I secretly ordered Denise to purchase turtle neck blouses, cotton t-shirts, and jogging pants for Rori, when he and my other staff purchased local make up from a trusted local brand, and manicure kits from the wet market prior to the seminar day. Hindi ako conservative, pero aaminin kong seloso ako. Siguro nga exaggerated na pasuutin ko si Rori ng turtle neck na blouses, pero I think I'm reasonable when I said it is more appropriate for her to wear cotton shirts, jogging pants, or jeans. It's better to tone down on her fashion style in such a place especially that we are not informing them of our real identity—that I'll be the sponsor for their children's education, through World Vision, as well as the improvement of their community.
Rori was the one who drove the Hummer for us going to the barrio. Pero bago kami nakaalis ng hotel, we negotiated about the clothes she would wear in our stay. Siyempre, approved ang nighties niya kasi pabor sa'ken yon. Pero the rest, I wasn't really comfortable seeing her wear them. I mean, it wasn't appropriate. But, knowing Rori, she was always overdressed for any occasion. I knew she was like that. Sinabi na sa'ken ni Tito Val yon nung we were supposed to be engaged.
"Percival, anak... tatawagin na kitang anak ha? Alam ko na lumaki ka sa Amerika at alam ko naman na mapupusok ang kabataan ngayon, pero kung maari sana... pagkatapos ninyong ma-engage ni Rori, huwag muna sana kayo maging very physical. Alam kong masarap ma-in love at masarap din ang sex. Maganda ang anak ko, at pogi ka naman. Hindi malayong magkaroon kayo ng desire sa isa't isa, pero iwasan niyo muna, kung kakayanin, ang mag-smooching, pheromone sniffing, fondling, cuddling, o mag-foreplay. Ok lang sa'ken ang kiss sa cheek, holding hands, akbay, at hugging---"
Naputol ang pagsasalita niya dahil nasamid ako sa pag-pigil ng tawa. Kasi naman si Tito Val ang seryoso pero ang graphic. Palagay ko nahalata niyang namula ang mukha ko at halos mapaluha ang mata ko sa pagka-samid. Tinapik niya ang likod ko at inantay na tumigil ako sa pag-ubo. Tinuloy niya ulit ang sinasabi niya sa'ken.
"Kung maari sana kapag kasal na niyo gawin iyon pag-nibble ng tenga, lips to lips, sucking ng tongue, fondling at groping ng organs, oral kissing at sexual intercourse..."
Napa-ubo na naman ako. "Sorry, Tito. Pls continue..."
Napakamot siya ng ulo. "Nagsasabi lang ako ng totoo, anak. Lalake naman tayo kaya ganito na talaga kita kausapin. At isa pa, kapag mag-asawa na kayo at araw araw mo na siyang kasama, may mga pagkakataon na magkakapikunan kayo o magkakainisan. May pagkakataon magkakaroon kayo ng matinding hindi pagkakaintindihan, pero dahil kasal na kayo, hindi ibig sabihin non ay puwede ninyo nang ayawan ang binitiwan ninyong pangako sa isa't isa. Katulad ng sabi ng magulang ko sa'ken noon, ang pagpapakasal ay hindi isang kanin na kapag napaso kay maari mo na itong iluwa."
Kahit nakakahiya na binuksan ni Tito Val ang topic na yon tungkol sa pre-marital sex bago ang kasal ay sineryoso ko ang sinabi niya. Nakinig ako at ginalang ko ang bilin niya.
"Tito Val..." umpisa ko.
"Pls call me Dad...." Pag-cut naman niya sa'ken.
"Ok... errr. Dad, I love Rori." I admitted. "I will take care of her, respect her, love her more, and be more patient with her even if I don't really get her. I love her though I'm not sure how it started or why."
Napatawa si Tito Val sa'ken.
"Rori is not typical, pero harmless naman siya."
Napatawa ako sa sagot niya.
"I must admit she's a bit on the eccentric side when it comes to fashion, make up, romantic novels, but other than that, you can rely on her to be adaptable. Totoong maarte si Rori, pero maasahan mo yan na tutulong sa'yo na gumawa ng solusyon kahit ano pa ang problema niyo. Pagpasensyahan mo na lang ngayon kung nagmamaktol yan' si Rori dahil may katigasan din yan ng ulo lalo na pagsalungat kayo ng prinsipyo. Pero asahan mo na hindi ka matitiis niyan kung mahal ka niya. Siya rin ang bibigay, katulad na nga lang sa kapatid niyang si Reema. Kaya nga si Reema, magpagka-spoiled. Spoiled sa ate. May pagka-spoiler kasi yan' si Rori. Pero that's part of how giving she is. She's very generous to the point na baka nga maabuso siya. Mabuti na nga lamang at yun' limang kaibigan niya ay hindi ganoon. Madiskarte, creative, intelligent and artistic yan' si Rori. Mana sa'ken! Hehe! She's scared of all insects nga pala, and other animals except for her cat she named Orion. She is fascinated with clothes, make up, romantic novels, and stars. She is always overdressed, pero kaya naman niyang dalin, hindi ba? At saka, kahit maarte iyong batang yon, mabait si Rori. Maasikaso. Malambing, maalaga, at mapag-mahal. I am sure na hindi ka magsisi na pakasalan ang anak ko dahil aalagan ka non. Huwag mo lang paglutuin dahil nasisira daw ang make-up niya. Pero asahan mong marunong yan sa bahay at sa buhay."
YOU ARE READING
Loving Mr. Elusive (Completed/ Published in Dreame app)
General Fiction#arrrangedmarriage #secondchance #lovestory #romance #business