Naglalakad kami ni Azumi papunta sa court dahil pupuntahan daw niya yung "BOYFRIEND" niya na si Tristan.
Basketball player yun eh at balita ko barkada din daw yun ni Blake at kateam sa laro.
"Buti pa si boyfriend, bola lang ang nilalaro. Si girlfriend kaya?~" pangaasar ko sakaniya.
Tinignan niya naman ako ng masama at sinabing
"Sige lang, Kei! Asarin mo pa ako!"
"Oh! Natamaan ka bes?" Pangaasar ko at tinawanan naman siya.
"Che! Bahala ka. Ipagkakalat ko sa buong campus na niligawan ka ng anak nun ni ano.. ni principal!"
Bigla ko naman siyang tinapunan ng masamang tingin din
"Hoy! Halata namang pinagtritripan lang ako nung playboy na yun 'no atsaka wag ka ngang maingay mamaya may makarinig sayo at ano pa sabihi nila at isipin." Pag-susuway ko sakaniya at siniko siya pero mahina lang naman.
Nang makarating kami agad silang nagbeso-beso effect sa harapan ko. Pasalamat silang dalawa at kaming tatlo lang nandito sa court, dahil nagpra-practice yang jowa niya.
"Kumain ka na babe?" Tanong ni Tristan pagkatapos nilang maglabing labing sa harap ko.
"Oo babe. Ikaw? Oo na sige na namiss na kita!" Sagot naman ni Azumi sa tabi ko.
"Hmm. Tapos na din. Weh? Totoo? Baka naman may-"
"Oh sige umpisahan mo nanaman magduda saakin. Sabi ko na nga sayong wala eh." Tuloy-tuloy na sabi ni Azumi habang pinupunasan ang likod ng jowa niyang si Tristan.
Medyo naubo naman ako. Hindi lang pala ako ang nakaka-alam? Nahahalata na rin pala ni Tristan? Hah! Ayan kasi Azumi bes.
"Sorry na po, eh kasi naman. May tiwala naman ako sayo eh sa ibang lalaki lang talaga wala baka kasi mama-" Hindi ko na pinatapos pa si Tristan at sumingit na ako.
"HEH! Kadiri kayo! Palibhasa may mga jowa kayo! Tapos ano daw? Babe babe? Ang dami niyong nalalaman!" Sigaw ko at kinuha ang bola at sinubukang magshoot pero hindi pasok.
Inulit ko ng inulit habang hindi pinapansin ang magjowa na naglalandian sa upuan.
Ano ba yan! Bakit ba hindi ako makashoot?
"OHHH! Pare!" Sabi nito at nakipag-apir. Narinig ko lang hindi ko pa nakikita kung sino pero nung paglingon ko nanlaki ang mata ko.
B-BLAKE?!
A-anong ginagawa niya dito?!
Nakita ko namang ngumiti ng mapang-asar itong si Azumi.
"Ano? Magpra-practice ka din?" Tanong ni Tristan.
"Oo, wala akong magawa eh. Wala pa rin naman akong klase." Sagot niya.
Yumuko naman ako habang hawak ang bola at gumilid.
"Sakto! Saktong sakto. Mukhang nag-aaral magbasketball si Keiarah. Tulungan mo na rin pare. Magaling kang magshoot diba?" Biglang pangaasar ni Tristan.
Third Person's POV
Ngumiti naman ng nakakaloko ang binata at sabay na kumindat pa sa dalaga.
"Oo nga naman, miss. Bakit hindi ka kaya magpaturo saakin?" Tanong nito habang papalapit.
"Heh! Wag kang lalapit! W-wag kang lalapit!!" Sigaw naman ng dalaga at nagcross arms pa ito.
Umiling lang ang binata at tumawa.
"Tuturan lang naman kita maglaro ng basketball ha?" Sabi nito.
"Maliban nalang kung... sinabi mong.."
"BASTOS!" Sigaw sakaniya ng dalaga.
Pero sa isip isip nito'y Sige nga, turuan mo ako. Tapos yung yayakapin mo ako ha? Tapos.. tapos..
Hoy Kei! Ano ba ang naiisip mo ha?
Inalog niya naman ang kanyang ulo para mawala ang pagiisip niya ng kung ano ano.
-----
"Mauuna na nga ako! Azumi. Kailangan ko nang magpahinga." Saad nito at nauna nang maglakad na tila kunwaring naiinis pero pag talikod niya ay ngumiti ng wagas at kilig na kilig.
"Bahala ka, naghahanap pa naman ng date tong si Blake!" Pahabol ni Tristan.
Pero hindi niya na ito pinansin at tuluyang umalis na.
"Oh? Ano? Anong kailangan mo saakin Blake?" Pagsisimula ni Tristan.
"At sinama mo pa talaga ang girlfriend ko sa kalokohan mo." Sunod nito.
"Alam ko na!" Sabi ni Azumi at ngumisi pa ito.
"Ano?" Sabay na sabi nung dalawa at tumingin sakaniya.
"Magpapatulong kang ligawan si Kei 'no?!" Pagkasabi niya nun ay agad siyang tumawa at dahilan naman ng pagkapula ni Blake.
"H-hoy! H-hindi ah! Sino ba ang may s-sabi sayo niyan?" Tanong nito.
"Oh bakit ka nauutal? HAHAHA." Nakitawa na rin ang nobyo nito dahil sa itsura ng kaibigan.
"Masama ba magpaturo sa ano.. sa MATH?!" Pagdadahilan ulit nito.
"Kailan ka pa naginteres na magaral? Pare?" Tanong ni Tristan habang natatawa pa din.
"Ano.. k-kahapon! Oo tama tsaka kanina! Wala kasi akong magawa at naisipan kong mag-aral baka may mapala ako." Tuloy tuloy na sabi nito at nakatingin lang sa pinto.
"Magpapaturo lang pala ah. Okay sige!" Sabi ni Azumi pero nakaangat pa rin ang gilid ng kaniyang labi.
---
"Okay so ito, dapat pag kukunin mo na yung-" Pangatlong pagpapaliwanag na ni Azumi ngunit pinuputol-putol ito ni Blake sa mga tanong.
"Pero sa tingin mo totoo kayang crush ako ni Kei? Azumi?" Tanong ulit nito.
"Alam mo kasi Blake, kung kanina mo pa sana inamin na gusto mo siya edi sasabihin ko lahat ng tungkol sakaniya." Sabi nito.
"Nahihiya kasi ako kay Tristan eh." Sabi pa nito at napapakamot ng batok sa hiya.
"TIGNAN MO! SINAYANG MO PA LAWAY KO!! BLAKE!" Sigaw bigla ni Azumi at sa gulat naman ni Blake ay napaupo ito sa damuhan dahil nasa unang upuan sila ng field.
"Sorry na! Wag ka naman mang-gulat!" Sabi ng binata at hinarangan pa ang kanyang sarili gamit ang kamay.
"Okay so ganito.." Paguumpisa ni Azumi.
BINABASA MO ANG
Last Note.
Short StoryYou can't change the fact that you still love each other. But sometimes you have to accept the fact that the two of you are not for each other. And you have to sacrifice for her future, but then she is still inlove with you. And also, still. You...