UMASA AKO

1.6K 15 2
                                    

Nung bata pa ko, iniwan ako ng nanay ko sa sala
Ang sabi nya wag daw akong aalis dahil babalik sya
At umasa ako, naghintay, nagtiwala
At di nga naglaon, ayun bumalik sya
Magmula no'n naniwala na ako
At nakumbinse ang dibdib ko
Na kahit iwan ka ng taong pinakamamahal mo
Dadating din ang oras na babalik sya sayo.

Umalis ka ng walang pasabi
At umasa ako
Umasa ang puso ko na babalik ka dahil ang taong nagmamahal ay susuyurin ang daang tinahak ng dibdib upang pulutin isa isa ang mga alaalang nahulog sa yungib ng kawalan ng pag asa, ng sakit, ng nasirang tiwala.
Umasa ako na babalikan mo ang taong nagtiwala sayo at sa mga pangako mong tila mga bituin sa langit, maningning, pero mahirap makuha.
Nagtiwala akong babalik ka
Bumalik sa pagkabata ang puso ko
Hindi ako umalis sa pwesto
Ngunit mahal matagal na panahon na
Ilang minuto, segundo, oras at linggo na
Pero hanggang sa mga oras na to, wala ka
Bagama't masakit pag naiisip kita
Sayo ko naman natutunan ang katotohanan
Na hindi lahat ng nang iiwan ay bumabalik pa
Lalo na kung ang nakalimutan
AY WALA TALAGANG HALAGA.

Spoken Words PoetryWhere stories live. Discover now