30

12.3K 139 9
                                    

I was so relieved when Rori woke up after a few seconds na mahimatay siya habang nakatayo on top of the bed. Mabuti na lang at nasalo ko siya dahil sa sahig ang bagsak niya.

Napaungol siya nang magkamalay na siya.

"Baby..." nasambit niya. "Don't panic..."

"How can I do that when you almost fell off the bed? Ano bang nangyayari sa'yo?" Alala kong tanong at hinila ko ang kumot sa kama. Ibinalot ko sa kanya ang kumot, bago ako tumayo t karga siya pupunta sa kama. "I'll cancel our flight. You rest first." Sabi ko at akmang lalakad na pupunta sa telephone pero pinigilan niya ako.

"No, I'll be fine, baby..." sabi niya na hinihilot ang kanyang sintido. Maya maya ay napasandal ang ulo niya sa headboard ng kama at napatakip ng bibig.  "Ugh... here... I go... again..." stressed na sabi niya at pumikit saglit.

"What? What's wrong?" Worried kong tanong at lumuhod sa harap niya. Hinimas ko siya sa magkabilang braso, pero tinabig niya ang mga kamay ko at nagmadaling tumakbo sa bathroom at dumuwal.

Sinundan ko siya na nag-aalala. I wanted to rush her to the hospital, pero umiiling lang siya at saka duduwal.  "Tanya told me you kept on fainting because of fatigue... pero why are you vomiting now?" I asked habang hinihimas siya sa likod. "What was the finding of the doctor last month?"

"I'm... I'm..." sasagutin sana ako ni Rori pero napapaduwal pa din siya. Biglang nag-ring ang mobile phone ko. Hindi ko pinansin ang pag-ring non sa pag-aalala kay Rori. Pero sabi niya sagutin ko daw dahil baka emergency. Reluctantly, I searched where I threw my pants earlier as my wife and I made love.  

Sinundan ko ang tunog ng mobile phone ko at nakita ang pantalon ko sa gilid ng kama na natakpan pala ng kumot. Kinuha ko ang mobile phone sa bulsa ng aking pantalon at nakita na ang tumatawag pala ay si Dad.

He said na isa sa dalawang van na hinabol ng mga sundalo nang araw na pinalaya ako ng mga kidnappers ay naabutan ng mga sundalo. Ngunit nanlaban ang mga kidnappers kaya nagka-engkwentro. Isa lamang sa mga kidnappers ang nabuhay sa humintong van, at ito ang umamin na si Lucio Santiago ang lider ng sinidikato na humingi sa'min pamilya ng 10M. Hindi nabawi ang 10M dahil nakatakas ang isa pang van na may tangay nito.  Tumayong testigo ang kidnapper against Lucio pero magaling mag-alibi ang lawyer nito na si Atty. Fortunato kaya hindi nadagdagan ang kaso ni Lucio Santiago. Si Lucio Santiago ang step dad ni Shayla na isang mayor at obsessed kay Shayla.

Sinabi rin ni Dad sa'ken na ang Pizzo Group of Companies board members, including Granny, agreed that since she can not perform her duties as CEO due to her condition, they are assigning me to be the new CEO of the company.

Habang kausap ako ni Dad at nagbibigay ng update tungkol sa kumpanya nila Rori ay nawala ako sa pokus. Napansin ko kasi na nag-uumpisa na maligo si Rori without me. Nakita ko siya dahil hindi niya sinara ang pintuan.

May kung anong kilig akong naramdaman sa realisasyon na abot tanaw ko na pala muli ang asawa ko, at abot kamay ko na siya muli. Hindi katulad ng isang buwan na akala ko ay magkakahiwalay na kami at baka hindi ko na siya makita kung piñata ako ng mga kidnappers.

Naamoy ko ang pamilyar na scent ng kanyang shampoo at body wash. Kung ang cinnamon reminds people of Christmas, and baked cookies reminds people of their grandma's home... ang body wash at shampoo naman ng asawa ko remind me that I am definitely home.

The thought of being home with her brought a feeling of comfort, despite the body pain and danger that I went through days ago.

"Hello, son? Are you still there?" si Dad.

Loving Mr. Elusive (Completed/ Published in Dreame app)Where stories live. Discover now