Prologue

3 0 0
                                    

Kinakabahan ang binata at hindi ito mapakali sa kinauupuan habang hinihintay ang nobya sa isang park kung saan sila nagkakilala.

Huminga ulit ito ng malalim ng nakapikit saka ngumiti at sinabi sa sariling..

"Kaya mo yan, Blake. Hoo-"

"Blake?" Biglang sulpot ng dalaga sa kung saan man at mas lalo naman siyang kinabahan nang makitang papalapit na ito sakaniya.

"K-keiarah, n-nandiyan ka na pala." Salubong nito sa nobya at ngumiti ngunit halata pa rin sakaniya ang kaba kaya naman napansin ito ng dalaga.

"Blake? Okay ka lang ba? Tsaka b-bakit ka nandito?" Tanong nito at hinawakan pa ang noo ng nobyo, nagbabakasaling may lagnat ito. Pero nang nahawakan niya ito ay wala naman.

"Wala ka namang- Teka b-bakit?" Tanong nito, bigla kasi siyang hinila ng nobyo.

"Teka Blake, saan ba tayo pupun-" napatigil siya nang makita niya ang mga christmas lights na nakasabit sa hawakan ng swings, mga hagdan ng slides at sa siso.

Nagkalat rin ang mga petals ng rosas sa gilid gilid.

Muli niyang hinawakan ang kamay ng nobya at itinapat ito sa gitna ng red carpet kung saan patungo sa swing na may petals sa upuan na may kasamang tatlong pulang rosas at may iba't ibang magagandang kulay na nakalagay sa hawakan nito.

"Go, mauna ka nang maglakad at umupo ka sa swing pagkarating mo doon."  Utos sakaniya ng nobyo.

Tinignan naman siya ng dalaga ngunit ngumiti lang ito bilang tugon. Nang makarating na ito sa swing, kinuha niya ang tatlong piraso ng rosas na nakapatong dito at umupo.

Dahan dahan din naglakad ang binata papunta sa harap ng kanyang nobya habang nakangiti.

Nang makaharap na niya ang ito, nangiwan muna ito ng matamis na ngiti at lumuhod sa harap nito.

"Hindi man ako ganoon karomantic magpropose pero gusto kong malaman mo lang na mahal na mahal kita, Keiarah. Sabi nila, nagbabago ang pagmamahal ng isang tao. Pero sa tingin ko, hindi na magbabago pa itong nararamdaman ko sayo." Sabi nito habang dahan dahang inilabas ang box mula sakaniyang bulsa.

"Hindi ko man mapatunayan kung gaano ako kasaya ngayon kasi hindi mo naman nararamdaman ang nararamdaman ko." Biro pa nito at tumawa ng mahina.

"Pero masasabi ko sayo kung gaano at ipaparamdam ko kung gaano kita kamahal, simula nang mabago mo ako hanggang mawala ako sa mundong ito." Hinarap niya na muli ang nobya saka tinitigan ito habang pinunasan ang kanyang luha.

"Kei, Will you marry me?" Tanong nito sa nobya at ngumiti. Ngiting pinagsama ng kaba, excitement at pagmamahal.

Tumango naman ang nobya at ngumiti habang umiiyak at agad na niyakap ang nobyo.

"YES!!" Sigaw ng binata at binuhat pa ang nobya saka ito inikot ikot.

"Blake ano ba!! Mamaya may makakita saatin! Nakakahiya. Ibaba mo na nga ako." Suway sakaniya ng dalaga na medyo natatawa tawa pa sa reaksyon ng kanyang nobyo.

Nang maibaba niya ito ay agad niya itong niyakap ng mahigpit at tinitigan, ilang minuto rin ng magkatitigan sila at dahan dahang nagkakalapit ang mukha saka tuluyang nagkahalikan.

Iisa lang ang naiisip at nararamdaman ng dalawang ito, walang iba kundi ang pagmamahal. Pagmamahal na walang hangganan at pusong hindi magbabago.

Last Note.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon