VII - Ashley Hinson

2K 55 16
                                    

"Ayoko ashley." Pagsusungit ni nam.

I sighed, "Akala ko ba move on ka na kay rav? Eh bakit nagkakaganyan ka. Sasamahan mo lang naman ako kasi ayokong mag isa pumunta doon."

She crossed her arms, "Move on na ko sakanya. I just don't want to see his face. Isa pa, nandoon family members niya for sure. Naikkwento ako ni rav sakanila. Ano na lang sasabihin nila kapag nakita nila ako doon?"

"Nameet mo na ba personally?" I asked, "Wag nalang kayo magpansinan. Marami naman sigurong invited na pwede mong makausap."

"Hindi pa. Kahit na ash, for sure nandoon lahat ng friends niya. Bitter yun lahat sakin."

Hay. Ano ba dapat kong gawin para mapapayag ko 'tong babae na 'to.

"Kasama mo naman ako eh. Walang mangyayari sayong masama doon. Takot lang nila sakin." Pagpipilit ko.

Naglalakad kami sa hallway ngayon. Naghihintay ng oras ng klase namin. Pagkatapos ko makita si carly na hindi alam ang gagawin kanina sa classroom ay nakaisip na agad ako ng paraan para tulungan siya. Pero mukhang pahirapan ako sa pagpilit kay nam na sumama sa akin. Ayoko naman kasi mag isa pumunta dahil obvious na pupunta ako para kay carly.

"Para saan ba yung pagpunta natin doon?" Nam asked.

"Trip ko lang mang asar." I replied, "Pupunta din naman si miss von, este carly kaya sumama ka na."

"Ayon." Nakanguso siyang nagsalita, "Si carly pala ang dahilan. Pupunta ka dahil pupunta si carly?"

Ang dami namang satsat nito eh.

"Hindi." Naiinis na ako kaya magkasalubong na kilay ko, "Gusto ko lang talaga dahil wala din naman akong gagawin sa bahay."

"Bakit daw siya pupunta? Para saan? Dahil kay cheska?"

I groaned in annoyance, "Please wag ka na marami pang tanong. Basta sumama ka na lang sakin."

"Sasama lang ako kapag invited din doon yung crush ko na nakatabi natin sa sine."

Aba aba, ang landi talaga.

"Ako bahala." Pagsisinungaling ko, "Classmate ko siya sa isang subject ko. Gagawa ako ng paraan para pumunta siya mamaya sa birthday ni rav kahit di man siya invited."

"Promise?"

I rolled my eyes, "Oo nga!"

"Sinungaling." She crossed her arms.

"Oh bakit nanaman?"

She pointed her index finger to me, "Alam ko kapag di ka nagsasabi ng totoo ash. Sobrang halata yung mata mo."

I sighed, "Whatever nam, pumayag ka na kasi! Libre na lang kita ng pizza."

"May pambili akong pizza." She paused, "Speaking of pizza, nagwowork si crush sa pizza restaurant malapit sa campus. Do me a favor then payag na ko."

Finally...

"Ano yun? Bilis na, may klase na ko."

She smiled widely, "Alamin mo kung may girlfriend ba siya, kunin mo yung address nila, ano mga gusto niyang katangian ng babae at higit sa lahat kunin mo cellphone number niya. Yun lang."

Tinignan ko siya ng masama, "Nam, that's too much."

"Okay." Nam patted my shoulder, "Goodluck sa pagpunta later, ingat ka."

Tumalikod na siya at naglakad palayo pero tinawag ko siya... "Naaaaam!"

Liningon niya ko,
"Deal." I said.

Seducing Miss. Von (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon