Chapter 5 My Heart

1.5K 38 1
                                    

Matagal ring hindi nag sink in kaagad sa pudpud kong utak yung mga sinabi sakin ni Mama at Papa kahapon.

wala akong gana ngayong makinig ng lesson .Haysss anong gagawin ko kapag nangyari na yong kinatatakutan ko?
kinakabahan ako. Sino kaya ang mapapangasawa ko? sana naman gwapo,mabait,maalalahanin,caring,hindi ako aawayin. haysss erase erase..
ano kaba Julienne ha! wag mong isipin yan baka maging kabaliktaran pa nyan ang mapunta sayo.

"Ay kabayong natapilok!"
napasigaw ako. may bigla kasing kumalabit sakin mula sa likod.

"Hi Juliene?^_^"

"ahh ikaw pala Claire, You gave me a Fright huh"

(Nakuha ko lang sa movie na The Parent Trap ni Lindsay Lohan. Maganda yon panoorin nyo)

"ow im sorry, nagdadaydream ka ng ideal man mo no?" sya.

"huh? nababasa mo ba nasa utak ko?"
ako

"hindi ,wala ka naman utak eh"
sya. Natawa naman ako sakanya.

"Ikaw talaga nagawa mo pang mag joke" ako

"hindi ako nagjojoke totoo yun"sya habang naka peace sign .

angulo ha, Hindi sya nagjojoke pero nakapeace sign. Sana nagjojoke sya kasi masasaktan ako pag hindi. Wala daw akong utak ? FANS papayag ba kayo?
*pout* * puppy eyes* *wink*

Ngumiti lang ako sakanya ..

Close na agad kami ni Claire. Oo kasi madali lang naman syang kaibiganin eh. Hindi katulad nong Bayabas este balasubas nyang kapatid na ubod ng yabang. Hay ewan kung bakit ang init init ng dugo ko don.

Sabay kaming pupunta ni Claire sa canteen. And speaking of the devil.

nakita ko si Hagorn

(hihi natutuwa lang kasi ako sa Encantadia eh)

Ayon pinagkukumpulan ng mga babae sumasayaw sila. Si Kupal ata ang Leader. Sya ang nasa unahan eh. Tapos may dalawa sa likuran nya.

"Tsk bulok naman yung sayaw nila"
bulong ko.

"What?" tanong ni Claire.

"Nothing " Sabay ismid sa pwesto nila

Hindi na kami tumuloy sa canteen kasi Nag ring narin ang bell.

~~~
P.E. na namin ngayon.
Pumunta ako sa locker ko para kunin yung PE uniform ko. Nakakatamad nga eh kaya lang alangan naman sumayaw ako ng nakapalda na maiksi.

"ooppppsss" nagulat ako nang may bumangga sakin mula sa likod ko.

"how dare y--" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang makita ko kung sino yung bumangga sakin.

nakasmirk sya.

pangatlong beses palang nya akong binibwisit pero grabe na tlga ang inis ko sakanya.

Iniwasan ko nalang sya at binigyan sya ng masamang tingin. At tumalikod na nang biglang...

hinawakan nya ako braso at isinandal nya muli ako sa pader. Like the first time he grabbed me.

Putanes..Inis na tlaga ako.

"Konti nalang talaga iisipin ko na na Rapist ka!" sigaw ko at pinipilit magpumiglas.

nakasmirk lang sya sakin.

Oo na inaamin ko na Gwapo sya.
pero that thing na Ang yabang nya at mahilig manakit like now.

"Ano bang kasalanan ko sayo?" tanong ko sakanya.

nagulat ako nang biglang inilapit nya yung mukha nya sa mukha ko. almost 1inch nalang yung pagitan ng mga labi namin . Konti nalang lalapat na ito. Bigla akong napapikit. Ramdam ko na ang hininga nya . my gosh . My lips :( pano na yan. Hahalikan nya yata ako. Pangako ko pa naman sa sarili ko na ibibigay ko lang first kiss ko sa taong mahal ko.

1..2..3..

"so youre my future wife? pretty enough"

*Dug dug dug dug*
My Heart Beat Fast and going to be Faster and Faster..

Tinanggal na nya yung kamay nya sa pagkakahawak sakin.
at umalis..

Playboy kong AsawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon