makapunta ka. Mahal na mahal kita Faith!
From, Mr. Invisible.
📚📚📚
"WAAAHHHH!" Nagtatatalon na kami ni bestie sa locker room pagkabasang pagkabasa namin sa letter.
"Ano ba yan! Ang ingay naman." Sabi ng isang estudyante.
"Pake mo. Panira ka ng moment e noh? WAAAHHH!" Pagtataray ko sakanya.
"Grabe bestie, kailangan mo ng make over ngayon. Ang pinakahihintay mo ay magaganap na!" Sabi sakin ni Dana.
"Oo nga bestie. Excited na ko umamin sya pero... Ano konek ng pagpapaganda?" Tanong ko naman sakanya at kinuha ang ibang books ko sa locker.
"Y'know, kailangan talaga yan. Magiging most memorable moment mo yan tapos, ampanget mo." Pinalo ko sya sa braso. "Aray ko!"
"Grabe ka naman makapanget. Ganda ko kaya." Pagtanggol ko naman sa sarili.
"Yah. Maganda ka bes di ka lang nagaayos." Sabi niya sakin. "Eto ha, papaalam ako kay tita at mamaya ang make over nating dalawa."
"Baliw! Wala kong datung." At nagsign pa ko ng pa money sign.
"Naku! May ipon naman ako. Since malapit na birthday mo, eto na ang iyong birthday gift." Sabi naman sakin ni Bestie.
"Talaga? Naku thank bestie a."
"No prob. Ano ka ba?" Sabi naman nya sakin and lead to our classroom.
📚📚📚
"First, haircut." Sabi niya at chineck pa ang checklist nya na kanina pa nya ginagawa sa room.
Andito na kami sa mall. Sa tapat ng David's Hair Salon. Sosyal naman dito.
"Uhmm, maam. Ano pong gusto nyong gupit?" Tanong sakin ng baklang gugupit sa buhok ko.
"Ah, eh, wala kong alam jan e."
"Hmm, ano bang bagay sayo? Maikli. Apple cut." Sabi pa ng magu-gupit sakin. Tumango naman ako.
(After the haircut)
"Wow! Ikaw ba ang bestie ko? Sobrang bagay sayo ng gupit mo." Sabi pa ni Dana with matching palakpak.
"Weh. Naku! Thank you for the compliment."
"Naku! Di yon compliment, binobola lang kita. Syempre sayang ang perangers ko kung no-sense di ba?" Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Joke lang hehe."
📚📚📚
"Next, facial. Puro ka na kasi pimples oh." Tas pininch pa yung mukha ko-.-
"Oo na po." Sabi ko na lang atsaka pumasok sa facial spa dito sa mall.
(Fast Forward)
"Omg! Ang linis na ng mukha mo. Bagay sayo a." Sabi naman niya sakin.
"Little things." Pagmamayabang ko naman at natawa kami pareho.
📚📚📚
"Third, make up kits." Sabi naman ni bestie at pumasok sa Careline at nag shopping ng make up kits.
"Grabe, ang gastos natin bestie." Sabi ko sakanya pagtapos bumili ng make up dala dala ang napakadaming paper bags.
"Minsan lang naman e. Sulitin na." Sabi niya at wala naman akong nagawa kundi sumunod na lang.
📚📚📚
"Since, pwede mag civilian bukas. We will shop some clothes and shoes." Sabi niya sabay check sa list nya.
Namili kami ng mga damit. Una, pinili ko lang mga jeans, t-shirt tas doll shoes. Tapos! Pinakita ko naman yun kay Dana.
"Maganda ba?" Proud na proud kong tanong kay Dana. She gave me her boring look.
"Srsly? Old fashion ka naman. Eto ang bagay sayo. Sabay pakita ang sleeveless, shorts, heels at 1/4 sleeves.
Sinukat ko naman yun. Syempre kailangan sundin si master.
📚📚📚
After that shopping, kumain naman kami. Then we decided to go home. Excited na talaga ako bukas.
Aamin na rin sya.
Aamin na rin si Renz.
📚📚📚
Author's Note:
Grabeness. 1am na ko natapos sa update na to. May pasok pa ko mamaya. Waah! First day of school. Not yet prepared.
Goodluck na lang sakin. Baka mababush muna update for mga weeks.
Thank you for continue reading this. Please follow and comment guys! Ily. Mwaah.
~FP
📚📚📚

BINABASA MO ANG
Locker No. 143
Teen Fiction"Sino kaya yung naglalagay ng letter lagi sa locker ko? Sana siya." -Faith Castaneda Locker No. 143 All Rights Reserved©2016