kanino naman galing 'to?

2 0 0
                                    

Keiarah's POV

Habang nakahiga ako sa kama hindi ako mapakali sa naiisip ko.

Bakit ba kasi ang hina hina ng kokote ko?! Hindi ko man lang nagets yun! Napakaslow ko ano ba yan!

Oo, alam ko na! Hindi na pangkinder ang utak ko! Pang grade 6 na din sa wakas!

Kung alam ko lang naman na ang ibig sabihin niya pala dun ay parang gusto mo ipakita ko sayo kung GAANO ako KAGALING MANGANO. Yung ano ba, yung ano kasi. Yung magpasok! Ano ba Kei! Para ka nanamang siraulo.

Naisipan ko nang maligo para makapag-gala kahit sandali. Bagot na bagot na ako dito sa loob ng bahay. Magisa ko pa. Oo tama kayo, magisa ko nalang. Wala na akong magulang. Well, iniwan na nila ako. Hindi sila namatay. Si mama nasa Japan at si papa naman nasa Canada.

Kaya nakakapag-aral pa ako, sila ang sumusuporta saakin. Ang alam nga nila may kasama akong kasambahay pero ayaw kong umamin na wala. Panigurado hindi nila ako titigilan.

----

"Kailan naman daw uuwi si Tita?" Tanong saakin ni Azumi.

"Uuwi? Ewan ko ba. Hayaan mo sila, nandiyan lang naman sila pag magpapadala na sila. Hindi man lang inisip kung kinailangan ko ba yung pakiramdam ng may magulang." Sabat ko ng wala sa sarili habang kumakain ng donut.

"Ikaw talaga! Wag ka na nga magdrama at magtanim ng galit diyan. Importante may sumusuporta pa sayong magulang mo." Sabi niya at uminom ng shake niya.

"Oo na, hindi naman ako galit ah- sadyang nakakatampo lang minsan pero okay lang atleast nakakausap ko pa rin naman sila." Sagot ko.

"Teka, anong oras na?" Tanong niya.

"Tara na, alas-kuwatro na." Sagot ko at tumayo na habang dala dala ang shake ko.

Parang nawala tuloy ako sa mood bigla, ewan ko ba.

"Sige Kei, mauuna na pala ako. Nagtext na si ano eh- you know." Sabi niya at nagkamot pa ng ulo.

"Pero hindi-"

"BYE KEI! ALAM KO NA ALAM MO KUNG GAANO KITA KAMAHAL!" Sigaw niya habang papalayo at tuluyan nang naka-alis.

Grabe talaga! Hindi man lang niya ako hinatid o sinabayan umuwi.

Nang makapasok na sa subdivision ng bahay, siyempre naglakad na ako.
Ay mali, naglalakad palang ako pauwi sa bahay.

*BEEP BEEP*

"AY PALAKA!"

ABA! SINO ANG WALANG HIYANG NAGBUSINA SA TAPAT KO AT GINUGULAT PA AKO?!

"Miss Kei! Sakay na! Isasabay na kita!" Sabi bigla nung lalaki na familiar ang mukha.

Teka sino ba yan? Nakatira din ba siya dito?

Maputing lalaki, matangos ang ilong, singkit na mata? Saan ko na ba nakota ang mukha mo?

"Miss? Halika na! Isasabay na kita!" Pagtawag niya ulit saakin.

"Paano mo ako nakilala? At bakit mo ako kilala?" Tanong ko sakaniya.

"Hindi mo na ba ako natatandaan? Ako yung tumulong sayo sa grocery diba?" Pagpapaliwanag niya naman.

"AH! OO NGA! Dito din ang bahay mo?!"

"Oo! Kaya sakay ka na. Ihahatid na ulit kita!" Tsaka siya ngumiti.

"Ah nako! Wag na malapit-"

"Sakay ka na o hihilain pa kita diyan?" Pagloloko niya at tumawa pa.

Sumakay na nga ako para matapos na.

Nang maihatid niya na ako dito sa tapat ng bahay siyempre nagpaalam na din ako at nagpasalamat.

"Saan pala ang bahay mo dito?" Tanong ko pagkababa ko.

"Sa likod lang ng bahay mo, kaya kapag kailangan mo ako. Katok ka lang." Sabi niya at ngumiti.

"Ano nga palang pangalan mo ulit?" Tanong ko nanaman.

"Tyler, nakalimutan mo na nga talaga ako. Miss Kei. Haha" Sabi niya.

"Kei nalang ano ka ba! Pasensya ka na rin ha? Ang dami ko kasing ginagawa kaya makakalimutin na rin ako. Alam mo na." Pagdadahilan ko naman at ngumiti.

"Nga pala, aalis na ako ha? Ito pala ang number ko." Sabay abot niya ng calling card niya na kinuha niya mula sa wallet niya.

"A-ah sige salamat. Ingat nalang." Pagkasabi ko nun ay tumango na siya at bumusina saka umalis na.

Hay, nakakapagod na araw nga naman.

Pagpasok ko, humiga muna ako sa sofa at huminga ng malalim.

"Hay salamat! Lord thank you po." Sabi ko at bumangon na para pumuntang kuwarto at makapagshower na.

Pero pagkapasok ko duniretso muna ako ng terrace para magpahangin sandali.

Pagabi na, magaalasais na pala. Ni hindi ko man lang napansin. Siguro kailangan ko na magpahinga maaga pa ako bukas, pumasok na ako at pagkapasok ko may napansin ako na bouquet of flowers sa sahig.

Saan kaya galing ito? At sino ang naglagay nito dito? Ngayon ko lang ito nakita. Impossibleng si Azumi ang naglagay nito dito! Sino kaya ang nakapasok dito sa bahay?! Hindi kaya magnanakaw?! Pero bakit niya naman kailangan magiwan ng ganito kagagandang bulaklak?

Si Azumi lang ang may duplicate ng susi nitong bahay!

*I wanted you to be there when i*

Azumi Calling...

"Hello?"

"Azumi!"

"Nakita mo na ba yang mga bulaklak ha?"

"Ha? Ah oo! Sa'yo ba galing ang mga 'to?"

"Hindi."

"Eh kanino?"

"Hulaan mo."

"Wag mo na nga akong lokohin diyan Azu! Alam kong ikaw ang may kagagawan nito!"

"Hindi ako, bakit kaya hindi mo tanungin yung crush na crush mo sa labas ng bahay mo 'no? Kanina pa kasi siya naghihintay doon! Ikaw talagang babaita ka! Bumaba ka na! Isang oras na yan naghihintay diyan! Siya ang sahil kung bakit naudlot ang date namin ni babe ko!"

"Che! Pero totoo nga?!"

"Silipin mo sa terrace para maniwala k-"

"BABYE NA TATAWAG AKO MAMAYA!"

Agad akong bumaba at tumakbo papuntang gate. Hindi na ako nagabalang magtsinelas pa ng panlabas.

Totoo kayang si Blake ang nagbigay ng mga ito?!




Last Note.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon