Meet Up

63 2 0
                                    

📚📚📚

"Asan na ba yun? Wag ka muna umalis bestie!" Pagmamakaawa ko kay bestie.

"E kasi bestie, tinatawag na ko. Babush!" Sabi nya then tumakbo. Nagwe wave pa sya ng kmay habang umaalis.

"OKAY LANG! SANAY NA KO MAIWAN!" Sigaw ko kay Danica tas nagmamaang maangan pang walang narinig.

Huhu. Baka naman di yun pumunta. Pumunta ako sa canteen para bumili ng pagkain dahil nagugutom na ako.

"Ate pagbilan!" Sabi ko tas bumili ako ng isang slice ng pizza at shake.

Bunalik ako sa park at... at... at...

Andun si Renz and friends.

"Uhmm, h-hi. M-may ka meet up ba kayo?" Tanong ko sakanila. Di sila umimik tas ang awkward kasi nakatingin lang sila sakin.

"Uhmm ewan." Sabi ni Renz sakin.

"Umupo ka dito o." Sabi naman ng isa nyang kaibigan tas tinuro sa tabi daw nila.

"Naku! Wag na. Napada- aray ko!" Pano ba naman hinila ako ng isang ka tropa ni Renz.

Ang awkward kasi ako labg ung babae-//-

"Uhmm, ano name mo ateng?" Tanong sakin ng isa.

"Faith." Tipid kong sagot sakanila. Nakita ko naman na nagkakangitian sila at nagkkatinginan sa isa't isa. Ano meron?

"Ako si Renz." He said then offer his hands. Nanginginig pa kong tinanggap un.

"Ay eto nga pala yung mga kaibigan ko. Si Gilbert, si Sean, si Russell, Michael at si Dave."

Nag hi silang lahat sakin. Natawa naman ako kasi sabay sabay pa sila.

"Actually, nakita ko na si Faith." Sabi naman ni Dave. Oo siya yung nakita ko sa cr.

"Ah, oo. Sa may cr ng boys haha. E kasi may secret admirer DAW ako tas sabi niya pag gusto ko daw magbigay ng letter e, sa cr lang ng boys. Ayun, natyempuhan nya kong nandun."

"Aaahhh owkeyy!" Bat ganto sila? Parang mga timang kausap.

"A-ah alis lang kami a. Maghahanap kami ng mga chicks." Sabi naman ni Gilbert na todo ngiti.

"O-oo nga haha. Sige alis na kami!" Sabi naman ni Dave na parang naiinip na.

"Bye!" Sabi naman ni Sean na wagas makangiti. Parang hihiwalay na nga sa mukha nya.

"Babushki!" Sabi naman ni Michael na nagfa flying kiss pa samin.

Ang awkward tuloy kasi naman magkatabi kami ni Renz tas moment of silence.

Ako kumakain ng pizza-- potek! Plastik na lang pala tong kinakain ko-..- kakahiya! Nakita ako ni Renz na kumakain ng plastik.

"Uhmm Faith, ano gusto mo sa mga lalaki?" Kalmadong tanong niya sakin.

"H-ha? A-ako? A-ano lang. Y-yung ano." Ano nangyayari sakin? Para kong nage evolve patungong kokey na ewan.

"Ha?" Tanong nya sakin. Siguro nawi weirdohan na siya.

"Uhmm g-gusto ko, masayang kasama. Mabait tsaka simple lang."

"Aah. Okay! Gusto mo?" Alok niya sakin ng Nova niya. Umayaw naman ako.

"Say something about yourself." Pag open niya ulit sa usapan.

"Uhmm, weird na ewan. Basta ganorn na un." Sabi ko naman.

Ayun nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Nung una, awkward pa pero ng medyo kalagitnaan na, comportable na kong kausapin siya.

Ansaya nga niya kausap e.

Hindi siya yung ibang lalaki na puro yabang lang, puro pagpapagwapo. Iba siya.

*plok plok*

"Ay umuulan na pala. Hatid na kita." Pag aya nya sakin.

"Naku! Wag na. May payong naman ako e." Tas hinugot ko ung payong ko sa gilid ng bag ko.

"Haha patawa ka ha. Tumbler yan e." Wutdupuj?! Kakahiya.

"E-eh, kanina payong to. Hoy! Ikaw payobg bat ka nagtransform sa tumbler. Langya ka!" Ako na baliw. Kausapin daw ba ang payong?

"Hahaha baliw ka na. Lika na kasi, hatid na kita." Wala naman akong nasabi pa. Choosy pa ba ko? Si crush hahatid ako, omg!

"Bat parang ang tagal naman mang chiks ng mga kabarkada mo?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"Naku! Ganon talaga un, madami kasing chiks di makapili." Natawa na lang ako.

📚📚📚

Author's Note:

Salamat po sa pagpapatuloy ang pagbabasa ng mga readers jan.

Please vote and comment. Thank you!

-SIF-

📚📚📚

Locker No. 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon