Chapter 24 : Escapade Day

723 25 12
                                    

Tyler's POV

Monday ang napag-usapan naming day ng pag-alis namin. Sunday ngayon kaya magsisimba muna ako bago ako bumili ng mga kailangan para bukas. Na-finalize ko na rin kung saan kami magbabakasyon. Tutal wala namang masyadong nakakaalam sa lugar na yun, mas maganda para mas ma-enjoy ang pagbabakasyon.

Naisip kong sa probinsiya na lang namin kami magbakasyon, sa Tuguegarao,Cagayan. Doon, walang masyadong tao, hindi tulad dito sa Manila na overcrowded. Makakalanghap kami ng sariwang hangin at ma-eenjoy ang mga magagandang tanawin dito sa amin.

Sa bahay na lang rin namin dito kami magsstay ng buong linggo. Ang bahay kasi namin dito ay saka lang nagkakaroon ng tao tuwing bakasyon kaya ok lang naman at naipaalam ko na kay Mommy. May housekeeper naman kaya napapanatili ang kalinisan ng bahay.

Sa may San Gabriel ang aming bahay. Malapit lamang sa plaza kaya pwedeng pwede kaming mag-walwal kung gugustihin man namin HAHAHA.

At ang mga gagawin naman namin sa buong linggo ay naka-set na kaya wala ng problema pa. Sila at ang mga gamit na lang nila ang kulang.

Naghanda na ako para sa pagpunta sa simbahan. Kasama ko ngayon si mommy at ading. Gusto ko sanang ayain si Vanish kaso naisip kong buong linggo naman kaming magkakasama kaya quality time muna with mom and ading hehe.

"Mom, let's go na ba?"tanong ko sa kaniya habang bahagyang inaayos ko ang aking buhok. Nilingon niya ako at sinabing,

"Oo,puntahan mo na rin yung kapatid mo at sa labas na ako maghihintay" sabi niya habang nag-aayos pa ng kaunti.

"Mom, maganda ka na okay? Haha tama na ang pag-aayos. Bahala ka, pag-aagawan ka ng mga lalaki diyan" biro ko naman sa kaniya kaya nilingon niya ako at nginitian

"sus nambola pa. Hala sige tawagin mo na si Sam" nakangiti niyang sabi kaya tukango na lang ako habang napapailing.

Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ni Sam. Kumatok muna ako bago buksan ang pinto.

"Sam, ready ka na? Alis na daw tayo sabi ni mommy" tanong ko

"yup kuya" sagot naman niya saka lumabas sa walk in closet niya kasama si manang.

Tumakbo siya palapit sakin saka hinawakan ang kamay ko.

Sabay na bumaba kami at dumeretso na sa sasakyan ko. Nakita ko naman si mommy na nakaupo na sa passenger seat.

Pinapasok ko muna si sam sa back seat saka ako pumasok sa driver seat.

Tumingin muna ako sa rearview mirror saka sinabing

"Let's go" saka inistart ang sasakyan.


Inabot kami ng kulang kulang dalawang oras bago matapos ang misa at ngayon ay nasa isang resto kami para kumain ng tanghalian since lunch time naman na.

Umorder na ako ng para sa amin saka tumingin kay Sam nang may gusto pa siyang ipadagdag.

"kuya, I want fries please" she said. I just nod at her.

"additional large cheezy fries please." sabi ko sa kumuha ng order saka tinanguan,senyas na ok na ang orders.

"so, what are your plans sa Tuguegarao baby? " maya maya'y tanong ni mom. The hell, I'm old enpugh para tawaging baby, I hate it.

"mommy, how many times do I need to tell you to stop calling me baby? It annoys the hell out of me! "I frustratingly said.

"ooops, okay okay. Don't get mad at me then. So, tell me what's your plan in Tuguegarao so I can help if there's need to" sabi niya naman sabay taas ng kamay defensively.

Crush Kita... Pero Di Mo Lang AlamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon