The Start

230 6 0
                                    

As usual. Magkasabay nanaman kaming pumasok ni Kevin. Sya ang sumusundo sakin eh. Hindi kami magkaklase sa First Subject, So magkahiwalay kami ng direksyon. Naglakad na ako papunta sa Room ko. Kinapa ko ang phone ko sa bulsa ko at nagpipindot nalang ng kung ano ano. Awkward kayang maglakad ng magisa. Then suddenly..

"Ow." Sabi nung lalaking nakabangga ko.

Nahulog ang mga dala kong gamit, Dalawang book lang naman. Nung kukunin ko na yung isang libro bigla din nya yung kinuha and our hands touched.

Dug.Dug.Dug.Dug.

Mabilis kong kinuha yung libro, at may nakita pa akong isang papel na nahulog rin. Kinuha nya yun.

"Room 18 ang first subject mo?"
tanong ko.

Tinignan nya ang papel na hawak nya.

"Yeah" Sagot nya.

"I want you to be friend with that guy"..

Bigla kong naalala ang dare sakin ni Kevin.

"P-pwede na tayong magsabay papunta dun. Yun din ang first subject ko" I said with matching stutter.

Hindi ko alam kung pumayag sya na magsabay kami pero nung magsimula syang maglakad, sumunod na ako sakanya hanggang sa nakadating kami ng room.
Umupo sya sa may bandang likod, sumunod ako sakanya at umupo sa kataping upuan.
Kahapon di ko naman sya nakita dito ah?

"Uhm.. Kahapon nagstart na yung klase for this subject. Ba't di kita nakita?" tanong ko.

"Late akong nagising" tipid nyang sagot.

"A-ah. Okay.."

Napatahimik kami sandali. At nagisip ako nang pwede maitopic habang wala pa yung teacher namin.

"Saang school ka galing bago magtransfer dito?"

"Xavier"

Xavier? Xavier University? Ba't Xavier lang ang sinabi nya? Di ba pwedeng sabihin nya nalang pati yung University?

"Ang tipid namang sumagot, may pinagiipunan yata" Bulong ko pero alam kong nadinig nya yun dahil nalipat ang tingin nya sakin.

"Goodmorning class" Gustong gusto kong pasalamatan si Ma'am at saktong sakto lang ang dating nya. You're my savior Ma'am.

Nagsimula na ang discussion at nung matapos na ang klase ay tumayo agad sya at lumabas ng room. Tumayo ako at akmang susunod sa kanya pero mukha na akong buntot kakasunod.

Nakalimutan kong itanong ang pangalan nya at ngayon ko lang din narealize na di ko pa pala alam ang pangalan nya.
Gusto ko syang habulin pero nakakahiya naman, naiirita na yun sakin.

Napaupo ulit ako.
Hayst. Mukhang mahihirapan ako sa dare na 'to. Parang ayaw nyang makisalamuha. Tsk.

***
Kakatapos lang ng lunch break at supposed to be, kasama ko dapat si Kevin dahil same kami ng class na papasukan. Pero mukhang magdiditch sya ng class at panigirado akong pupunta yun sa Music Room. Biglang nagbago ang route ng mga paa ko. Instead na sa class ako pupunya ay narealize ko na sa Music Room na pala ako papunta. Mukhang magdiditch nalang rin ako.

Habang naglalakad ay parang may narinig akong naguusap, Nasa dulo yun ng hallway at mukhang papunta dito sakin. Nagtago ako sa maliit na pasilyo doon at hinintay na makalapit ang mga yabag ng paa.
Then I heared A familiar voice. Yes. Alam kong siya yun.
Tahimik lang ako nagtago dun.

"Hay. Kahit kailan Carl di ka parin natutong maging friendly" boses yun ng isang babae.

Wait. Carl?

Love WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon