PARA SA KABATAAN

7.4K 17 1
                                    

Hindi kasi sapat.
Hindi sapat na sabihin mong pwede na
Na ayos lang kasi kaya mo na.
Hindi kasi pwedeng 'pwede na'
At lalong hindi sapat na 'okay na'.
Hindi mo pwedeng isugal ang puso mo sa isang bagay na di ka sigurado
Lalo na kung kulang ang lakas na dala mo;
Lakas na kakailanganin mo para mapagtagumpayan mo
Ang hinahangad mong sa dulo'y maging kayo.

Makinig ka muna ngayon, bata
Kasi alam ko kung gaano kasakit
Na umasa sa isang tula na isinulat ng makata
Na sa una'y puno ng pag-ibig,
Tapos sa dulo naman pala'y puro pasakit.

Huwag muna ngayon kaibigan.
Hindi pa ito ang tamang panahon
Para sabihin mong 'kaya ko na'
Dahil ang totoo'y mahina ka pa
At kung ikukumpara ang lakas mo sa sakit na dadanasin mo pag nagmahal ka,
Para kang nakipagsuntukan sa isang elepanteng isang tonelada ang timbang.

Hindi kasi sapat na gusto mo.
Hindi sapat na ipilit mo ang karapatan mo na magmahal ng isang tao lalo na't kung sa palagay mo'y tamang pagkakataon na to.
Hindi sapat ang tapang, kapatid.
Hindi pwedeng sumugal ka sa laro ng puso
Na ang dala mo lang sa bulsa'y halagang piso ng pagsuyo
Dahil matatalo ka, kaibigan, matatalo ka lang.

Hindi sapat na mahal mo sya,
Dapat ay mahal ka rin nya.
Hindi sapat na magbigay ka,
Dapat rin ay may tanggapin ka.
Hindi sapat na lumaban ka,
Dapat ay kasama mo sya
Dahil ang pag-ibig ay hindi larong pang-isahan
Ito'y sugal ng dalawang taong nagmamahalan.

Kaya kaibigan, imulat mo ang mata mo
At tingnan mo ang paligid mong puno ng pagsamo.
Lahat ng taong nakakalat sa mundo
Sa hilaga, kanluran, silangan, at timog
Lahat yan nasaktan na
Bat di mo tularan sila?

Ngunit kaibigan
Kung sakaling di kita mapipigilan
Isang payo lang mula sa tulad kong may karanasan:
Kung ikaw ay iibig at sa huli'y masasaktan
Wag kang titigil magmahal
Dahil ang biyaya ng pag-ibig ay do'n lang ibinibigay
Sa mga pusong matapat at matiyagang naghihintay.

Spoken Words PoetryWhere stories live. Discover now