VIII - Carly Von

2.3K 85 60
                                    

Halos sampalin ko yung sarili ko sa kahihiyan kagabi. Di ko din alam kung ano bang pumasok sa isip ko. Bakit sinabi ko yung mga bagay na masyadong personal kay ash.

Kapag inaalala ko yun napapaisip talaga ako kung bakit ganon ang tumatakbo sa isip ko...

Parang may kakaiba kasi kapag kasama ko siya. She's somewhat different from other people. The way she talks, laughs, and moves.

Di ko maintindihan yung pagkakomportable ko kapag kasama ko siya. Sa lahat ng nakilala ko siya yung pinaka nakakainis pero nakakaexcite.

Nagtataka pa din ako kung bakit sinabi ni Ash at Nam na invited sila sa  celebration ni Rav kahit hindi naman. Ginawan ko na lang ng paraan para makaiwas sila sa kahihiyan kagabi.

Bumangon na ko sa kama dahil late na ko kapag nagmuni muni pa ko dito kakaisip sa mga pangyayari kagabi.

Pagkababa ko nagluto agad ako para sa breakfast namin ni ash. Ang tagal niya bumaba kaya naisip kong buksan muna ang laptop ko para makapag ayos ng ibang gawain. Ilang minuto pa lumabas na ng kwarto si ash na nakaunderwears lang. Pangalawang beses na 'to. She's wearing black panty with green linings and lemon colored bra.

Kung girlfriend ko lang si ash okay lang na ganyan suot nya every morning. Buti nalang nakakapagpigil ako. Syempre kailangan. Ano nalang iisipin ni drew kapag nalaman nya na may something sa amin ng kapatid niya.

Pero syempre hindi mangyayari yon.

Nagtimpla siya ng coffee. Di ko maiwasan hindi tumingin lalo na't napakalapit niya lang. Napatitig na ko ng binuksan niya ang refrigerator ara kumuha ng milk. Parang isang commercial na kulang nalang ibuhos niya ito sa katawan niya.

I cleared my throat, "Ehh-em."

Lumingon siya at lumapit, "Good morning carly."

Tapos tumabi siya sa akin, "Lasing ka ba kagabi?"

Tumingin ako ng magkasalubong ang kilay, "No. Why?"

Sabi na eh. Magtatanong siya about kagabi. Anong katangahan ba naman kasi yung ginawa ko. Nagflashback sa isip ko yung mga salitang sinabi ko.

"Maybe yes, maybe no. It just that I miss holding someone, kissing someone, touching someone. Someone that I can be happy with, someone who stays and never leave."

Di ko pinahalata pero minumura ko na yung sarili ko ng mahina.

"Oh. Okay." Tanging sagot niya.

"I don't want to talk about it. Kalimutan mo nalang ang mga sinabi ko." Tumingin na ulit ako sa laptop.

She just nodded as a response.

Sabay kaming pumunta ng school pagtapos kumain. Hindi kasi siya masusundo ni nam dahil may gagawin daw siya. Ako pa ang kinontak ni nam dahil alam niya na kapag kay ash niya sinabi ay mahihiya itong sabihin sa akin na makikisabay siya. Una sa lahat professor ako at makikita ng iba na sabay kaming bababa ng kotse.

Binaba ko siya sa kanto ng school dahil sabi niya ayaw niya ng issue. Pumasok na ako ng school pagkababa niya. Sinilip ko siya sa side mirror kung papasok ba talaga siyang school o magbubulakbol. Di naman ako nadismaya dahil pumasok naman siya as she swipe her ID.

Ilang oras pa ang lumipas pumasok na ako sa Department of Architecture para sa 2nd subject ko. Nandito nanaman si ash na pasaway. Sana lang magpakatino siya today.

"Goodmorning Miss Von!" Bati ng mga istudyanteng nagkumpulan sa isang side. Sa pagkakaalam ko hindi ko sila mga students pero kilala nila ako. Ngumiti nalang ako at bumati din.

Seducing Miss. Von (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon