VI - Carly Von

2.9K 85 24
                                    

Paglabas ko ng kwarto nakita ko si ash at nam na paalis ng bahay.

"Saan kayo pupunta?" I asked.

"Oh, Goodmorning carly." Nam greeted, "Magjogging lang kami ni ash."

Nilingon ko si ash, mukhang wala sa mood. Napansin ko din na inaantok pa siya dahil hikab siya ng hikab. Nasa likod siya ni nam at sumesenyas sakin na wag ko siya payagan para di sila matuloy magjogging.

Pero ngumiti ako kay nam, "Okay. It's sunday, I'm going to church later, baka gusto niyo sumama?"

Nagkatinginan silang dalawa at dahan dahan na tumingin sakin, "Um, we're not really..."

Pinutol ni ash yung pagsasalita ni nam. Ash interrupted, "Ofcourse."

Nagtinginan ulit silang dalawa. Parang gulat yung itsura ni nam.

"Okay then see you later." I said, "Bye."

Nam nodded, "Have a great day carly."

"You too." I smiled.

Pagkatapos mabilis na hinatak ni nam si ash palabas ng bahay.

.....

I went to supermarket to buy some foods. Kumuha ako ng basket tapos nag ikot ikot na. Mabilis lang naman ako mag grocery dahil yung mga binibili ko mga favorites ko. Huling dinaanan ko yung sa bandang perfumes.

Nagtitingin lang ako ng biglang may tumawag sakin..

"Miss von!" Bati ng isang lalaki na familiar sa akin.

Tinignan ko siya na parang gusto ko malaman niyang hindi ko siya kilala. Nagsalita ulit siya, "I'm Rav, hindi mo ko student pero sa east vien ako nag aaral."

Nagshake hands kami ni rav, "Nice to meet you rav."

He smiled widely nung kinamayan ko siya. Maya maya pa may tumawag sakanyang babae. Napalingon ako nung narinig ko yung boses na ang tagal kong di narinig. "Rav! Kanina pa kita hinaha-" napatigil siya ng nakita niya ko.

"Carly." She said.

I saw her again. That beautiful face of hers. I smelled her scent kahit na limang hakbang ang layo ko sakanya. Yet, I don't missed it.

"Magkakilala kayo?" Rav asked.

Hindi makasagot si cheska kaya ako nalang ang sumagot, "Yes, she's my student." I lied.

Finally inalis din ni cheska ang paningin niya sakin. Tumango siyang humarap kay rav at nagsalita, "We need to go." Hinatak na niya si rav palayo.

"Wait." Lumingon ulit si rav sa akin, "Nice to meet you miss von." Kumaway pa siya bago tuluyang mahatak ni cheska palayo.

Hindi ko inexpect na ganoon ang magiging reaksyon ni cheska sa muling pagkikita namin. Akala ko okay na siya sa akin. Siguro she felt guilty for what she did to me. Hindi ako nagkulang kaya wala akong dapat ikaguilty sa relasyon namin noon. Yung plano kong paghihiganti ay gagawin ko para lang matuto siya at di na niya gawin ulit ang panloloko sa ibang tao.

.....

Nag ayos na ko dahil magsisimba kami ngayon. Hindi din naman ako palasimba, minsan lang din ako magpakabanal. Naisip ko lang yung paraan na 'to para kay ash dahil gusto kong magtino siya. Ewan ko lang kung tatalab.

Lumabas na ko ng kwarto. I walk downstairs and I saw ash and nam waiting in the living room. Napatingin ako kay ash, she's wearing a simple white dress that match her flat white sandals. I wonder kung ganito siya kaganda sa simpleng dress lang paano pa kung napakagandang dress ang suot niya. She's really pretty.

Seducing Miss. Von (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon