3

20.6K 236 22
                                    

AFTER the environmental convention I attended, I cancelled all my appointments from 5:00pm onwards. Nagmadali akong lumabas sa environmental convention conference room. Tinangal ko na ang coat ko dahil hindi naman talaga ako mahilig mag-suit. Pero since international environmental conference iyon, I had to be in formal attire.

Isinukbit ko lang sa balikat ko ang coat ko. Kung siguro nakikita ako ni fairy princess, sisitahin ako non. Gusto kasi nun, prim and proper. Yun ang na-observe ko sa kanya habang lumalaki kami.

Akala ni Denise na tutuloy ako sa meeting namin ni Rori. Pero hindi ako nagpakita kay Rori. Pinasabi ko na lang kay Denise na sabihin kay Rori na hindi ako makakarating sa meeting dahil busy ang schedule ko. Ang totoo, nandito lang naman ako sa tagong parte ng lobby at pinagmamasdan siya simula kaninang 5:00pm.

Wala pa rin pinagbago ang feelings ko sa kanya. May nararamdaman pa rin ako sa kanya. Mahal na mahal ko pa rin siya. After all these years that I tried to stop loving her, hindi ko magawang kalimutan siya. Simula nang malaman ko sa magulang ko na we are betrothed to be married, tuwang tuwa ako. The first time I knew it was after Rori stumbled on the man-made waterfall in our home in Palawan. Pinagalitan kasi ako ng dad at mom ko. They said I should take care and love Rori because she is my future wife, and I would handle all our businesses when I am able to handle them. It was so much responsibility to take in, but my parents were there to help me manage it emotionally and mentally. They sent me to the US to study. Knowing that I would soon have the responsibility of our businesses and having a wife that I should love and take care of, I persevered in my studies. Siguro kasi bata pa ako, alam ko na rin na iyon ang gusto ko. Role model ko kasi ang dad ko. Mabuti at mapagmahal siyang asawa at ama, at magaling na negosyante. Role model ko din ang kapatid niya. Si Ninong Gerardo Ponce na kasalukuyang Presidente ng Pilipinas. Dalawa lang silang magkapatid at isa rin ang anak ni Ninong Gerardo na si Gerard na ngayon ay nasa Canada.

Ardy and I treat each other like brothers. Kahit na pinalaki kami ng magulang namin na pormal at may breeding, pag kaming dalawa lang, lumalabas yun' pagiging kolokoy namin. Yun' easy easy lang. Hindi kami mashado nag-iinglisan. Pag hirap lang mag-express magtagalog, saka lang kami umiinglis. Koboy kami pareho ni Gerard. Marunong kaming makibagay at makisama kahit na anong antas pa ng isang tao sa buhay.  Nakuha namin iyon kay Ninong Gerardo na maka-masa.

During high school, Ardy would accompany me to secretly visit Rori in her school whenever I would be in vacation. Niloloko nga ako ni Ardy na stalker daw ako.  Stalker nga ba ako kung gusto ko bisitahin ang future wife ko?

Nahihiya lang naman ako kay Rori. In other words, natotorpe.

Kaya ang ginagawa ko na lang, pinapadalan ko siya ng chocolates, flowers, at mga teddy bear tapos lalagyan ko lang ng 'To: Fairy Princess. From: Palawan' yung card.

Sabi ni Uncle Valentino, nakadisplay daw sa kwarto ni Rori ang mga teddy bear na pinapadala ko. Naknamposa! Kinilig kaya ako nung nalaman ko yon!

Akala ko gusto niya yun' mga pinapadala ko, pero laking gulat ko nang una kaming magkita sa rooftop on her 18th birthday. She said so many hurtful things to me. Hindi ko na nga na-absorb lahat dahil sa sobrang nadurog ang puso ko sa sinabi niya. Ang sakeeet! All this time, hindi pala niya ako gusto.

Kahit alam kong mapapahiya ako at ang pamilya ko on her 18th birthday, I gave her a way out of our arranged marriage. Kahit sa mismong oras na tinatawag ang pangalan niya para umakyat sa stage para ipakilala bilang fiancée ko, I was still hoping she would appear and tell me that she accepts me as her fiancé. Para kong sinasaksak sa puso hindi dahil sa kahihiyan na inabot ko at ng pamilya ko. Nasaktan ako dahil halos inikot ko ang mundo ko sa araw na yun na we will be officially engaged.

Pero kahit nasaktan ako, binibisita ko siya ng palihim sa Pilipinas. At nang maagksidente't pumanaw sila Uncle Valentino sa US, ako ang nag-asikaso sa mga labi nila Uncle, without her knowing. Because of my love for her, and out of my closeness to Uncle Valentino, ako ang tumayong kamag-anak nila sa US, hanggang sa madala ang mga labi nila Uncel dito sa Pilipinas. Ako din ang nag-ayos ng burol nila Uncle Valentino. Natulala kasi si Rori sa buong panahon nang kamatayan ng magulang niya. Hindi siya nagsasalita, hindi umiiyak, hindi natutulog. Kinailangan pang mag-undergo ng medication si Rori para makatulog. Na-shock ito sa nangyari. Gusto ko nga siyang akapin noon at sabihin na iiyak niya yung pagkawala ng magulang niya. Pero hindi rin kasi ako nagpakita sa kanya noon. Always from afar lang ako. Kasi ayokong makaramdam siya ng pressure, lalo na nung panahon na 'yon. Kay Granny lang ako nakikipag-usap. Kahit si Granny noon ay halos tulala rin kaya nakipag-coordinate na lang ako at ako na ang nagdedesisyon sa kung ano ang gagawin nuong mga panahon na 'yon. Naka-monitor ako sa mga nangyayari. Kilala na nga ako ng mga administrative staff nila Granny dahil isang buwan din akong nanatili dito sa Pilipinas para alalayan si Granny, Rori, at Reema.

Sabi ng psychologist, may huge impact kay Rori ang pagkawala ng magulang niya at ang di niya pag-iyak kaya most likely ay magmamanifest ito sa pag-uugali ni Rori o di kaya sa kung paano ito makitungo, magreak, o maghandle ng pressure.  Sa pag-aalala ko, hindi muna ako bumalik ng US para tapusin ang pag-aaral ko. Nananatili muna ako sa Manila. Inasikaso ko na muna ang negosyo sa Palawan, at nakipag-meeting sa mga stockholders ng Valentino dahil gusto na nila ilipat ang investment nila sa iba.  I placed investment on Valentino to still revive it kahit na sa financial assessment ng mga consultant ay pabagsak na ito.  Alam ko kung gaano kahalaga kay Rori at Reema ang company ng daddy nila. I don't want to see Rori sadder that she could already bear. Masakit din sa'kin yun. 

Minsan sinusundan ko din siya sa mga lakad niya. Nababalitaan ko na may mga manliligaw siya. Gusto ko ngang upakan at takutin eh. Kaso malalaman ni Rori kaya pinipigilan ko na lang ang sarili ko. Napapa-'thank you Lord!' na lang ako kapag sumusuko kay Rori yung mga nanliligaw sa kanya. Kasi hindi pinapansin ni Rori. Mas nakatutok ito sa pangarap niyang maging tanyag na fashion designer, at mas nag-eenjoy itong kasama ang mga kaibigan niya.

Speaking of her friends, sinasabi ko nga kay Ardy na may irereto ako sa kanya dun sa isa sa mga kaibigan ni Rori. Yung isa kasi sa mga kaibigan ni Rori demure. Mga demure na mestiza ang mga tipo ni Ardy eh. Gusto ko ireto yun' pinsan ko kasi tuwing magkakausap kami, ang bukang bibig niya ay yung girl friend niyang spoiled brat, self centered, at manic depressive. Sa kuwento ni Ardy, ganun ang judgement ko sa girl friend niya. Pero itong si Ardy, baliw na baliw sa syota niyang baliw. Ewan ko ba kung bakit nagustuhan iyon ni Gerard at nagtitiis siya don sa girl friend niya sa Canada. Palibhasa napaka-hopeless romantic.  Hehehe! Parang ako hinde, ano? Hopeless romantic din ako sa kasawiang palad.

Sinasabi kong sawing palad ako dahil gusto ko nang mawala ang pagmamahal ko kay Rori. Gusto ko nang humanap ng iba. Pero sa tuwing ibabaling ko sa ibang babae ang atensyon ko, nawawalan ako ng gana. Kaya siguro parating mainit ulo ko. Haha!

Oo, maypagkabastos din ako. 'Lemme just remind you that I'm a man. But because of my love for her, I opted for chastity for a very, very, very long time. Iniisip ko kasi she is doing the same so I'd like to preserve myself, too, for her.

Kahit gusto akong pagtawanan at asarin ni Ardy dahil don, hindi niya magawa dahil pag ginawa niya yon, kailangan na niyang kumaripas ng takbo at wag magpaabot sa'ken.

Hay, fairy princess, sana akin ka na lang. Pero lalayo na ako sa'yo. Kailangan ko ng lagyan ng expiration date ang pagmamahal ko sa'yo dahil masakit na ang ulo, puso, at puson ko.

Pero paano ko gagawin yon ngayon kung ikaw naman ang kusang lumalapit sa'ken? 

Tsk! Pinapapahirapan mo naman ako, fairy princess.


Loving Mr. Elusive (Completed/ Published in Dreame app)Where stories live. Discover now