Chapter 8 Engagement Party 2

1.4K 35 0
                                    

Almost 11 na ng gabi. Yung ibang mga bisita sa party nagsiuwian na matapos kaming ipakilala. Halos sayawan nalang ang nagaganap ngayon dito sa Hotel na ginanapan ng Engagement Party namin ni Epal.

Everybody seems happy except me. Naiinis parin ako sa mga nangyayari. Pagod na ako gusto ko nlang mahiga at magpahinga na. Pero hindi ako pinayagan na umuwi. Hangang ngayon pinag uusapan nila yung tungkol sa kasal namin.

Lumabas ako sa Garden ng hotel para magmuni muni.
Super lamig dito. Nakadress pa naman ako. Umupo ako sa duyan at nilaro ng aking paa ang mga dahon na naglalaglagan sa ilalim ng puno.

"Hey joker" mahinahong sabi ni Epal pero nagulat parin ako.

Mas lalo akong nagulat nang hubarin nya ang coat nya at nilagay sa balikat ko.

"Wag kang assuming Joker, inutusan ako ni Mommy na bigyan ka ng coat"

sya habang nakasmirk.

" Unang una sa lahat bakit joker ang tawag mo sakin? Pangalawa hindi ko naman kailangan ng coat mo pero kung utos naman ng mommy mo tatanggapin ko. Pangatlo hindi ako assuming" mataray kong sagot at inirapan sya.

umupo naman sya sa kabilang duyan

"Ang moody mo" nakangiti nyang sabi.

"Epal kasi" bulong ko pero hindi naman ata nya narinig.

"Ang hirap mo sigurong lambingin pag naging asawa na kita" sya habang nakasmirk.

"Ewan ko sayo" mataray kong sabi.

Tumayo ako at babalik na sana sa loob ng hinawakan nya ako sa kamay.

"Can I have this dance?" tanong nya.

Papayag ba ako?

"Hindi ako marunong sumayaw" sagot ko at nag diretsong maglakad.

"I can handle you" with a sweet voice.

*dug dug dug dug*
Si Mr Heart ko nauna nang sumayaw sa dibdib ko.

Bago pa ako makasagot tumayo na sya at hinawakan na ako sa waist ko. Inilagay naman nya ang kamay ko sa mga balikat nya. at nagsimulang gumalaw ang aming mga paa.

Hindi ko kilala itong tao pero unti unti gumagaan ang loob ko.

"Utos rin ba to ng Mommy mo?"
tanong ko.

"No, hindi si mommy ang nag utos"

"sino?"

"My heart"

----------------------

My heart My heart My heart My heart

yung sinabi nya nag echo sa tenga ko.
What does he mean? Hayss angulo nya . Naku Playboy sya kaya wag kang maniniwala sakanya at lalong wag mahuhulog masasaktan ka lang.

Eto ako ngayon sa kwarto ko.
Its Monday pero wala akong ganang pumasok. Inaantok pa ako eh. Gusto ko lang matulog ng matulog. Dahil kasi sa mga nangyari kagabi hindi na ako makatulog pag uwu namin.

*bzzt bzzt*
Calling Claire.....

"hello?" ako

[Julienne bakit hindi ka pumasok?]

"inaantok pa ako eh. Bakit ?"

[Ask ko lang sana pwede mo ba akong samahan mamaya?]

"where?"

[Basta puntahan nalang kita mamaya sainyo ok?]

tsk saan naman kaya ako dadalhin nitong babaeng to. Mahilig sa basta eh.

"Uhm ok"

Pinatay na nya yung call. Ihinagis ko yung Phone ko sa kama.

*tok tok*

"Anak?"

"pasok ma"

pumasok si mama at umupo sa tabi ko.

"Anak, napag usapan namin kagabi nila Mr. Sanchez"

"Ano yun Mama?"

"Gusto ni Mr Sanchez na bumukod na agad kayo ng bahay ni Jet para daw matutunan nyo nang mahalin ang isat isa, at pumayag naman kami ng Papa mo."

O__________o

"What?! Mama naman, pumayag na nga ako na ipakasal nyo ako sakanya tapos pati ba naman sa isang bahay pag sasamahin nyo kami?" Mangiyak ngiyak kong sabi. At dumapa sa kama at tumalukbong sa kumot.

"Anak, tayo ang humingi ng Favor kay mr. Sanchez"

"Kayo Ma kayo ni Papa! Hindi nyo na ba ako Mahal mama? Kailangan kong isakripisyo ang puso ko. Isakripisyo ang anak mo! Ganun ba yun mama? Pagmamahal ba yon? hindi nyo na ako nirerespeto!" This time umiiyak na ako. Pati na rin si mama.

"Anak mahal na mahal ka namin ng papa mo, Para sa atin tong lahat anak para maiahon ang negosyo natin"
Niyakap ako ni mama .

Kailangan kong sundin sila mama. Kailangan. Kasi mahal ko sila. Tama mahal ko sila. Pero ako mahal ba nila ako? Hindi nila ako naiintindihan. Ang unfair ni life..

Lumabas na si mama ng kwarto ko pagkatapos nya akong pakalmahin. Ok pumapayag na ako. Ano ba namang magagawa ko? Just go with the flow kahit masakit sa loob ko. Ganyan ang buhay ni Julienne Martina Adan. Sacrifice.

Playboy kong AsawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon