ACU 3 - Phone Call

47 7 3
                                    

Amnashrein's POV

"Hoy! Sino yan!" Bigla kong napatay yung tawag ng marinig kong magsalita si Hellena mula sa tagiliran ko.

Inilapag niya ang tray sa table at isa-isa inayos ang pagkain dito. Dahan-dahan ko namang ibinaba ang cellphone niya at ngumiti ng pilit. Ayokong komprontahin siya ngayon. Baka kasi may maganda siyang dahilan kung bakit niya itinago sa akin na may boyfriend na siya. Hindi porket kaibigan ko siya e' dapat alam ko lahat ng tungkol sa kanya. May mga limitasyon pa rin syempre. Iniabot ko ito sa kanya at nagpatuloy na kumain.

"Sinong kausap mo?" Malumanay niyang tanong habang nagsisimulang buksan ang juice na inorder niya. Umiling lang ako ng bahagya tsaka tumingin sa kawalan. Ayokong magsalita dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong bunganga na dumaldal.

"Naipasha mo na ba yung research papersh mo?" Tanong ulit niya habang nginunguya ang pagkaing nasa bibig niya. Tumango naman ako bilang sagot. Naramdaman niya siguro na wala ako sa mood makipag-usap kaya hindi na ulit siya umimik. Nag focus na lang kami sa sarili naming pagkain. Ilang minuto din kaming natahimik ng magring ulit ang cellphone niya. Tumingin muna siya sa akin at agad naman itong sinagot.

"Oh! Bal?! Napatawag ka bigla?" Rinig kong tanong niya sa kabilang linya. Bal? So it means, tumawag na naman yung boyfriend niya? Dali-dali akong lumapit sa tabi niya at ngumiti ng pagkalaki-laki. Nagulat siya sa ginawa kong paglapit kaya binigyan niya ko ng nagtatakang tingin. Senenyasan ko siyang ipagpatuloy lang yung ginagawa niya kaya naman umiwas na siya agad ng tingin sakin. Pasimple kong inilapit ang tenga ko sa kanya. Kelangan kong marinig kung anong sasabihin ng boyfriend niya sa kanya. Baka mamaya may sabihin pa 'tong masama tungkol sa akin.

"Sinong may hawak ng cellphone mo kanina?" Rinig kong tanong sa kabilang linya. Napalunok naman ako ng maraming beses at umupo ng tuwid. Nagpatuloy lang ako sa pagkain at nagkunwaring walang naririnig.

"Bakit? Si Amna may hawak ng phone ko kanina eh. May problema ba?"

"Wa-wala. Mag-usap tayo mamaya may sasabihin akong mahalagang bagay sayo. May gagawin tayo." Bigla namang nanlaki ang mata ko ng marinig kong sabihin niya ang salitang 'may gagawin tayo'. Nakanganga akong nagpalipat ng tingin sa cellphone na hawak niya pati rin sa kanya. Anong gagawin nila? Shems! Hindi kaya??????

O_o

Naku! Hindi pwede!!! Masyado pang bata ang kaibigan kong 'to! Wala pa 'tong kaalam-alam sa mundo! Hindi nila pwedeng gawin ang bagay na yun! Paano kung mabuntis siya ng wala sa oras? Paano na ang pangarap niya? Ang kinabukasan niya? Noooo!!!! Hindi pwede! Baka sabihin sa akin ni tito Alvin na pinapabayaan ko 'tong anak niya.

Tapos ano? Ako yung mapapagalitan sa ginawa nila. No. No. No. Hindi ako papayag. Humarap ako sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Nagulat naman siya bigla sa inasta ko. Sorry bakla! Pero kelangan ko kayong pigilan!

"Anong nangyayari sayo?" Tanong niya.

"Sasama ako sayo. S-sa inyo!" Sagot ko at tinuro bahagya ang labas ng pinto ng canteen. Hinawi naman niya ang kamay ko tsaka umiwas ng tingin.

"Hi-hindi pwede." Pakiramdam ko wala na akong marinig ng sabihin niya ang bagay na yun. Pakiramdam ko nawala na ng tuluyan yung pangarap na matagal na naming pinaghirapan. 'Bakit?' Gusto ko siyang tanungin kung bakit? Gusto niya rin bang gawin ang bagay na yun? Umiling-iling na lang ako. Kung oo, wala na akong magagawa. Hindi ko na ata siya mapipigilan. Tumayo ako at isinuot ang bag na dala ko. Pupunta na lang ako sa room. Magpapahangin na lang ako dun.

"Oh? San ka pupunta? Di mo ko hihintayin?" Tanong niya. Ngumisi naman ako tsaka dinampot ang tray na pinagkainan ko. "Wag na. Enjoy kayo ng BOYFRIEND mo." Walang emosyon kong sabi. Sinadya kong diinan ang pagkakasabi ko ng salitang 'BOYFRIEND' para malaman niyang alam ko na ang pinakatago-tago niyang sikreto sa akin. Psh!

Aurenia: A Place For YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon