Amnashrein' s POV
Isa-isa kong pinulot ang mga nagkalat na libro sa sahig. Inayos ko ito at ipinagpatong-patong sa gilid ko. Aish! Nakakahiya 'to! Ang dami ng nakatingin sa akin dahil sa ginagawa ko. Dali-dali kong pinulot ang mga natitira kong paper works at libro sa sahig. Nahagip naman bigla ng mata ko ang biotech book na gagamitin ko para sa paggawa ng assignment, malapit sa sapatos ng nakabangga sa akin.
Naka-rubber shoes siya ng panlalaki. Nakaramdam naman agad ako ng inis, ng ma-realize kong hindi siya kumikibo at pinababayaan akong magpulot ng mag-isa. "Wala ka talagang balak na tulungan ako dito!? Tatayo ka lang ba dyan at hahayaan akong pulutin 'to ng isa-isa?!" Mahina kong bulyaw sa kanya. Ngunit hindi pa rin siya nagsasalita. Wala ba 'tong bibig?!
"Hindi ka pa rin nagbabago, ang taray mo pa din," Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa sa huli. Walang ano-ano'y bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Kahit hindi ko pa siya nakikita, kilalang kilala ko na ang boses niyang yan. Siya ba 'tong nasa harap ko?
Kunot noo akong tumayo at humarap sa kanya. Bigla namang nag-iba ang ihip ng hangin ng makita ko siyang diretsong nakatingin sa akin. Pakiramdam ko wala na akong maibugang hangin sa sobrang sikip ng dibdib ko. Gusto kong magsalita para kausapin siya at kamustahin man lang pero kusang pumipiyok ang lalamunan ko. Iniiwas ko agad ang tingin ko at dali-daling umupo upang buhatin ang mga naglalakihan kong libro. Sabihin niyo nga sa akin, bakit nga ba ako nagdala ng ganitong libro?!
Dahil ayaw mong manghiram.
"Ako na," kuha niya sa tatlong librong bitbit ko. Agad ko naman itong binawi sa kanya. Ayoko ng tumanggap ng tulong mula sayo. Wala na akong karapatang tumanggap ng kahit ano galing sayo. Sinaktan kita, niloko, pinaglaruan ko ang damdamin mo. Paano mo pa nakukuhang tulungan ang isang katulad ko? "O-okay lang," naiilang kong sabi. Kahit mabigat, mas pipiliin kong buhatin 'to ng mag-isa.
Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa marating ko ang locker ko. Binuksan ko ito at agad na ipinasok ang lima kong libro. Hanggang kelan ba ako makokonsensya sa ginawa ko sayo? Gusto kong sabihin sayo lahat ng nararamdaman ko. Gusto kong malaman mo yung dahilan ko. Gusto kong ipaliwanag sayo lahat-lahat. Pero kapag nakakaharap na kita, nawawalan ako ng boses. Tanging konsensya ko lang ang nangingibabaw.
Isinara ko ang locker ko at dumiretso sa rooftop. Kelangan ko ng hangin. Kelangan ko ng maaliwalas na kapaligiran. Sa tingin ko, sila lang ang makakatulong sa akin. Umupo ako sa isang bench at tumingala sa kalangitan. Sana kayang dalhin ng mga ulap at hangin lahat ng nasa isip ko.
"Nakita ko lahat ng nangyari kanina."
"Aego!" Malakas kong sambit. Agad kong nahawakan ang puso ko sa sobrang gulat. Umupo siya sa tabi ko at tumingala rin sa kalangitan. Inis akong umayos ng upo at malakas siyang binatukan. Agad naman niyang hinawakan ang parteng binatukan ko at sinamaan ako ng tingin dahil sa ginawa kong iyon. Bakit ba palagi na lang 'tong sumusulpot sa tabi ko? Bakit kung kelan tuwing mag-iisip ako, lalabas at lalabas siya sa isang tabi at gugulatin ako.
"Bakit ba palagi kang nasa paningin ko!" Naiirita kong tanong sa kanya. Agad namang napalitan ng ngiti at saya ang ekspresyon sa mga mata niya. "Sabi ko naman sayo, meant to be tayo!" Turo niya sa amin dalawa. Binalewala ko ang sinabi niya at nagbaba ako ng tingin. Ano bang intensyon mo sa buhay ko! Ito ba ang dahilan? Maiintindihan mo ba lahat, kapag sinabi ko sayo?
Tinapik niya ako sa balikat, na nakapagpukaw sa diwa ko. "Alam mo, kasing lawak ng noo mo," turo niya sa noo ko. "Ang pagmamahal at pag-intindi ko sayo," Pagkasabi niya nun, ipinikit niya lang ang dalawa niyang mata at nakapandekwatrong umupo.
"E' kung isampal ko kaya sayo 'tong noo ko?!" Mataray kong sabi sa kanya. Kapal nito, akala mo naman wala siyang noo. Iuntog ko kaya sayo 'to ng bonggang bongga eh! Tumawa lang siya ng bahagya at biglang nagseryoso.
BINABASA MO ANG
Aurenia: A Place For YOU
Ciencia FicciónHALLU! PRETTYNAH IS READY TO ENTER THE TOWN!!!!! BASAHIN MO MUNA KASI MALAKING KAWALAN TO PAG DI MO MABASA. MABABAWASAN LANG NAMAN NG MGA PIPTEH PERCENT SAYA. About the story: Tungkol to sa Pangalawang mundo. Which is yung Aurenia Land pronounced a...