ACU 4 - Him

36 4 3
                                    

Alliah's POV

Paikot-ikot akong naglalakad sa harap ng pinto. Hinihintay ang pagdating ng magaling kong kapatid. Saan naman kaya pumunta yun? 

Kanina, hindi ko na nagawang magsalita ng tanungin ako nila mama tungkol sa amin ng boyfriend ko. Ayokong sabihin sa kanya na ilang beses ko na siyang nahuling me' kasamang babae. Natatakot ako na baka kapag sinabi ko iyon sa kanya, magalit siya ng tuluyan kay Xalvie. Na baka paghiwalayin nila kami ng wala sa oras. At 'yun ang pinakaayaw kong mangyari.

Mahal ko siya bukod pa sa buhay ko. Kahit ilang beses pa niya akong lokohin, as long as na humingi siya ng 'sorry' sa akin tatanggapin ko. Ganun ko siya kamahal.  Pero alam ko. Darating din ang panahon na kusa ng susuko ang puso ko sa kanya. Kapag hindi ko na kinaya. Tao lang din naman ako. Napapagod din.

"Nakakapagod naman maglakad," Umupo ako sa sofa at humarap sa nakapatay na TV. Bigla ko naman naalala yung nakita namin kanina. Animong nagflash agad sa utak ko ang itsura niya at yung babaeng kasama niya. Tumingala ako sa kisame at tinitigan ito.

"Baby Bunch, sana naman mali yung hinala ng kapatid ko sayo. Sana kaibigan mo lang iyon," mahina kong bulong sa sarili ko. Ayokong mag-isip ng negatibo. Kaya kahit sabihin nila sa akin na napakatanga ko, dahil minahal ko siya. Wala akong magagawa. Puso ko ang mismong tumitibok. Hindi ang tenga ko. Hindi ang mata ko.

Umiling-iling ako dahil sa naisip ko. Minasahe ko ng dahan-dahan ang ulo ko upang mabawasan ang mga negatibong pumupuna sa utak ko. Mahal niya ako at yun ang sabi niya. Paniniwalaan ko siya. Nahagip ng mata ko ang cellphone na nakapatong sa me' lamesa. Simula pa kanina hindi pa niya ako tinatawagan. Ganoon ba siya ka-busy para makalimutan ako? Isang tawag lang naman, ayos na ako. Marinig ko lang ang boses niya, okay na ako. Padabog kong kinuha ang remote at tuluyang binuksan ang TV. Sakto namang  tumapat ito sa hugutan segment sa channel 69.

"Kuya padring, ano po bang gagawin ko kapag nahuli ko ng maraming beses ang boyfriend ko na may kasamang babae?" Tanong ng babae dun sa may mahabang balbas na lalaki. Sinasadya ba 'to ng panahon?

Tinapik niya sa balikat ang babae at nginitian ito "Syempre tanga ka, sasabihin mong mahal mo siya. Kaya papalampasin mo na lang ang katarantaduhan niya. Pagkatapos mo siyang bigyan ng bagong pagkakataon para maitama niya ang mga pagkakamali niya, gagawa at gagawa pa rin siya ng panibago. Kasi nasa isip niya 'ay, mahal ako ng tangang 'to, kaya ayos lang kung magloloko man ako. Papatawarin din naman niya ako.' Eto dapat ang isipin mo, hindi sa lahat ng oras, puso ang papaganahin, dapat utak. Utak ang mahalaga, wag mong kakalimutang may utak ka. Kung magmamahal ka bata, utak ang paganahin bago ang puso. Isipin mo muna lahat ng magiging resulta ng magiging desisyon mo. Nasa saiyo naman pa rin kung magpapakatanga ka. Desisyon mo namang masaktan. Pero tandaan mo, hindi masamang magpahinga." Mahabang paliwanag ng kuyang padring sa TV.

Pakiramdam ko natauhan ako sa sinabing iyon ni kuyang Padring. Tama siya, bakit ngayon ko lang iyon naisip? Bakit ngayon ko lang narealize na sa pagmamahal, hindi dapat puso. Sadya ba talaga akong nabulag sa pagmamahal ko sa kanya?

*1 message..... 1 message...... 1 mesaage

Napatingin ako bigla sa cellphone ko. Agad ko namang iyong kinuha at binuksan upang tingnan kung sino ang nagtext. "I miss you my baby bunch," Gumuhit ang isang napakalawak na ngiti sa aking mukha. Tila nabura ng isang text na yun ang lahat ng paghihinala at tanong na nasa isip ko.

Dali-dali namang tumibok ang puso ko habang nagtatype ng irereply ko sa kanya. Hays! Babay bunch, paano mo nagagawa sa akin 'to? Ang pakiligin ng wala sa oras.

Aurenia: A Place For YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon