Chapter 13

274 8 0
                                    

Kabanata 13


"Ginaganahan ka ata sa pagbisita dito sa opisina ko, Ms. Ramirez...."

May diin sa boses ng guidance councelor sa tuwing nababangit ang pangalan ko.

Nanatili akong nakayuko, hinihintay na matapos siya sa pangangaral saakin.

Ilang minuto na akong andito sa loob ng opisina ng guidance. At kanina pa din ako naririndi sa kakatalak ni Mrs. Mendez. Pabalik-balik siya sa tanong niyang, "Ano ba kase talaga ang nangyari?"

Kahit na naipaliwanag ko na naman sa kaniya kung ano ang nangyare, paulit-ulit pa din siya. Nakakainis.

Hindi ako pwedeng lumabas ng opisina niya hangga't hindi raw ako sinusundo ni papa o ng kahit sinong guardian na pwede niyang makausap regarding sa kaso ko.

Mabilis niyang natawagan si papa kanina at nakapagsumbong agad siya. Ang sabi ay papunta na raw. Natawagan na rin nila ang mga magulang ni Trixie at syempre si tita Aila para kay Megan.

Tahimik kong iniinda ang pagkirot ng likod ko. Litse!

Nasaktan din naman ako sa nangyare kaya  bakit sila lang 'tong nasa infirmary? Hindi ko na isiningit kay Mrs. Mendez ang tungkol sa likod ko dahil ayaw kong mag-aksaya ng lakas, lalo pa't mas nararamdaman ko ngayon ang pagkirot nito.

Nagbukas ang pintuan ng guidance at iniluwa ang naghi-hysterical na ginang. Nasa mid-30s na ang itsura niya, maputi at mukhang sosyal.

"Where is that girl? Nasaan iyong babaeng nanakit sa anak ko!" sigaw niya sa harapan ng councelor.

Sa asta niya ay agad kong nakumpira na siya ang nanay ni Trixie. Magkasing-ugali, e. Bastos.

Napatingin siya sa direksiyo ko at agad nanlisik ang mga mata. Nagmartsa siya palapit saakin at nagtaas ng kamay, akmang hahampasin ako pero agad siyang napigilan ni Sir.

"Mrs. Martinez, bawal niyong saktan iyong bata." si Sir.

Maldita niyang dinungaw si sir, "She's not a kid anymore! I will sue you!" galit siyang tumitig saakin.

Napapayuko na lang ako habang panay ang pagpipigil ni sir sa pag-atake ng mama ni Trixie saakin.

"Sorry po. Hindi naman po sana mangyayare ang lahat ng ito kung hindi lang nauna iyong anak niyo--"

"Shut-up! I-de-demanda kita! Walang sino man ang may pwedeng manakit sa anak ko! I will sue you. Hintayin mo, mag-di-demanda ako!" banta niya. Mas lalo lang akong sumiksik doon sa gilid ng sofa.

"Then, maybe, I should do something to kick your daughter out of this school, Mrs. Martinez." biglang nagsalita si Daddy na kakapasok lang sa loob.

Ang kanina ay parang tigre na mama ni Trixie ay biglang naging tuta ng marinig at makita si Daddy.

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito pagkatapos ay itinuro ako, "Mr. Ramirez, pinahamak ng babaeng ito ang anak ko! Hindi naman ako makakapayag na apiapihin lang ng kung sino ang anak ko!" tiningnan niya ako ng nakakadiri. Naghihintay sa simpatya ni daddy.

Ngumisi si Daddy at tiningnan ako, "Hindi naman basta kung sinu-sino lang iyang batang dinuduro mo, anak ko 'yan, Mrs. Martinez. Anak ko ang gusto mong idemanda. Anak ko ang sinisigaw-sigawan mo. Anak ko ang pinagbibintangan mong nagpahamak sa anak mo."

Nawala ang kumpyansa sa itsura ng ginang. Ayaw kong matuwa dahil parang hindi maganda iyon lalo sa sitwasiyon namin pero hindi ko maiwasan lalo na't pakiramdam ko ay nagigising sa katotohanan ang mga mayayabang na ito.

"Sige, magdemanda ka. Ihanda mo na rin ang paglipat ng anak mo sa ibang eskwelahan."

Nalaglag ang panga niya ng seryosong sinabi ni Daddy iyon.

The President Is The Pranksters ExWhere stories live. Discover now