"okay lang yan julienne, Iiyak mo lang yan naiintindihan ko ang nararamdaman mo" sabi ni Claire habang tinatapik ang likod ko.
Di ko na nakayanan.Sobrang sama ng loob ko sa mga magulang ko.
"Thank you Claire" pilit na ngiti ko kay claire
"Gusto mo bang makalimutan yang nararamdaman mo?" tanong nya.
tumingin lang ako sakanya ng *puzzled look*
"tara!" hinila nya ako at sumakay sa kotse nya.
-------------
~bar~
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko kay claire." Tatae" seryoso nyang sagot
binatukan ko sya.
"Malamang iinom at magpapakalasing sasamahan kita promise^_____^"
"Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil dadamayan mo ako oh maiinis dahil tuturuan mo akong mag inom"
"Sumama kana lang kasi"
"ok" no choice baliw tong babaeng to
~~~~~~~~
"Ang pait naman Claire, Halika na umuwi na tayo" yaya ko kay claire."Gaga malamang alak pero una lang yan" sabi nya sabay lagok ng isang baso ng alak.
"Ayoko hindi ako iinom kahit anong mangyari I promise to myself na hindi ko titikman ang alak sa buong buhay ko"
ako sabay sandal sa couch.~claires pov~
"Eneba! afshdksh! gushto ko pa *hik*
Yeyr! acshuba ayae*hik* ko pa u- *sob* muwi"Ano ba tong babaeng to? Naglulupasay na dito sa loob ng bar. May nalalaman pang Promise to herself iinum man din pala. Grabe nakakahiya tong babaeng to pinag titinginan na kami ng mga tao sa bar.
"Halika na julienne uwi na tayo" Aakayin ko na sya nang biglang humiga ulit sa sahig at nagpagulong gulong.
Napasapak nalang ako sa noo ko at nagsisisi na dinala ko pa sya rito.
Grabe pala syang malasing, Nagwawala.
"Halika na kasi iuuwi na kit---"
nagulat ako ng biglang alisin ng isang lalaki yung kamay ko kay Julienne."Ako nang magbubuhat sakanya" sabi nung stranger. At binuhat na nya si julienne yung parang pang bagong kasal.
"ughm thank you" nasabi ko nalang at ti ignan sya palabas.
Tinuro ko sakanya kung nasaan ang kotse ko. Nakatulog na si Julienne sa mga bisig nung lalaki.
Habang tinitigan ko sila pareho habang buhat nung lalaki si julienne napaisip ako. Nakatingin kasi Yung lalaki sa mukha nya at tila malungkot.
"Parang kilala nya si Julienne"bulong ko
"brrruuuahhh!" nagulat ako ng biglang sumuka si Julienne sa damit nung lalaki.
Tumakbo ako at tinulungan yung lalaki.
"Im sorry --..."
"Michael, Michael Perez" sabi nung lalaki at nakangiti. Angwapo naman. Nasukahan na sya ni Julienne nakangiti pa sya.
"Im sorry Mr. Perez"
"its ok"
Inilagay na nya si Julienne sa backseat.
"Thank you Mr. Perez"
sabi ko sakanya habang pinapagpagan nya ung nasukahan nyang polo.
"youre welcome" sagot nya ng nakangiti.
Itatanong ko sana kung bakit nya kami tinulungan pero umalis na sya agad eh.Umuwi na ako at inihatid si Julienne sakanila. Gabi na rin kasi at baka nag aalala na ang mga magulang nya.Umuwi narin ako at nagpahinga.
--------------