ACU 2 - Knowing

39 8 3
                                    

Amnashrein's  POV

Nanatili lang akong nakatingin ng diretso sa mata niya. Kahit gustuhin kong magsalita walang lumalabas sa bibig ko. Kusa akong napipiyok dahil sa mga katagang narinig ko mula sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang  dapat kung sabihin. Dapat ba akong matuwa o magtaka dahil sa mga kakaibang pinagsasabi niya sa harap ko.

"Ayoko ko dun, Because I want you. Amnashrein,"

"Ayoko ko dun, Because I want you. Amnashrein,"

"Ayoko ko dun, Because I want you. Amnashrein,"

Paulit-ulit ko yung narinig sa isipan ko. Ano ba to? Bakit ganito? Nababaliw na ba ako? Bakit pati boses niya e' naririnig ko na din sa utak ko? May power ba siya? Kaya niya ba nalaman yung iniisip ko kanina dahil may kapangyarihan siyang basahin kung ano yung iniisip ng isang tao? Mind reader ganun?

"Hoy! Alam kung gwapo ako pero kelangan mo na kung gamutin! Baka maubusan ako ng dugo dito!"

Hindi. Tama! Walang ganun. Sa mga palabas lang merong ganun. Baka kaya niya yun sinabi para mabawasan yung inis na nararamdaman ko sa kanya. Tsk! Anong akala niya sa akin? Madadala niya ako sa mga panggaganyan-ganyan niya? Tsaka imposible namang sabihin niya agad sa akin ang mga salitang yun bago niya ako batuhin ng bola ng SADYAAN! Ano 'to? Mood swing?

"I-ikaw ah! Wag mo kong pagtripan dito! Hindi ako natatawa sa mga pa I-want-you chuchu mo! Tigil-tigilan mo ko! Isa pa! Isa pa ah!" Panduduro ko sa mukha niya. Pinilit kong itago ang kaba na nararamdaman ko habang sinasabi ang mga salitang yan. Ayokong magmukhang mahina sa harapan niya dahil siguradong mas pagti-tripan ako ng unggoy na 'to!

"Ano ba! Nakikinig ka ba sa akin? Kanina pa ko nagsasalita dito-"

"Wala akong pake!" Bulyaw ko sa kanya. Habang tumatagal napapalitan ng inis ang nararamdaman ko sa lalaking 'to. Ayokong makarinig ng kahit anong salita mula sa bibig niya. Mas naiinis lang ako. "Tara! Gagamutin na kita!" Nakita ko pang ngumiti siya bago sumunod sa paglalakad ko. Bakit ba ako pumayag na gamutin 'to. Pwede ko naman siyang pabayaan dito. Malaki naman siya. Hindi na siya baby para alagaan!

Sus! Crush mo lang eh...

Rinig kong bulong ng konsensya ko. HAHAHAHA! Grabe! Ang daming kong tawa mga nasa bente ata! Ako!? Ang nag-iisang ako, sa balat ng lupa? Magkakagusto sa ungas na yun? Tsk! Paututin mo muna lahat ng tao sa mundo bago mangyari yun. Alam kong pogi siya pero HINDI KO SIYA TYPE at isa pa wala sa bokabularyo ko ang salitang yan! Sakit lang yan sa ulo.

"Saan mo ko gagamutin?" Tanong niya mula sa likuran ko. Ramdam kong konti na lang ay malapit na siya sa tabi ko kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad. Wag na wag kang lalapit sa akin! Hindi tayo close para magdidikit-dikit ka sa magandang tulad ko.

"Hoy! Pwedeng bagalan mo yang paglalakad mo?" Bigla akong napatigil sa paglalakad ng marinig ang salitang yun. Ngayon nagdedemand na naman siya. Humarap ako sa kanya at dinuro ang pagmumukha niya.

"Kapag ikaw! Hindi tumigil sa kakautos mo sa akin! Iiwan talaga kita dito!" Pananakot ko. Bigla naman siyang natahimik at nagbaba ng tingin sa kanyang paanan. Titigil din naman pala sa kakademand kelangan pang sigawan. Naglakad na lang ulit kami pareho ng tahimik.

Medyo nauuna ako sa kanya pero nakikita ko pa din ang ginagawa niya. Napansin kong tumigil na sa pagdudugo yung kanyang ilong kaya medyo binagalan ko ng onti yung paglalakad ko. Malaki itong school namin kaya medyo mahaba-haba ang lalakarin namin. Kelangan mo munang daanan ang Auditorium, music room tsaka ang Faculty ng mga teachers bago marating sa lugar na iyon.

Aurenia: A Place For YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon