Kabanata 16
Nakalock naman 'yong pintuan ko, paano nakapasok ang isang 'to?
Naglakad si Bryle palapit saakin at sa sofa. Masama ang tingin na ipinupukol niya saakin sa tuwing titingnan niya ang kalat ng kwarto ko at pabalik sa itsura ko.
Dumampot siya ng isang popcorn at ipinakita saakin, "May pa-popcorn pa!?" umismid siya bago kanain ang hawak niya. Inirapan ko lang.
Ano ba kasing ginagawa ng isang 'to dito?
Pinulot niya ang remote na nakalapag sa lamesa at pinatay ang tv bago ako hinarap. Pinagtaasan niya ako ng kilay.
Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, "Hindi ka naligo?"
Napaawang ang labi ko at pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko saaking ulo. Uminit ang pisngi ko sa hiya ng marealized na oo nga pala!
Anong itsura ko ngayon?
Arrrrghh!
Sigurado akong sobrang dungis kong tingnan ngayon!
Para na akong malulusaw sa hiya pero ayaw ko namang isipin niyang na-i-intimidate ako sa presensya niya kaya sumimangot lang ako at hindi nagpatinag.
Hindi ako naligo ngayong araw dahil masyado akong nahumaling sa panunuod ng mga movies.
At isa pa!
Wala naman kase akong inaasahang bisita!
Nakakainis!
"Susunduin kita bukas. Gumising ka ng maaga!" utos niya.
"At bakit?" taas-noong reklamo ko.
"At bakit hindi?" hamon niya.
Kita mo ang isang 'to. Parang kailan lang halos mag-alburuto siya sa bawat pagkakataon na magkalapit at magkasama kami. Lage nalang mainit ang ulo niya at naiirita. Tapos ngayon kung makasabi siyang susunduin niya ako ay parang close na close na ulit kaming dalawa!
Aba! Ano ba ang akala niya?
Na madadala ako sa mga pasimpleng pagpapacute niya?
Ay naku!
Syempre naman 'no!
Sino bang hindi, jusko!
Kita mo naman ang mukha nitong si Bryle, o! Naku, kung hindi ka lang gwapo!
Umirap ako bago bumalik sa pagkakasalampak sa sofa.
"Ba't ka ba andito? Pwede mo namang itext 'yan!" saad ko at nagpatuloy sa pagsubo ng popcorn sa bibig.
Kumunot ang noo niya at pinameywangan ako.
"I already did that. Bakit nga pala hindi ka nagrereply sa mga text ko? Tama naman siguro 'yong number na ibinigay saakin ni papa. Ini-i-snob mo 'ko?" halos matawa ako sa huling sinabi niya.
Ini-i-snob?
"Hindi, ah!"
Nagtetext siya? Paanong hindi ko alam 'yun?
"Ay tama! Wala saakin 'yung phone ko. Na kay pretty boy nga pala iyon! Hindi ko pala nakuha sa kanya. Tama. Nasa kanya pala." tumango-tango ako habang inaalala na hindi ko nga nabawi 'yun noong huling kita namin.
Kinaladkad na ako ni Bryle noon pauwi, e kaya hindi niya na naibalik saakin o nabawi ko sa kanya.
Sinimangutan niya ako.
"Jowa mo na ba ang isang iyon? Bakit nasa kanya ang cellphone mo?"
Ngayon hindi ko na talaga napigilan at natawa na akong talaga. Paano ba naman at lukot ang kaniyang mukha at ang kaninang kumpyansa ay biglang nawala.
"Nagseselos ka?" panunuya ko.
"Sagutin mo ang tanong!" bigla na namang siyang nagsungit.
"Paano ko magiging jowa iyon, e hindi naman nanliligaw!" I answered half laughing.
"At bakit? Kapag ba nanligaw, jojowain mo nga?" lalo akong tumawa.
"Bakit ka nagagalit?"
"Hindi ako nagagalit!"
"Oh, e, bakit ka nagsusungit?"
"Hindi ako nagsusungit!"
"Oo kaya!"
"At anong tawag mo kay Douglas? Pretty boy?" suminghap siya at mariin akong tinitigan.
"Oo! Ganda niyang lalaki, e!"
Naluluha na ako sa kakatawa dahil sa pagkainis niya. Nagseselos nga talaga siguro 'to.
Hindi makapaniwalang pinanuod niya lang ako habang nagpapatuloy sa pagtawa.
"So nagagwapuhan ka sa kaniya?" frustrated niyang sinabi.
Nanunuya akong tumango at ngumisi, "Oo..."
Ibinuka niya ang kaniyang labi at marahas na bumuga ng hangin, "Pero mas gwapo ka pa rin!" umirap siya saakin ng ngitian ko siya matapos masabi iyon.
"Wag ka ngang playgirl!"
Dumagundong sa kabuuan ng kwarto ang lakas ng tawa ko. Iyon na ata ang pinakanakakatawang sinabi niya sa tanang buhay niya.
"Tumigil ka, hindi ka nakakatuwa!" iritable niyang saad ng hindi pa din ako maawat sa pagtawa.
Nakahawak na ako sa aking tiyan habang iniinda ang sakit nito dala ng sobrang pagtawa. Mababaliw ako dito kay Bryle! Jusko.
"Wag kang magselos doon, hindi ko type iyon!" sabi ko ng kumalma pero nakangisi pa din.
"Talaga lang ha! E, kung makapicture ka sa kanya habang naglalaro halos ubusin mo storage ng cellphone mo! Baka nga pinagpapantasyahan mo iyon gabi-gabi, e!"
Nakita niya pa iyon? Talas din magbantay nitong si Bryle, a?
"Sus! Natutuwa lang naman ako sa kanya kase ang galing niyang magshoot!" mas lalo siyang nagmukhang galit ng marinig ang salitang shoot sa bibig ko.
Humalakhak ako ng nagsimula na naman niya akong patayin sa mga titig niya.
Insecure, Bryle?
Pikon siyang umirap at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto ko.
"Magaling ka din namang tumakbo! Idol nga kita, e! Galing mong bumakod!" pahabol na sigaw ko. Tinatakpan-takpan pa niya ang dalawang tenga.
Ayaw marinig na magaling siyang magbantay at tumakbo pero hindi magshoot?
Libro pa more!
Tumatawa pa din ako kahit na nakaalis na ata iyon. Siguro umuwi na.
Ba't ba siya nagagalit, e siya naman nakascore sa puso ko? Charot.
Natawa tuloy ako sa sariling banat.
Tangina ang corney pala!