Kabanata 9
"Pretty boy, sige na. Susubukan mo lang naman makipagkilala, e. Mabait iyan tsaka masaya kausap. Ayaw mo talaga?"
Kanina pa ako namimilit kay Eros na pansinin niya naman iyong larawan ni Sassy na hawak-hawak ko pero ni hindi man lang niya tinataponan ng tingin ito.
Lunch break namin at iilan pa lamang ang tao sa classroom dahil nasa labas pa ang karamihan.
Nakaupo ako sa bangkong nasa unahan niya at hinaharap siya. Ayaw akong tignan nitong si Eros at panay pa ang pagtataboy niya saakin palayo.
Hawak-hawak ko sa kamay ang aking cellphone na may nakaflash na larawan ni Sassy at panay ang pagbabalandara nito sa harapan niya.
Deadma lang siya talaga kaya napagod na ako at bumalik na sa pwesto ko.
Nanatili siyang walang imik habang nasa labas ang mga mata.
"Pretty boy..."
Iritable siyang lumingon saakin ng tawagin ko ulit siya sa hindi ko na mabilang na beses.
Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis at nagpacute sabay tapat ng cellphone ko sa mukha niya.
"Please...." sabay puppy eyes ko.
I saw a ghost of smile carved in his lips.
Uh-huh, I got you!
Natatawa siyang umirap saakin bago inabot ang aking cellphone. Bumalik na ako sa normal when he's finally holding it.
"What are you two doing?"
Pareho kaming napataas ng tingin sa biglang nagsalita sa harapan namin.
It was Bryle.
Seryoso ang mukha niya at masama ang titig niya sa kamay ni Eros.
Anong problema naman ng isang 'to?
"Bakit?" I asked blankly.
Hindi niya ako pinansin. Nanatili ang titig niya saaking cellphone na hawak-hawak ni Eros.
"Mr. Douglas, matagal ka ng estudyante sa eskwelahang 'to and I believe that you know exactly what the rules are. Hindi mo naman nakakalimutan na bawal ang PDA sa loob ng campus, hindi ba?" matigas na saad niya habang nakikipagtitigan kay pretty boy.
Nagkatinginan kami ni Eros. Nagkibit-balikat lang ako dahil wala naman akong naiintindihan sa sinasabe niya.
PDA?
Ano naman ang PDA sa ginagawa namin?
"Is casual talking a PDA now?" kunot-noong tanong ko ulit.
Tinaponan niya ako ng galit na tingin, "Hindi kita kinakausap!"
Wow.
Hindi nalang ako umimik at tiningnan nalang ulit si Eros. Tumikhim muna siya bago nagsalita.
"Hindi ko nakakalimutan, Pres. I apologize." he stressed humbly.
Nagulat ako dahil sa sobrang kabaitan na ipinakita niya kay Bryle samantalang kapag ako ang kausap niya halos wala akong magandang masabi tungkol sa kung paano siya makitungo.
Ganun ba talaga ang nagagawa ng power?
He give so much respect to Bryle because he's the President of the student council.
Sana all.
"Good. Quit what you two were doing." saad niya bago kami tinalikuran.
Umismid ako.