PARA SA NAMBABALEWALA

881 3 0
                                    

Nakakapanghina.
Yung tipong alam mong matalino ka
Pero parang wala ka ng ginawang tama.
Yung tipong alam mong dapat kang hangaan
Pero hindi ka nila pinapahalagahan.
Alam mo sa sarili mong naiiba ka sa iba
Ngunit ipinapamukha nila sayong katulad ka lang nila.
Habang ang kalungkutan mo'y lumalala
Patuloy ka pa rin nilang binabalewala
At wala silang pakialam
Kung mawala ka man ng di nagpapaalam
Kasi sa mata nila'y pangkaraniwan ka lang
At hindi ka isang espesyal na nilalang.

Kilala mo ang sarili mo.
Alam mong may mga pangarap ka na kaya mong matamo.
Bukas ang isip mo na magtatagumpay ka
Hindi lang dahil sa sinwerte ka
Kundi dahil sadyang nakakabilib ka.
Alam mong nauuna ka na't
Nahuhuli lang sila
Pero anong kalagayan mo ngayon?
Nakakaawa, walang sumasang-ayon.

Nakakalungkot isipin.
Nakakabagabag sa damdamin.
Napakasakit sarilinin ang isang saloobin
Na habang ibinibigay mo ang lahat ay nandun lang sila
Hindi ka nakikita, hindi ka naaalala.
Nakakadurog ng puso na kahit kaya mong magsalita ng sampung lenggwahe
May sakit kang nararamdaman na hindi mo pa rin masabi.

Sana nababasa nyo to.
Sana naiintindihan nyo.
Sana naiisip nyo kahit papaano.
Pansinin nyo naman ang lahat ng ginagawa ko.
Hindi ako isang anino sa pader o sa banyo
Na hindi nyo na lang pinapansin dahil hindi nyo mapagsino.
Sana naman kahit minsan
Inyo akong palakpakan
O kaya nama'y kahit pasalamatan man lang
At sana rin mapansin nyo
Na sa tuwing may leksyong hindi nyo alam kung papaano
Ipinapaliwanag ko sa inyo
Dahil kaibigan ko kayo.

Hindi ako nanunumbat.
Hindi ako nagmamataas.
Hindi ko to isinulat
Para maging animong sa inyo'y isang pintas
Dahil hindi, hindi ako ganon
Hindi ko kayo ibabagsak para lang ako'y umahon.
Sinasabi ko to dahil ako'y nasasaktan
At ang puso ko talaga'y sobrang nasugatan
Kasi di nyo man lang ako mapahalagahan
Kahit lagi akong nandyan pag ako'y inyong kailangan.

Hindi lahat ng may mata ay nakakakita
At hindi lahat ng may balat ay nakakadama.
May magagandang halaman pa ring sa huli'y nalalanta
At may mga asawa pa ring iba ang sinasamba.
Kung ang mundo nga'y nagtataksil sa sarili nito
Ako pa nga ba ang magtaka sa kamanhidan ninyo?

Ang bago ay naluluma
At ang mabuti'y sumasama.
Ang malakas ay humihina
At ang matibay ay humuhuna.
Kung akong isang taong mabait din at maamo
Balewalain mo pa't p*tanginamo.

Walang sinumang sa akin ay makapagsasabi
Na 'hanggang dito ka lang, wag kang sasalisi'
Dahil kung sa salita, ako'y magaling maghabi
Kaya kitang paiyakin habang ika'y nagsisisi.

Huwag na kaibigan
Huwag mo akong subukan.
Huwag mo naman akong itulak sa aking dulong luklukan
Dahil pag di ka tumigil sa iyong kasakiman
Ako mismo ang magdadala sa iyo sa iyong huling hantungan.

Balewalain mo pa ako.
Tapakan mo pang mabuti ang pagkatao ko.
Duraan mo pang labis ang ibabaw ng ulo ko
Para makita mo lalo ang hinahanap mo.
Gusto kong malaman mong edukado akong tao
Pero subukan mo lang na paikutin ako
Kaya kong magpaka-barumbado
Masaktan lang kita ng todo-todo.

Hanggang dito na lang kaibigan
Baka masasakit na salita pa ang aking mabitawan
At naku, jusmiyo, baka di mo makayanan
Baka umiyak ka pa dyan na parang isang talunan.

Pero gusto ko lang malaman mo
Na kahit di mo pansinin ang lahat ng ginagawa ko
Hindi pa rin noon mababago ang isang bagay na totoo
Na mas angat pa din talaga ako kaysa sayo
At isa ka lang kahihiyan sa lahi ng mga tao!

Spoken Words PoetryWhere stories live. Discover now