Wedding.

2 0 0
                                    

AFTER TWO YEARS

"Maganda ba?" Tanong ni Kei sa mga bisita habang nakangiti.

"Napakaganda! Nako buti ka pa, ikakasal ka na. Napakabilis nga naman talaga ng araw ano?" Biglang singit ng isang bisita na naging kaklase rin lang nila noong high school.

"Ah. Salamat. Oo nga eh." Sagot niya ngunit hindi pa rin siya mapakali sa upuan dahil sa sobrang kaba niya.

Ikakasal na siya, dalawang taon na ang nakaraan simula nung naging engaged sila ni Blake.

"Congrats, Bestfriend." Bati ng kaniyang bestfriend na si Azumi na kaka-kasal lang rin last year sa kanyang nobyo na si Tristan.

"Salamat Azu." Saka niya niyakap ang kanyang bestfriend at medyo tumulo naman ang kaniyang luha.

"Oh? Teka nga, bakit ka naman umiiyak diyan?" Tanong ni Azumi sakaniya at hinawakan ang kamay.

Hindi niya ito sinagot at tumingin lang sakaniya.

"Ahh. Alam ko na." Pagpapatuloy ni Azumi at ngumiti.

"Tama na ang kakaisip ng kung ano ano, hindi ka pa nga naglalakad sa red carpet eh kabadong kabado ka na diyan." Pagbibiro nito para mawala ang kaba ng kaibigan.

Ngumiti lang ito sakaniya.

"Sana maging masaya ka, hindi na basta basta ang papasukin mo Kei. Kasal na ito. Sana naman. Please lang, nagmamakaawa na ako saiyo kalimutan mo na siya." Sabi ni Azumi at pinunasan ang luha ni Kei.

Bigla namang may pumasok na bisita at binati si Kei.

"Congrats iha, Congrats sainyo ni Zander. More blessings to come!"

"A-ah. S-salamat po."

"Miss Kei? Tara na po. Maguumpisa na daw po." Pagtawag ng isang staff sakaniya at para makapagready na.

Tumango naman ito at tumingin ulit kay Azumi.

"Kei, please. Kalimutan mo siya. Wala na siya okay? Hindi mo na siya maibabalik pa." Sabi ni Azumi at niyakap ulit ang kaibigan.

"A-azumi.."

"Sige na, Kei. Papasok na ako doon. Congrats ulit!" Sabi ni Azumi at ngumiti saka pumasok na sa loob.

Huminga na ng malalim si Keiarah at pinipigilan ang pagpatak ng kaniyang luha, hinihintay na lamang niya na magbukas ang pinto at tuluyan na siyang ikakasal.

Ngunit nang paglingon niya, may dumaan na isang taong napaka-pamilyar sakaniya..

Hindi lang iyon pamilyar, isang taong napaka-halaga sa buhay niya. Hindi lang nung nakaraang taon kundi hanggang ngayon.

Walang iba kundi ang taong minamahal niya, naging crush niya at ang taong iniwan siya. Si Blake Salvarez.

Pero huminga ulit siya ng malalim at napangiti nalang dahil alam niyang guni-guni nalamang niya iyon at alam niyang hindi mangyayari ang nandito pa si Blake sa harap niya.

Nang nabuksan na ang pinto, hindi siya mapakali at tuloy-tuloy na ang patak ng kaniyang luha.

Bago siya maglakad, ipinikit niya muna ang kaniyang mga mata bago dahan-dahang naglakad pero pagbukas niya ng kanyang mata, hindi niya inaasahang mas maluluha siya sa nakikita.

Nasa harapan niya si Blake, isa ito sa mga bisita niyang nanonood.

Nang makapitan na niya ang kamay ni Zander, nakita niya itong ngumiti.

At dahil doon, mas nasaktan siya. Pinipilit niyang ngumiti pero mas nangingibabaw ang pagpatak ng kanyang mga luha.

Tinanong siya ni Zander ngunit umiling lang ito at sinabing kinakabahan lang siya.

Pumikit ulit siya, nagbabaka-sakaling guni guni niya nanaman ang nasa harap niyang si Blake na malapit na at madadaanan na nila.

Ngunit nabigo nanaman siya, nakita niyang nandoon pa rin ang binata at nakangiti ng pilit.

Ngumingiti lang ito sakaniya na tila ba'y masaya para sakaniya.
Pero hindi rin niya maikakaila na nasasaktan siya sa nangyayari at nakikita niya sa harap niya.

Masaya siya dahil ang babaeng mahal na mahal niya, ikakasal na at sa tingin niya'y masaya na nga ito. Pero hindi naman sakaniya ito ikakasal, doong parte naman siya nasasaktan.

Nang malagpasan na siya ni Kei ay hindi na niya nakayanan at naglakad na ito dahan dahan palabas.

Hindi na siya pinansin ng ibang mga bisita dahil nakatutok rin sila sa ikakasal na si Kei at Zander.

Blake's POV

Masaya na siya, Blake.
Ngayon wala ka nang dapat isipin pa.
Ginusto mo ito diba?

Wala na siya, Blake. Ikakasal na siya.
Sobrang sakit man, pero kailangan ko itong panindigan.

*FLASHBACK*

Susulatan ko na sana ulit ang pang-89 na sticky note pad sa board pero nahihirapan na akong makita ito. Nandidilim ang paningin ko at medyo nahihilo din ako.

Hindi ko maitutok ang ballpen, hindi ako makapagsulat. Nanlalabo na ang paningin ko.

At hindi nagtagal nabitawan ko ang ballpen.

----

"May tendecy na pwede kang mabulag in 8 months or 6 months kadalasan, at sa paghihilo mo naman. Ayon sa nakita ko, depende ito sa iyong emosyon. Mas mahihilo ka minsan kapag nakaramdam ka ng saya o kilig o kung ano man iyan." Pagpapaliwanag ng doktor.

"Doc, ano po ang dapat kong gawin?"

"Saiyong mata, kailangan mong bumalik para macheck ulit natin pero kung nagdilim na iyong paningin kailangan na natin operahan yan at kailangan din nating humanap ng pwedeng magdodonate ng mata para saiyo."

"Pero saiyong emosyon, kailangan mo munang iwasan ang iilang bagay na makapagsasaya sayo dahil kung nagpatuloy pa iyan. Maaari kang magkaroon ng sakit at maari rin na ilapit ka niya sa kamatayan."

"Mga gaano katagal naman po doc?"

"Hindi ako sigurado sa ganyang uri ng sakit pero ayon sa mga naresearch ko at napagaralan namin, umaabot daw ito ng mahigit dalawang taon o minsan dalawa't kalahating taon."

"Pero iaadvice ko lang, sa ngayon kailangan mong iwasan ang mga bagay na makapagpapasaya sayo, mahirap man pero para rin saiyo 'yon. Kailangan mong kontrolin ang emosyon mo"

----

"BLAKE! NO! WAG MO AKONG IIWAN PLEASE."

Hindi ko man ipinlano ito pero kailangan kong gawin ang mga bagay na to. Isa lang naman ang nakakapagpasaya saakin eh. Walang iba kundi ang babaeng nasa harap ko.

Ayaw kong mamatay ako sa harap niya pag nagpatuloy ang sakit ko, mas mahihirapan lang siya. Okay na yung iiwan ko siya atleast alam kong balang araw makakahanap rin siya ng para sakaniya.

Alam kong makakalimutan niya rin ako, at makakalimutan ko rin siya. Kailangan kong mamuhay ng magisa at tahimik sa loob ng dalawang taon.

"Kalimutan mo na ako, hindi na kita mahal." Sabi ko at tuluyan ng umalis.

Last Note.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon