NAKATULUGAN ko si Percival sa sobrang tahimik namin. Halos isang oras rin kasi kaming bumibiyahe tapos baku bako pa ang daan kaya para yatang nahehele ako sa pagyugyog ko o baka kasi naalog ang utak ko. Nakatulog tuloy ako. Hehehe!
Nagising na lang ako ng sinara ni Percival ang pintuan niya at lalapit sa'ken para siguro gisingin ako. Pero tumigil siya ng paglapit nang magmulat ako ng mata. Sana pala hindi ko na lang minulat kaagad ang mata ko. Malay ko, baka balak pala niyang i-kiss ako. Sayang naman! Na-feel ko na kaya siya kumiss kaninang madalang araw. How delighting! Hihihi!
"Nandito na ba tayo?" tanong ko sa kanya habang tinakpan ko ang bibig ko para mag-hikab. Siyempre pati pag-hikab dapat lady-like.
"This is not the barrio yet. I have to walk on foot. I will leave you now and Mang Arturo will drive you back to the hotel, unless you can drive back by yourself?"
"I told you I will not leave until you say yes to model for Valentino." I adamantly said in British accent. Yes, when I need to stand my ground or be forceful, I couldn't stop myself from talking in British accent. I got that from watching English cartoons as a kid, and got their accent. As a kid, I was a bit of a loner because kids my age don't get me so I played alone in my own little castle at home. When I was in high school, that's when I met my five friends because we all went to the same exclusive school.
Napakamot sa ulo si Percival at napakunot noo. "How are you supposed to go hiking with me at this time of the day wearing that? And, you're not even wearing the proper shoes. At lalong wala kang baon damit for the immersion. Alangan naman na yan ang suot mo buong linggo?"
Napalunok ako.
Think Rori! Bloody think hard! If I agree to go back to the hotel to get my stuff and just go back here, tatakasan kaya ako ni Percival? Ang sagot ay OO with capital letters! I've got a feeling that the moment na umalis ako, tatakasan ako nito dahil something's telling me he's avoiding me!
"Bakit mo ba ako pinoproblema? Akong bahala sa sarili ko." Confident kong sabi kahit ang totoo, hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko, pero carrybells. Basta makahanap ako ng tela, gunting, sinulid, karayum, o pardible, makakagawa ako ng paraan na magkaroon ako ng damit at underwear. Anyway, hindi naman ako mahilig mag-brassiere so less problem.
Yun lang, wala akong silicon pads. Wala din akong lotion, facial wash, night cream, bath cream, body wash, perfume, make up...Oh my, my make up!
I gasped. I started to feel insecure! Truly! Security blanket ko kasi ang make up! Huhu! All for the love of Valentino, for the first time in my adult life, mukha akong canvass na walang kulay! Huhuhu! Naiiyak na ako deep inside.
Napansin kong napahawak sa ulo si Percival at ipinatong ang ulo sa manibela ng sasakyan niya bago nagsalita.
"Fine." Anito at lumabas na ng pinto at inilagay ang knapsack nito sa kanayng likod. Bumaba siya kaya ako naman ay nagmadali din buksana ng pintuan ko. Nagulat ako dahil nasa tapat na siya ng pintuan ko at nakalahad ang kamay. Napatingin ako sa kanya na may halong gulat at pagtataka.
Gentleman ang peg? Ayii!
"Do I need to carry you just so you can go down?" medyo irritable na si Percival. Natakot tuloy ako sa kanya. Ibinigay ko na ang kamay ko at inalalayan niya akong bumababa sa Hummer niya. Nung nakababa na ako, binitawan na niya ang kamay ko at hinawakan ako sa likod para i-lead ako sa mga taong nasa tapat ng isang maliit na bahay. May nakasulat duon na Barangay Hall. Nagulat ako. Ganito kaliit ang baranggay hall? At nasa liblib na lugar pa? At, walang mashadong sasakyan? I wondered how they go to the city. Anyway, dahil curious ako, tinanong ko. They said naglalakad daw sila.
YOU ARE READING
Loving Mr. Elusive (Completed/ Published in Dreame app)
Fiksi Umum#arrrangedmarriage #secondchance #lovestory #romance #business