Pumasok na ako sa loob ng room. And as usual, Introduce yourself. Madaming kinakabahan pagdating dyan, Pero ako? Meh. Hinding hindi ako kinabahan. Im confidently beautiful. Natapos nang magintroduce ang iba and its my turn. Naglakad ako papuntang harap.
"Hello" bati ko.
"I'm Sandy Vargas. 17 years old. Currently living at Buena Subdivision." Pagiintroduce ko.
Umupo na ako at pagkatapos naming magintroduce lahat ay nagsimula na ang discussion. Diba pag first day wala pang discussion? Hmp. Hindi na ako nakinig sa sinasabi ng teacher sa harap. Natapos na ang ilan pang subjects at Break time na.
Naglakad na ako papuntang cafeteria."Hey" nabigla ako nung may biglang sumulpot sa tabi ko. Tsk. Akala ko ba galit sya?
"Galit ka diba? Ba't ka sumasabay sa akin?" May halong pang-aasar na sabi ko.
"Then kung ayaw mong sumabay ako sayo edi wag, I have a lot of girls" Sabay ngumiti na may halong pangaasar.
"Tss." Sabi ko then I heard him giggled.
Natapos na ang break time at sa susunod na subject ay magkaklase kami ni Kevin. So, sabay rin kaming pumunta sa room.
Magkatabi kaming umupo. Good, mukhang wala pang nakaschedule na magiging teacher namin.
Habang nagmumuni ako dahil walang klase, bigla akong nagulat nang nagingay ang mga classmates ko."Ang pogi."
"Ngayon ko lang sya nakita ah"
"Ang gwapo shet"
"Akin na lang sya"
"Transferee yata sya."
"Transferee? My gosh. Ang pogi naman nya"Automatic na inikot ko ang paningin ko. And..
I saw him.
A guy that have an Angelic Face.Umupo sya sa katabi kong bakantemg upuan. Sinundot ni Kevin ang balikat ko kaya napabalik ako sa reality. Mukhang natulala ako sa lalaking katabi ko.
"Anong meron sa pagkatulala mo?" Bulong sakin ni Kevin and, as always may halong pangaasar na sabi nya.
Hindi ko nalang sya pinansin.
Dug.Dug.Dug.Dug.
Why it is beating like this? Yung puso ko..Natapos ang subject na iyon na ganun kung tumibok ang heart ko. Nauna nang umalis yung.. Guy. Naglakad na rin kami ni Kevin. Hanggang sa matapos ang lahat ng klase.
Pumunta na ako sa parking lot. Nakagawian ko ng magpasundo at magpahatid kay Kevin. Okay lang naman sakanya, magkalapit lang ang bahay naming dalawa.
Nasa loob na sya ng sasakyan at dali dali akong pumasok sa loob. Baka iwanan pa ako nitong kumag na 'to."Love at first sight." Biglang sabi ni kevin. Napatingin ako sakanya.
"And?"
"Looks like interested ka sa lalaking yun." Kahit na di nya sabihin kung sinong guy, alam ko na ang tinutukoy nya.
"Hindi pa ako naging interested sa isang lalaki" Sabi ko at iniwas ang tingin sakanya. Hindi pa naman talaga, kahit sa artista.
"Hmm. Well, I have A dare on you" Napatingin ulit ako sakanya.
"W-What is it?" Nagstutter ako. Ilang beses nang nagbigay ng dare sakin si Kevin. But this time, parang.. Kinakabahan ako.
"I want you to be friend with that guy" Then he smirked.
Nafroze ako sa kinauupuan ko sa narinig.
"And dont fall in love with him"
dagdag pa niya."Ako? maiinlove dun?" I sarcastically laugh.
"Okay. Dare Accepted" Dagdag ko.
"I have A limit. Only 8months." sabi ni Kevin.
8 months? Tss. Hinihirapan nya ang pagdare sakin.
"Ang magiging dare ko naman sayo ay 1year." Sabi ko. "Pero pagiisipan ko pa kung anong ipagagawa ko sayo". Dagdag ko ulit.
*
Authors Note:
Hi po. Kung may nagbabasa man nito, I hope ipagpatuloy nyo. Thankyou :).
BINABASA MO ANG
Love Warning
General FictionIm falling for him. No. I shouldn't fall, If I fall. Its Game Over.