V - Ashley Hinson

2.8K 77 9
                                    

The next morning hinintay kong dumating ang madaldal kong bestfriend.

"Nam!" Sigaw ko sakanya pagpasok na pagpasok niya sa pintuan.

Her eyes widen, "What?!"

"Bakit sinabi mo kay miss von?!" Nakapamewang na tanong ko.

"Ang ano?" Pagtataka niya.

"That I'm into girls!" I said, "Diba sikreto lang natin yun? Tsaka confuse lang ako."

Nam crossed her arms, "Nako ash, tinatanggi mo pa sa sarili mo ang katotohanan. Eh ano naman kung malaman ng ibang tao na interesado ka both genders? 2016 na."

"Kahit na. Natatakot pa din ako." Mabilis na sagot ko.

Tumawa naman siya, "Ikaw na walang kinakatakutan na kahit sino. Ikaw na ang tapang tapang. Ikaw na palaban. But you have fear accepting yourself."

"I'll consider myself as gay kapag nainlove na ko sa isang girl. Okay?" I explained.

Hindi ko kinakahiya kung one of the rainbow team ako. Being gay is fine. Yes, I'm into girls but just for pleasure.

Also, I don't hate boys. Though most of them are jerks, assholes and perverts. The truth is... they're good at serious talks.

Pumasok na kami sa kotse. Nam spoke, "You never had a boyfriend!"

"So what?!" sagot ko, "I don't want to have one."

Maraming gustong ligawan ako. Hindi ko na mabilang simula pagkabata. Wala akong balak makipagrelasyon sa kahit na sino dahil ayoko maging committed sa isang tao. Sakit lang sa ulo yan, mas lalong sakit sa puso.

"Kapag nainlove ka, ako na pinakamasayang bestfriend sa buong mundo."

I rolled my eyes, "You sounded like kuya drew."

Everyone sounded like him. Why?

People in my life keeps on pushing me to have a relationship. C'mon guys! I'm just nineteen.

Nakarating na kami sa school. Wala akong klase kay miss von today pero parang gusto ko siya makita.

Hindi. Biro lang yon.

Naghiwalay na kami ni nam dahil may klase na siya. Ako waiting pa ng kalahating oras. Dumiretso akong library para magbasa basa kunware. Doon kasi malamig.

Unang bumungad sakin pagpasok ay si cheska na nakaupo kasama ang step brother niyang si rav. Nagkatapat ang mata namin then we smiled at each other. Nilagpasan ko lang sila tapos dumiretso na para kumuha ng babasahin. Kumuha ako ng exterior design houses magazine then umupo na sa table malapit kay cheska.

Nagtitingin tingin lang ako sa magazine. Someone sat beside me. I knew it was cheska.

"Hey."

She's really pretty. No wonder elementary crush ko siya noon.

"Hi." I smiled.

"Di mo sinagot tanong ko last time."

Oh. The canteen scene.

Seducing Miss. Von (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon