Tampo

173 11 0
                                    

Lumipas ang mga araw at weekends na.

Hayst. Finally, magkakapagpahinga na ako.
Ilang days na ang dumaan pero wala paring nangyayari sa dare, ang hirap naman pakisamahan nung Carlo na yun. And yes, Carlo ang name nya. Parang familiar ang name nya sakin, pero pinagkibit balikat ko nalang.

Nakaupo lang ako sa tabi ng bintana dito sa kwarto ko. Boring. At pag nagpatuloy pa ring boring sa tingin ko mababaliw na ako.

*Beep*
Natigil ako sa pagmumuni nang biglang may nagtext sakin.

One message received from:
Kevin

[Are you bored?]

Nagreply ako.

[Yah >.<]

Pero biglang, Message sending failed.
Oo nga pala, kakaexpire ko lang kagabi.

Lumabas ako ng kwarto para magpaload sa tindahan.
Dalawang bahay lang ang lalakarin ko bago makarating sa tindahan.

Natapos na akong magpaload at pauwi na ako. Nung nasa harap na ako ng gate nakita ko sa katabi ng bahay namin na may isang truck. Naglalabas ng mga gamit.
May bagong lipat? Umalis na ba ang may ari dyan?

Pero ang mas ipinagtaka ko nang makita ko sya. O.O

Wait. Totoo ba 'to? Sila ang lilipat dyan?!

*Beep.Beep*

"Ay palaka!" Nagulat ako nang may bumusina sa likod ko. Lumabas sya sa sasakyan at lumapit sakin.

"Your face is really amazing when you're shocked" At tumawa sya.

Susuntukin ko na sana sya ng bigla syang tumakbo papasok sa bahay namin.

"Unggoy ka talaga!" sigaw ko habang hinahabol parin sya.

"Hay nako. Parang mga bata parin kayo" Sabi ni Manang Bet.

Tumigil na sa pagtakbo si Kevin at nagpasuntok na lang sakin.

"Nagpagod kapa, magpapasuntok ka lang naman pala. Tsk" Sabi ko at umupo sa sofa sa sala.

Umupo din sya sa tabi ko.

"Kailangan pahirapan muna bago magawa o makuha ang gusto mo." Sabi nya.

"Aba, may words of wisdom kapa ah" Sagot ko naman.
At tumawa sya ng mahina.

"Hmm. You are bored, right?"
Tanong nya sakin at kumuha ng cookie na hinanda ni Manang Bet.

"Yah. Very. Bored." Kinuha ko ang remote at binuksan ang tv.

Saktong love story ang palabas at tungkol yun sa magbestfriends na nainlove yung lalaki sa babae nyang bestfriend. Nanood na din si Kevin.

Ang awkward naman nito. Magbestfriends din kami ni Kevin, Duh.

"Bestfriend lang ang turing ko sayo." Sabi nung babae sa palabas.

"Bestfriend lang ang turing mo sakin. But..Sobra pa dun ang turing ko sayo. I.. I.. Love you not as a bestfriend" Sabi nung lalaki sa palabas.

Okay.. Ang awkward na talaga.
Nilipat ko nalang sa ibang channel.

"Ba't mo nilipat?" Sabi ni Kevin at kukunin na sana nya ang remote sa kamay ko.

"Uhm.. Ang pangit naman ng palabas na 'yon eh"

"Tss. Ang ganda naman nun ah"
"Nakakarelate"

Hindi ko narinig yun huling sinabi nya kasi binulong nya lang yun.

Tumayo na sya at akmang aalis.

"Huy! Saan ka pupunta?"

"Uuwi na" Sagot nya na may halong coldness.

Sinundan ko sya palabas.

"Hmm. Nagtatampo ka?" May halong pang-aasar na tanong ko.

"Kevin! Palabas lang naman yun! Ahahaha!" Sigaw ko. Pumasok na sya sa kotse at pinaandar ito.

"Hayst." Nasabi ko nalang. Ang bilis nya talagang magtampo.
Ang liit na bagay lang naman yun.
Nakakatawa talaga sya.

***
Author's Note:
Hi! Kung may nagbabasa na sana ipagpatuloy nyo. Thankyou :*

Love WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon