Chapter 18

15 0 0
                                    

Kabanata 18


Busy ako sa pagtatali ng buhok habang mag-isang naglalakad palabas ng classroom. Tahimik na ang kahabaan ng third floor at iilang estudyante na rin lang ang nakikita ko roon.

Kanina pang umalis si pretty boy dahil may practice game daw sila ng basketball team para sa paghahanda sa papalapit na intramurals. Kaya heto at naiwan akong mag-isa.

Paliko na ako sa may hagdanan pero agad natigilan. Sa unang baitang ay ang mag-isang si Megan, parang may hinihintay.

Diritso ang tingin niya sa baba kaya hindi niya ako napansin.

Pinilig ko ang aking ulo at inisip nalang na hayaan nalang siya.

I walked passed her but she stopped me by pulling my elbow. Tiningala ko siya.

"Uuwi ka na ba?" bahagya akong natigilan sa tanong niya.

Parang kahapon lang ang lamig ng tungo niya saakin, and now she's indifferent? What's up with her?

I nodded.

"O-Oo. Bakit?" kunot-noo kong tanong.

"Pwede bang pasabay? Naiwan na ako ng sundo namin, e."

Ngumiti ako sa tanong niya at mabilis na tumango. Sabay kaming naglakad palabas ng SHS building. Mahigpit ang yakap niya sa mga librong bitbit. Tahimik at parang kanina pa hindi mapakali.

Panay ang pagdungaw ko sa banda niya. Feeling ko kanina pa siya mag gustong sabihin pero hindi niya naman ginagawa.

"Ayos ka lang?" I asked, loosing my cool while observing her feeling bothered by something.

"H-huh?"

Tiningnan niya ako habang nagpapatuloy sa paglalakad. Saglit pa ay bigla siyang tumigil at hinarap ako.

"By any chance..." she thrilled. Tinitigan niya ako sa mata, "Kiara, kilala mo ba kung sino ang....." bumagsak ang tingin niya sa sahig. Hindi na nasundan ang sinasabi.

"Ang?" nagtataka at kuryuso na rin ako sa biglaan niyang tanong.

Tumikhim siya at nagbuntong-hininga.

"Close kayo ni Bryle noon, 'di ba? You were bestfriends?!"

What about it? What about us?

Mas lalo akong naging kuryuso. Anong tungkol kay Bryle ang gusto niyang malaman?

At kaya ba siya biglang naging mabait muli saakin ay dahil gusto niyang makakuha ng imporamsiyon ka Bryle? Para saan naman?

"Bakit?" nagtaas ako ng kilay.

Alanganin siyang ngumiti.

"By any chance..."

Hindi na ako umimik. Nanatili akong nakamasid sa kaniya at hinintay siyang matapos.

"Kilala mo ba kung sino ang fiancee niya?" maliit ang kaniyang boses habang tinatanong iyon.

Nalaglag ang panga ko at namilog ang mga mata. My throat ran dry.

Bigla akong nainitan. Pakiramdam ko tuloy sobrang init ng paligid at bigla akong pinagpawisan. Lumakas ang pintig ng puso ko. Pakiramdam ko nabingi ako sa tanong niya.

Ano daw iyon? Fiancee?

"H-huh?" ako naman ngayon ang natameme.

She laughed awkwardly, "I just thought alam mo since you were childhood friends."

Oo, alam ko! Kase ako iyon, Megan! Ako ang fiancee ni Bryle.

Bakit mo natanong?

I almost utter that but she continued talking. Nagpatuloy siya sa paglalakad at sumabay naman agad ako. Tahimik na nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Iniiwasan niya na kase ako, e. Since last week. I'm sure naman that he knew about my feelings for him, but last week, when I told him about it, he never hesitated to turn me down. I thought our feelings are mutual..." tinapos niya ang pangungusap sa pagitan ng pag-iling.

So, it's true, huh?

What Eros told me is true. That Bryle fucking Jimenez, turned Megan down?

"Hindi ako naniniwalang totoo na may fiancee siya kaya ako nagtatanong sa'yo. Kase kung meron man, malalaman naman iyon ni tita since he said it was a fixed relationship. But tita keeps telling me how supportive she is to me to become Bryle's girlfriend. I just want to confirm through you how true is that." pagpapatuloy niya.

Suportado siya ni ninang? I smiled bitterly.

Sabagay, ano pa bang nakakagulat? E, kita naman masyado sa paraan ng pag-aalala ni tita kay Megan noong huling nagyari. She visited her personally.

Habang pinapakinggan ko si Megan hindi ko maiwasang isipin na magiging mabuting girlfriend nga siya kay Bryle. They both excel in academics. Parehong achiever at mga responsable.

"Hindi naman ikaw 'yong fiancee niyang sinasabi niya, 'di ba?" she asked with all hopes in her eyes.

Ibubuka ko na dapat ang bibig ko ng maramdaman ang pagvirbrate ng aking cellphone sa loob ng bulsa. Nilabas ko iyon. I saw Bryle's name popped up on the screen, calling.

Natigilan si Megan at dumapo ang mga mata saakin cellphone. Nag-aalangan man, sinagot ko pa din ang tawag.

"What taking you so long, hurry up!" he groned on the next line.

Walang gana akong umirap.

"Hmm. Malapit na kami."

"Kami? Who's with you?" he asked curiously.

"Megan." tipid kong sagot at diritsong pinutol ang tawag.

Nakaplaster pa rin sa mukha niya ang pagtatanong. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya ng totoo o i-di-deny ko nalang iyon. Nalilito ako. Ayaw ko namang isipin ni Bryle na I still get credits being his fiancee when we both know it had been long overdue.

"Kase, Megan--"

"Si Bryle ba iyon?" putol niya sa sinasabi ko. I nodded. "Lage ka niyang hinahatid-sundo, ganun ba kayo ka-close para gawin ka niyang responsibility niya? He told me he had to do that kase utos ng daddy niya. Maybe, tito loves you so much that he treats you like her own daughter. You're not romantically involve with him, right?"

"I was his fiancee. And his ex girlfriend, Megan." I spatted, irritated.

Masyado kang madaldal! Kung hinahayaan mo akong makasagot ide sana mas naging gentle ang paraan ng pagsagot ko sa tanong mo! Tse!

Nalaglag ang panga niya.

"You're kidding." tumawa siya.

Gaga ba 'to? Nagtatanong tapos ngayong sinagot ko ayaw maniwala? Okay ka lang, hoy?

"Sinagot ko na ang tanong mo. Now, if you still want a ride with us, tara na sa parking lot at nag-aalburuto na naman siya!"

Walang anu-anong tinalikuran ko siya. Akala ko ay tuluyan na siyang nagpaiwan doon at hindi na gumalaw pa pero ng makalapit ako sa sasakyan ni Bryle at nilingon siya, nasa likod ko na.

Tiningnan ako ni Bryle ng puno ng pagtataka. Nag-iwas ako ng tingin at dumiritso sa likod. Bahala kayo diyang dalawa!

The President Is The Pranksters ExWhere stories live. Discover now