Entry # 10

9 1 0
                                    

"Hey Alex" He smiled but what caught my attention was Klei. Di sya kalayuan saamin, nakasandal sa kotse nya , crossed arms at nakatitig saamin. When our eyes met i taught he'll look away but instead he snarled. Selos ka? "I know he's staring" O ikaw yung selos... Haba naman ng hair ko CHAR "I see you changed your hairstyle" I chuckled. Thanks for noticing.

"Kape?" Yaya ko kay Alex, Nevermind Klei. Bahala sya dyan magselos. Ano ba kami diba. Kumapit ako sa braso ni Alex at nilakad nya ko sa kotse nya. And i could still feel Klei's eyes on us.

"Wag mo na isipin." Advice saakin ni Alex "Hayaan mo sya tumitig. Titigan nya yung sinayang nya" He has a point Eli. "Plus you're Alice now, he knows Eli and you're not anymore her" Medyo kumirot puso ko doon. Medyo lang. Its bittersweet. I lost Eli to find Alice.

"Coffee bean? Starbs? Tims?" Conyo accent Alex "Basta they accept card ha wala pa ako barya" He was cheering me up "Sis pagkadating na pagkadating ko gloomy face ka anoba yan" Ngayon naman beki accent sya.

"Tagay?" Sagot ko. Binigyan nya naman ako ng are-you-fucking-serious face. Klei was like that before. "Okay okay fine Tims!" Pawala tense kong sagot

"Yan ngumiti ka, yan yung kilala kong Alice." He chuckled and we drove to get our tims. He brought back my smile again, made me laugh again. Made me love myself.

Parang kapatid ko lang si Alex. Sya yung tumayong kuya ko in Paris, slash manager. Tinulugan nya makick start yung paintings ko.

Actually kaya lang naman ako nag paint ulit para lang talaga hanapin sarili ko, di ko inisip kung sisikat ito, kung pagkakitaan ko sya. Never it was just a hobby of mine. Hindi ko nga naisip na worthy pala sya iexhibit and now i'm gonna hold one here in my hometown. It isn't my first ever but it's my first to hold one in the country that ive spent more than half of my life on.

"Pagtapos ka sayangin. Hindi ka naman laruan para lang basta basta kahiligan ulit pagkatapos nya magsawa sa pinalit sayo." Hirit saakin ni Alex. "Wag ka magalala. Be proud, inayawan ko" Pagmamalaki ko, oh diba hindi na ako marupok. Naikwento ko kasi sakanya lahat ng karupukan ko kay Klei noon. Impossible naman rin hindi ko makwento yon, dahil yon ang dahilan kaya nawala ang mga ngiti ko. At para ibalik yun, kailangan ko tanggapin kung ano nagpawala noon.

"DAPAT LANG! Kundi kakaladkarin kita pabalik ng Paris ulit at back to square one tayo sa pagmomove on mo teh" He's Alex.  "Paselosin kaya natin, tutal andito ako" Sabay kindat nya saakin.

"Kadiri ka alam mo yon" Tinawagan ko lang sya "Ano deal rin tayo ha?" Humalakhak ako "We're not anymore kids Alex" Hirit ko.

"Sus. Base sa kapit mo saakin nung inescort kita papunta sa sasakyan ko kala mo jowa mo na ko. Well di naman ako aangal." Asar nya saakin. Parehas kami sawi sa lovelife. Sya nagsayang 5 years sa isang french girl na pinagpalit lang sya sa barista. And 3 years and counting na nag momove on. Papakasalan na dapat kaso nangaliwa eh. Kaya echos lang yon. We wouldn't use each other that way.

Isang Museum director si Alex sa Paris, well known. He's known for his eye on art, every piece na inoo-han nya were sold for millions and became known. If he chuckles on it ekis ka. Kaya natulungan nya talaga ako to become the artist that i am today. Pero don't get me wrong hindi ko sya ginamit to be one.

Nung sinabi nya lang saakin na may gusto syang painting ko kaya rinegalo ko sakanya yon without knowing what he can do for you as an artist— well hindi ko naman clinaim na artist ako noon. Next thing i knew pinakita nya pala yon sa connections nya and the rest was history.

"So hindi naman magbabago isip mo na tatlong buwan ka lang dito?" He reassured. I nodded i aint gonna hold my self back anymore because of a guy.

c'est la vieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon