Tahimik akong nagpupunas ng mga upuan at kung ano ano pa dito sa loob ng covered court ng school.
Samantalang siya, naglalaro lang habang nagmamap. Hindi mo alam kung naglilinis ba talaga o mas nagkakalat.
Alas singko na, gagabihin tuloy ako ng paguwi dahil sakaniya! Pero hayaan mo na. Atleast mas matitigan ko pa siya at dadalawa pa kami oh diba.
"Tapusin mo na yan, tama na muna ang katititig saakin, Miss." Paguumpisa niya nanaman at nagpatuloy na sa ginagawa niya.
"H-hoy! Kung hindi dahil sayo hindi tayo maglilinis dito!" Bulyaw ko sakaniya na nakabusangot.
"Dapat hindi mo na kasi ginawa yun! Nakakahiya!" Sunod ko pa.
"Pero kinikilig ka naman." Bulong niya at tumawa pa.
Ang gwapo talaga ng nilalang na 'to. Tignan mo nga naman bawat ngiti oh walang palya.
"T-teka nga? Paano mo nalaman ang p-pangalan ko?" Tanong ko na siyempre ulit may halong kaba.
"Anong kwenta ng id mo? Nabasa ko lang kanina." Sagot niya naman.
Tumango naman ako dahan dahan at lumipat sa kabilang linya ng upuan.
"Tapos na ako. Paano ba yan?" Sabi niya at ngumiti nanaman.
Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti habang nakayuko na nagpupunas ng upuan pag ngumingiti siya.
Oo na nga kasi! Ako na malandi eh sa paki niyo nga? Crush ko nga siya eh!
"Mauna ka na. Ako na ang bahala dito." Sabi ko at patuloy lang sa paglilinis.
Uminat naman siya.
"Haayyy." Sabi niya at kinuha ang bola.
"T-teka maglalaro ka?" Tanong ko.
"Oo, ano pa ba sa tingin mo?" Sagot niya at tumingin pa saakin habang iniikot niya ang bola sa daliri.
"Kakamap mo lang! Baka mamaya madulas ka pa diyan! Iisipin nila b-baka kung anong ginawa ko s-sayo!" Pagdadahilan ko pero ang totoo nagaalala ako dahil baka madulas siya at kung ano pa ang mangyari sakaniya.
"Hindi yan. Kaya ko naman ikontrol ang sarili ko." Tugon niya at nagumpisa ng magdribble ng bola.
Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapasulyap-sulyap sakaniya. Mas nagmumukha siya badboy sa suot niya. Natatawa nga ako kasi hindi siya mukhang badboy kung mangasar. Mas mukha siyang playboy at paasa.
Ay Kei? Hindi pa ba badboy yun?
Hay bahala na nga! Lumipat na ako sa huling linya ng upuan at pinagpatuloy ang paglilinis.
Maya maya, tinignan ko nanaman siya at mas nagmumukha siyang hot dahil bakat na bakat ang abs niya- Hoy Keiarah umayos ka nga!
"Miss? Hindi ka matatapos diyan sa ginagawa mo kung titigan mo lang ako." Sabi niya at tumawa pa.
"E-excuse me? Wag nga kung ano ano ang iniisip mo! Tinitignan ko lang kung m-magaling ka magshoot!" Pagiiwas ko ng tingin pero bigla siyang sumigaw kaya tinignan ko nanaman siya.
Hala! Nadulas siya!! Ayan kasi eh!
"AHHH! A-ang sakit." Pagrereklamo niya at humawak pa sa bewang niya at pwet-an niya.
"Blake? Uy! Ano ba! Okay ka lang? Sinabi ko naman kasi sayong kakamap mo lang at wag kang maglalaro eh. Ayan tuloy! Teka nga-"
"HAHAHAHAHA" Bigla siyang tumawa at umupo habang hawak hawak pa ang tiyan niya.
T-teka nga ulit? Ibig sabihin?
"NAKAKAINIS KA!" Tinulak ko siya at umakyat na ulit para ipagpatuloy ang nililinisan ko.
Sumunod naman siya at tumakbo papalapit saakin.. saakin?
Napatingin naman ako sa likod ko at nanlaki ang mata ko ng bumungad ang mukha niya ng sobrang lapit.
"B-blake-"
"Gusto mo ipakita ko sayo kung gaano ako kagaling magshoot?" Bulong niya sa tenga ko ng.. ng.. MAPANGAKIT NA BOSES.
"H-ha?" Naiwan akong nakanganga ang bibig habang siya bumaba na at nakangisi pa din.
"Mauuna na ako, bilisan mo na diyan. Baka ipakita ko sayo ngayon kung gaano ako kagaling magshoot." Huling sabi niya at lumabas na.
S-shoot? S-shoot ng ano?
----
"Malamang edi bola!"
"Hindi eh! Bakit kailangan niya pa akong akitin habang sinasabi yun at binulong pa niya talaga sa tenga ko na ipapakita niya kung gaano siya kagaling magshoot!"
"G*ga ka ba? O sadyang wala ka lang talaga ka-alam alam sa sex bestfriend?" Sabi saakin ni Azumi habang may kinukuha sa locker niya.
"Eh! Ano ba kasi ibig sabihin nung ipapakita niya saakin at kung gaano siya kagaling? At anong ang ishoshoot
niya?!" Tanong ko at pilit na naguguluhan pa rin."Ay? Tignan mo to. Painosente ka masyado! Mag-aral ka nga ng sex education o magbasa ka ng mga sex stories o bed scenes para malaman mo!" Pagsesermon niya nanaman saakin.
"Grabe ka naman! Hindi ko yata kayang gawin ang magbasa ng ganoon ha." Sagot ko.
"Hay nako, alam mo bestfriend Keiarah. 4th year ka na pero wala ka pa rin ka-alam alam sa ganyan. Siguro yang utak mo pangkinder! Promise. Ako na ang nagsasabi sayo!"
"Pero Azu-" pinutol niya ang sasabihin ko
"Hay nako, Kei wag ako! Maggoogle ka nalang o magbasa ka para magets mo kung ano yun!"
Nagumpisa na ulit siyang maglakad at sinundan ko naman.
"Pero A-"
"Tigilan mo ako Keiarah Leorito! Don't me."
Hindi ko na siya kinulit pa at hindi nakapagdalawang isip na igoogle nalang yun o kaya magbasa ng sinasabi niya.
Malay mo lang naman. Hindi naman kasi ako gaanon ka pilya pagdating sa ganyan kaya wala akong alam! Duh. Oo na ako na inosente!
Pero parang pang kinder nga naman talaga ang utak ko dahil wala akong ka-alam alam sa malalalim na words na sa sex na pala connected!
"Gusto mo ipakita ko sayo kung gaano ako kagaling magshoot?"
"Gusto mo ipakita ko sayo kung gaano ako kagaling magshoot?"
"Gusto mo ipakita ko sayo kung gaano ako kagaling.."
"AY MAGALING MAGSHOOT!"
THIRD PERSON'S POV
"What?" Napalingon naman ang lalaking nabunggo niya dahil sa lutang na utak niya kanina kakaisip ng salitang shoot shoot na yan.
"HAHAHAHAHA" Biglang tumawa ng malakas ito at lumapit sakaniya.
"Ako pa rin ba ang nasa isip mo? Miss?" Tanong nito.
"At yang pagshoot ko pa talaga huh?" Patuloy pa nito at napalaki naman ang mata ni Keiarah nang marealize niya bigla kung ano ang ibig-sabihin nito.
"T-teka? S-shoot?" Tanong nito pabalik sa binata.
Iniwanan naman siya ng binata ng isang nakakalokong ngiti.
BINABASA MO ANG
Last Note.
Short StoryYou can't change the fact that you still love each other. But sometimes you have to accept the fact that the two of you are not for each other. And you have to sacrifice for her future, but then she is still inlove with you. And also, still. You...