Chapter 14 : Friends or Foe?

888 29 13
                                    

Tyler's POV

It's been a month simula nung mabasa ko yung letter. Sobra akong nag-alala nun. At may isang solusyon lang kung paano ko masisigurong okay siya sa school niya.

At ang solusyon ay ang maging magkaibigan sila nila Yannie at Angel. At kung pwede ay isama na rin si Noreen(Bianca).

Naging close naman na kami ni Noreen kaya okay lang na maging magkaibigan sila.

Kaya mamayang hapon after class ay lalabas kami at ipapakilala ko sa kanila si Vanish.

Sa ngayon recess na namin. Dumeretso na kami sa cafeteria Malawak ito at ang pinakadulo ay kung saan magoorder at ang gitna naman ay mga tables and chair.

As we enter the cafeteria, all eyes were set on us. Paano ba naman, mga famous kami pero wala lang naman samin. Yung iba gusto lang kaming maging kaibigan dahil sa pera. Mga gold digger tch.

"Mga par, kami na ni Cena ang magoorder. Hanap na lang kayo ng upuan natin. Ay opppssss, yung bayad niyo muna pala, wala akong perang pang abono" sabi ni Jandre.

Araw araw na lang yan tuwing recess. Kala mo maghihirap eh pamilya niya yung may ari ng Castillo Cars Corporation. CCC in short. Famous mga yan eh. Di ko lang alam kung bakit hindi nasasama sa articles yung pagiging kuripot niya. Tch.

Binigay ko na yung pera ko pambili nung pagkain ko. I'm sure matutuwa yung ugok na yun dahil sobra. Tch

Humanap na si Denzel at Dayrit ng mauupuan at sumunod na lamang ako sa kanila.

Sakto sa pinaka gitna pa ng cafeteria yung upuan namin. Tss masyadong nakakaattract ng attention.

Habang hinihintay ko yung pagkain ay naglaro muna ako sa cellphone ko.

Wala pang limang minuto at nandito na sila. Hula ko pinasingit na naman sila ng mga babae. Tch how much more kapag ako pumila.

"Ang bilis niyo naman Cena? Anyare? May nagpasingit na naman ba sa inyong mga chikababes?" Tanong ni Dayrit

"Ano pa nga ba? Siyempre ah, tumanggi nga kami pero they insisted edi yun haha. Hirap talaga maging gwapo tsk tsk tsk" mayabang na sabi ni Cena

"Ulol mo! Mukha ka kasing senior citizen kaya pinauna ka nila. Masyadong mataas tingin mo sa sarili mo" pang aasar naman ni Dayrit kay Cena

Beng! Strike one! Nice Dayrit hahaha.

"Anong senior citizen? Ako? Haha par nanloloko ka ata eh. Kaya nila ako pinasingit kasi gwapo ako. Okay? GWAPO AKO!" Sabi ni Cena

"Sino nagsabi na gwapo ka at ililibre ko ng eyeglass nang makita niyang mabuti yung mukha mong lolo hahaha" pang aasar pa lalo ni Dayrit

"Hindi kaya ako matanda! Ilang taon ka na? Tss mas matanda ka kaya. Kaya nga wala nang nagkakagusto sayo kasi lolo ka na! Hahahaha" sabat naman ni Cena

Hindi na talaga sila titigil, ano? Yung iba napapatigil na sa pagkain nila kasi naririnig yung dalawang ugok na nagsasabatan. Ako na lang magpapatahimik sa kanila tch

"What the hell? Will you shut the fvck up??" I said using my authoritive voice and slammed the table.

Natahimik naman silang dalawa saka kumain na ulit. Tiningnan ko yung mga tao sa paligid and shot them my deadly glare. With that, nagkanya kanya na ulit hanggang sa matapos sila kumain.

Kita niyo? Takot na lang nila sakin yan tch. Kumain na lang ulit ako.

Pagkatapos namin kumain sa cafeteria ay bumalik na ulit kami sa room. Sakto kasabay lang namin yung teacher.

Crush Kita... Pero Di Mo Lang AlamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon