Keiarah's POV
Hay, tignan mo nga naman ang pagmumukhang yan.
Oo na, ako na 'tong patay na patay sakaniya! Eh sa crush ko siya eh. Paki niyo ba? Oh diba? Edi magcrush din kayo ng badboy!
Hinahangaan ko lang naman siya dahil sa ano.. sa ano..
"Hoy! Pinagnanasaan mo nanaman yang abs ni Blake!" Biglang epal ni Azumi sa harap ko.
Aba! Bastos na bata. Nakikita niyang nagdedaydream ako dito tapos yang abs ang pinagsasabi niya.
Pero totoo naman. Hehe. Pandesal eh.
"Hoy Kei! Kakain ka ba o ano? Kanin lang yang kinakain mo eh!" Suway ulit saakin ni Azumi at siniko pa ako.
"Aray! May ulam na ako eh! Bakit ba?" Sagot ko naman habang titig na titig kay Blake na nasa harap ko, pawis na pawis at bakat na bakat ang abs-
"Hoy hindi ka talaga titigil diyan? Landi neto." Sabi bigla ni Azumi.
Aba! Mahiritan nga tong babaitang ito.
"Aray ulit ah. Hoy excuse me, atleast ako hanggang crush lang. Sa utak lang lumalandi. Ehem. Hindi tulad nang iba diyan, may makita lang na gwapo iaadd na kaa-"
"Manahimik ka na nga! Oo na oo na! Dati lang naman yun 'no. Loyal na talaga ako sa boyfriend ko ngayon." Sabi niya at umirap pa saka uminom ng tubig.
"Dati daw pero pag may ipapakita akong picture ng gwapo tatanungin niya kaagad kung anong pangalan tapos aagawin pa niya cellphone ko. Heh! Don't me." Asar ko pabalik para naman makabawi ako. Nginisian ko pa siya para mas dama niya!
Nanlaki naman ang mata niya at namula sa hiya.
"Bilisan mo na nga kumain diyan! Paliparin kita sa pwet ni Blake eh." Sabi niya at inayos ang ilang mga gamit niya.
"Okay, sabi mo eh." Sagot ko ng pangaasar na tono.
--
"BLAKE TYRON SALAVAREZ!" Sigaw ni Miss Casaclang na parang nilalabasan ng usok sa ilong.
Napatingin naman ako sa pinto. Siya nga.
"LATE KA NANAMAN!! ANO NALANG ANG ILALAGAY KO SA CARD MO?! WALA KANG KAGRADE-GRADE!" Pagbubulyaw pa sakaniya ni Miss Casaclang.
hindi na ako magugulat, kinilig pa nga ako eh. Paano kasi, lagi naman siyang late pag may klase kaya sanay na ako. Isa pa, mas okay na rin yun. Importante pumapasok pa siya.
Gwapo talaga ng nilalang na 'to. Hindi ko lang alam kung saan niya nakuha yang pagkasupladito niya. Pagkinakausap ko siya hindi niya ako pinapansin.
Umupo na siya sa tabi ko at pumikit habang nakacrossed-arms.
Matutulog nanaman siya? Baka mamaya pagalitan nanaman siya ni Miss Casaclang. Pero kahit naman mangyari yun ng paulit-ulit mukhang hindi yun tatalab sakaniya at panigu-
"Leorito? Are you listening?!" Biglang sita saakin ni Miss Casaclang at agad-agad namang napaayos ang upo ko nung mabanggit niya ang apelyedo ko.
"Y-yes Miss Casaclang!" Agad na sagot ko. Bakit ako pa kasi napansin niya? Nakikinig naman ako ah! Tinitignan ko lang naman si Blake sandali.
"Alam mo miss, kung tititigan mo pa rin ako. Ikaw na ang susunod na mapapahiya niya sa harap. Alam kong gwapo ako pero wag mong lubusin. May klase pa mamaya." Biglang sabi ni Blake ng pabulong at tumingin pa saakin habang nakangisi-
HALA KA!! NAHULI NIYA AKONG NAKATINGIN SAKANIYA?!
"H-hoy! Hindi ah. Hindi nga kita tinitignan! A-ang kapal naman ng mukha mo! Mr. SALVAREZ." Sagot ko sakaniya pero sana naman hindi niya mahalatang nagsisinungaling ako.
"Hindi ka naman mauutal, kung hindi ka magsisinungaling Miss-"
SALVAREZ AND LEORITO!!" Suway nanaman saamin ni Miss Casaclang.
"M-miss?" Tanong ko.
Yung totoo? Kami ba talaga trip nitong matandang bitter na to o mahilig lang talaga siyang magsita?
"YOU TWO GO OUT! TUMAYO KAYO SA LABAS NA DALAWA! NGAYON DIN! DALIHIN NIYO ITONG SAMPUNG LIBRO! TIG LIMA KAYO AT IPATONG NIYO YAN SA KAMAY NIYO NG NAKAINAT!" Sunod sunod na sigaw niya agad naman akong tumayo at sumunod sa utos niya.
Bago ako makalabas nakita kong napailing nalang si Azumi pero nakangisi naman siya.
Nung nasa labas na ako, tumayo ako sa gilid hawak ang binigay na limang libro ni Miss Casaclang.
"Kung ano ano kasi pinaggagawa mo Keiarah! Ayan tuloy! Bakit kasi tinitignan ko pa ng husto ang mukha ni Blake?! Bakit kasi napaka-amo at gwapo ng mukha niya lalo na pag nakapikit siya?! Ano ba naman Blake-" naputol ang pagmomonologue ko nang biglang lumitaw sa tabi ko si Blake at nakangisi.
Yumuko naman ako alam kong narinig niya ang mga pinasasabi ko dahil sa ekspresyon niyang yan. Nako, ano bang nangyayari sayo Kei?! Buhay pa ba ang utak mo?! O sadyang pinalipad mo na? Ha? Keiarah?"
"May gusto ka saakin 'no?" Tanong niya at nanlaki naman ang mata ko dahil doon. Napatingin naman ako sakaniya at nakita kong ginagawa niya na rin ang ginagawa ko.
"Ha?! W-wala ah! Sino naman nagsabi sayo niyan?" Tanong ko ng painosente. Siyempre kahit alam ko namang halatang halata ako minsan eh hindi pa rin ako aamin!
"Hindi ako manhid para hindi ka mahalata." Sabi niya at tinignan ko naman siya.
"Aba! Wow. Ang kapal naman talaga ng mukha mo 'no?! Pwe. Asa ka!" Sumbat ko na kunwaring naiinis pero sa totoo lang kanina pa ako kilig na kilig dito. Kausapin ka ba naman ng crush mo tapos inaasar ka pa. Oh diba?
"Talaga lang ha." Ngumisi pa siya at tumingin sa kamay ko.
"Kung ganun, bakit may pangalan ako sa kamay mo? May heart pa?" Pagkasabi niya nun tumawa siya ng mapangasar at tumingin na ulit sa harap kung nasaan ang board na nakalagay ang mga schedules.
PERO TEKA?! KAHAPON PA TO AH! YUNG NASA KAMAY OO NGA!! ANO BA!! DENY PA KASI KEI!!
"H-ha? Ah eh-ano! Hoy! Kapangalan mo lang yan!" Pagdedeny ko pa rin. Hindi! Hindi pwedeng malaman niya!
"Totoo lang ha, Miss Keiarah Leorito. Siguraduhin mo lang na hindi ako yan." Pagkasabi niya nun agad niyang ibinaba ang mga librong hawak niya at tinitigan ako.
Nanlalamig yung kamay ko at medyo nanginginig ang tuhod ko dahil dahan dahan siyang lumalapit sa mukha ko at nakangiti pa rin siya ng mapangasar. Hindi kaya hahalikan niya ako?!
Ay Kei! Assumera ka nanaman.
*KRINGGGG*
"Mr. Salv- ANONG GINAGAWA NINYO?!" Sigaw ni Miss Casaclang.
Agad ko naman siyang itinulak at nabitawan ko pa ang mga librong yakap yakap ko.
"Miss-"
"NO EXCUSES! PUMUNTA KAYO SA CLASSROOM KO MAMAYA!"
BINABASA MO ANG
Last Note.
Short StoryYou can't change the fact that you still love each other. But sometimes you have to accept the fact that the two of you are not for each other. And you have to sacrifice for her future, but then she is still inlove with you. And also, still. You...