SHE was reluctant at first to go to the provincial restroom. Kasi bukod sa walang toilet seat at sa drum kumukuha ng pangbuhos, pag tumayo siya ay kita ang ulo hanggang leeg niya. Yun puwede siyang mabosohan. Kaya to make her feel safe and secured, I promised her I won't look, and I would be on guard. Kaya eto, naambunan na ako at nilalamig dito sa labas. Kahit may sakit ako, basta para kay Rori, deleted ang 'lagnat' sa bokabularyo ko. Kasi ang laman ng vocubalary ko ay Rori lang. At para mas ganap ang serbisyo ko sa prinsesa ko, sumalok pa ako ng tubig galing duon sa lalagyan ng drinking water namin at inabot ko sa kanya kanina para pang hugas niya. Baka kasi ma-UTI ang baby ko. Tapos, ako naman nagtoothbrush.
Nagmadaling lumabas si Rori sa kubeta at lumapit sa'kin dala yun tabo ng pangsalok ng inumin. Hinugasan niya ung pangsalok bago ibinalik sa lalagyanan nito. Na-realize ko may pagka-OC pala itong si Rori dahil hindi mapakali na hindi nagtutoothbrush. Inalok ko yun' toothbrush ko pero tumanggi. Natawa na lang ako. Parang hindi ko siya nahalikan kaninang madaling araw,a?
Nagkibit balikat na lang ako at pumasok sa loob ng kubo. Sumunod naman siya sa'ken. Sabi niya sa kuwarto na lang daw niya siya magpapalit ng damit. At dahil sa iisa lang ang lamparang gamit namin at nagtitipid din kami ng gas, ibinigay ko sa kanya ang lampara. Ako naman nagpalit na ako ng pangtulog sa sarili kong kuwarto. Sinampay ko yun basa kong damit sa bintana para matuyo. Bukas ko na lang lalaban kasama nung damit ni Rori.
Saglit akong lumabas sa kusina para uminom ng paracetamol. Habang umiinom ako ng tubig para malunok ko un paracetamol, napatingin ako sa direksyon ng kuwarto ni Rori dahil iyong kuwarto lang niya ang may ilaw sa buong kubo at dahil tumatagos ang mga maninipis na ilaw mula sa awang ng pader ng kuwarto na gawa sa pawid. Hindi ko naman alam at sinasadyang makita si Rori sa awang na nagtatangal ng kasuotan niya paharap sa direksyon ko. Naibuga ko tuloy yun nag-iisa kong paracetamol at yun tubig sa bibig ko.
Napakamot ako ng ulo kasi hindi ko mahahanap yung tableta sa dilim ng paligid. Pumasok na lang ako sa kuwarto ko at humiga na sa banig nang padapa.
Padapa ako natulog para pigilan ang nararamdaman ko. May lagnat na nga ako, makakaramdam pa ako ng pangangawit sa puson. Sobrang parusa naman sa'ken nun.
Hindi ko alam kung sadyang nilalamig ako kahit nakakumot dahil sa lagnat ko, o sadyang malamig dahil may bagyo. Naririnig ko ang hangin na parang sumisipol at ang agos ng dagat na gumagawa ng bahagyang nakakatakot na parang ungol sa tindi ng bagyo. Nakakatakot ito sa hindi sanay makarinig ng ganoon tunog.
Nag-alala tuloy ako kay Rori. Pinakiramdaman ko siya. Hindi ko naman siya naririnig. Siguro tulog na iyon dahil napansin ko kagabi na may pagkatulog mantika yun' baby kong yon. Siguro gumugulong gulong na yon sa banig dahil malikot nga siya matulog.
Papikit na sana ang mata ko ng marinig ko ang isang tunog ng hayop sa ilalim ng kubo. Siguro nakawalang baboy iyon at nagtago sa ilalim ng kubo. Nakarinig ako ng tili pero hindi ng baboy, kungdi tili ni Rori. Narinig kong may kumalampag at biglang bumukas ang pintuan ko. Dahil sa madilim, hindi niya yata ako nakita at nadapa siya papunta sa'ken. Lalo siyang tumili sa takot.
"Percival!!!" Nasambit niya na humihingi ng tulong habang parang hinahanap ako sa dilim. "Aswang! Aswaaang!" Nanginginig ang boses niya at umiiyak na.
"Rori, ako 'to!" Sabi ko sa kanya at inakap siya papunta sa dibdib ko dahil nakadagan na siya sa'kin. Kamuntik pa niyang ma-tuhod ang manhood ko sa pagpapanic niya habang nakadapa sa'ken. "Relax, baby!" Sigaw ko dahil hindi na niya ako marinig sa pagsigaw niya.
Napatahimik siya pero parang nanginginig pa rin. Bigla na naman siyang tumili at parang tatayo habang hila ang kamay ko. Inaaya niya na ako na tumakbo. "Relax, baby. It's just a pig." Sabi ko habang inaalalayan ko siyang tumayo.
YOU ARE READING
Loving Mr. Elusive (Completed/ Published in Dreame app)
General Fiction#arrrangedmarriage #secondchance #lovestory #romance #business