Kabanata 8
"I expected na mangyayari itong ganitong bagay kung saan masasangkot ang pangalan mo Ms. Ramirez based on your records but what I did not expect is that it will happen this early! Talagang unang araw mo pa ang pinili mong sirain....."
Kanina pa itong si Mrs. Mendez nanenermon saakin. Pagkapasok ko nang opisina niya ay frustration niya agad ang bumungad saakin.
Kesyo it was her first time encountering a student like me.
As if namang ganun ako kasama! Tsk.
Habang pinapagalitan niya ako ay panay ang pagdadial niya sa numero ni daddy pero walang sumasagot.
"I already told you, Mrs. Mendez, dad is out of town for a business trip. Hindi mo makokontak iyon ng ganun-ganun lang." bumuga siya ng hangin matapos niyang tantanan na kakapindot ang keypad ng kanyang cellphone at tinapunan ako ng masamang tingin.
"Then who else should I call?!" naiimagine kong umuusok na ang ilong ni maam sa pagsigaw niyang iyon.
"You can call my step mom. She's at home all the time." I suggested and she quickly move.
After one dial someone finally picked up.
"This is Mrs. Leonora Mendez of St. Francine's Academy, I am the school's guidance councelor. Is this Mrs. Ramirez?" she looked at me intently while still holding into the phone.
At the back of my mind I am laughing.
Akala ba niya niloloko ko siya?
"Yes. Well I have to talk to you Mrs. Ramirez about your step daughter, Kiara....."
Nagtagal ang pag-uusap nila ng ilan pang mga minuto. Hinarap niya na ako pagkatapos ibaba ang hawak-hawak na telepono.
"You're lucky that your father is a big time contributor of this school so I won't expelled you for behaving unfortunately. This is your first offense Ms. Ramirez, next time, hindi ko alam kung isususpend na ba kita o talagang makikicked-out kana. Take this as your warning, do you understand?" I nodded pretentiously.
She finally let me go after several lectures.
Naabutan kong naghihinatay sa labas ang limang babae habang iniinda ang sakit ng katawan kabilang na si Trixie na umiiyak pa din hanggang ngayon.
Napakaarte e kung tutuosin kulang pa nga iyan, e!
Kinalabit siya ng isa sa mga kasama niya at sabay-sabay silang naglingunan sa direksiyon ko. Akmang tatayo pa talaga si Trixie para yata sumugod saakin.
Balak ata nitong magpakalbo talaga ng literal saakin, ah!
Mabilis siyang pinigilan ng mga kasamahan niya kaya napabalik siya ng upo.
Walang gana akong umirap.
Sa tapat nila ay si Bryle na nakasandal sa pader habang busy na nakikipagngitian sa mukhang lumulutang na ata sa kilig na si Megan.
Sa sobrang focus nila sa isa't-isa ni hindi nila namalayan man lang ang paglabas ko.
Biglang pumait ang panlasa ko.
"Napakalalandi!" I said at the back of my head.
Pinanuod ko sila ng ilan pang minuto, naghihintay at umaasa na mapapansin nila ang presensya ko pero talagang wala, deadma.
At ako na si gaga ay napikon lang sa huli.
Bwesit na Bryle, 'to!
Ganun ba kanakakasilaw ang ganda niyang kausap niya para hindi niya mamalayan ang iba pang mga gumagalaw na elemento sa paligid?
E mas maganda naman ako diyan sa kausap niya kung hindi lang ako pinagpawisan sa pakikipagdigma kanina sa bruhildang si Trixie.
Pinatay ko sa tingin si Trixie sa sobrang pagkabadtrip kay Bryle.
Kasalanan lahat 'to ng bruhang iyan, e. Nagulo tuloy ang aking aura at nagmistulang bata na nakikipagbasag-ulo sa kaklase niya. Nagalit tuloy si Bryle saakin. Unang araw ko iyon agad ang impression na naibigay ko kay Bryle. Magulong Kiara, malditang Kiara, isip-batang Kiara, at madungis na Kiara.
E bakit ka ba kase nag-aalala sa kung ano ang iisipin saiyo ng lalaking iyan, ha, Kiara?
Tangina, gaga!
Kinurot ko ang sarili ko para mabalik ako sa aking ulirat.
"Megan..." I speak all of a sudden. Lumingon si Megan saakin maging ang atensiyon ni Bryle ay naagaw ko. Tumayo siya ng maayos at hinintay ang susunod kung sasabihin.
Anong tinitingin-tingin mo ngayon?
Pagkatapos mong makipagngitian sa ibang babae tititig-titig ka saakin?
Hindi porket gwapo ka ay masisindak na ako sa'yo!
Umawat ka nga sa tingin nalulusaw ako!
Hayop ka!
"Dalhin mo iyong bag ko nasa classroom." saad ko tsaka mabilis na inirapan silang lahat.
Hmp.
Magsawa kayo sa kakalandi sa isa't-isa!
Walang may pakialam!
Hindi naman masakit!
Padabog akong nagmartsa patungo sa gate habang tinatawagan ang driver namin.
"Kuya, sunduin mo 'ko ngayon na." bungad ko pagkasagot niya ng tawag.
Sinabi niyang maghintay ako ng ilang minuto at papunta na raw siya. True enough, he arrived after a while.
He drive me home in silent. Badtrip pa rin ako hanggang sa sasakyan.
Sa inis ko halos patayin ko na sa isipan ko si Bryle.
Agad akong umakyat papunta sa kwarto ko pagkarating sa mansiyon. Nakasalubong ko si tita sa kalagitnaan ng hagdanan and she stopped me right there.
"I heard about what happened. Care to explain?" mahinahon ang boses ngunit may taray sa mukha niya ng sabihin iyon.
I smirked.
Nakikita ko sa itsura niya ang mukha ni Megan kaya hindi ko napigilang magtaray.
"Na-uh." maarte kong saad sabay iling. Nilagpasan ko siya at nagpatuloy na sa pag-akyat.
"Kiara, come back here! I'm still talking to you!" I heard her screaming.
I rolled my eyes and care less.
Nakita ko ulit sa utak ko ang larawan nina Bryle at Megan na nagngingitian kanina.
I slam the door and throw myself in the bed.
"Arrrrgggh! Why do you keep popping in my heaaaaad? Foooocccc!" I scream.
Nagpaligidligid ako saaking kama habang tinatakpan ng unan ang aking tenga.
The smile on Bryle's face while listening to whatever she's saying keeps bothering me.
I sit down in my bed and slap myself repeatedly.
"Stop!"
*slap*
*slap*
"Just stop!"
*slap*
*slap*
"Please stooooop!"
*slap*
"Aarrrrgh!"
I am frustrated.
I jumped out of my bed and head straight to the bathroom.
Sobrang init ng ulo ko pakiramdam ko mababasag ko lahat ng frame ni Megan sa baba kaya kailangan na malamigan ang aking ulo.
Nagbabad ako sa bathtub at nanatili duon habang nakikinig ng musika saaking cellphone.
Silence takes over when I felt my lashes becomes heavy and I fell asleep.