"Happy sweet 16!!! Birthday Girl!"
Bungad nila sa aking lahat. Napakaraming tao. Andito sila ate Alliah, Adrielle, Nabila, mama, papa, at si Zircolin. Karamihan sa kanila, mga malalapit sa pamilya ko lalo na sa akin. Andito din pala yung mga tropa ni Zircolin. Bakas sa kanila ang saya at tuwa. Lahat sila ay naka ngiting kumakaway sa gawi ko. Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng paligid. Ngunit ganoon na lang ang pagtataka ko ng may mapansin akong kakaiba.
Dalawa si Ate, meron sa kanan, tsaka sa kaliwa. Magkamukhang magkamukha sila. Ang pinagkaiba lang nila e' yung ekspresyon na makikita sa mukha nila. Ganoon din sila Nabila at Adrielle, pati na rin sila Zircolin at yung mga tropa niya.
ANO BANG NANGYAYARI!?
Pilit kong kinumbinsi ang sarili ko na baka parte lang ito ng surpresa nila para sa akin. Tama! Baka umaarte lang yung isa sa kanila.
Naglakad ako habang isa-isa ko silang tinatapunan ng tingin. Pinipilit kong maging normal sa harap nila kahit na sa totoo eh litong lito na ko. Una akong humarap sa mga bisita ko sa kanan.
"Happy Birthday Baby Girl!" Bati ni Mama na naka upo sa bandang harapan. Katabi niya si papa. Pareho silang naka tingin sa akin habang nakangiti.
"Sis! Happy Born day!" Sigaw ni ate mula sa kinauupuan niya, katabi niya lahat ng kaibigan ko pati na rin yung boyfriend niya. Tch! Di pa pala sila break!? Hanggang ngayon ba nagpapakatanga tong ate ko sa ungas na yan?
"Happy Birthday Crush!" Sigaw naman ni Zircolin. Crush mo mukha mo! Nakakahiya! Dito mo pa sinigaw! Sinisira mo moment ko eh. Feel na feel ko na nga paglalakad ko dito eh. Sa sinabing yun ni Zircolin nangibabaw ang pangangantyaw ng ilang bisita. Ayan tuloy! Nawawala confidence ko eh!
Nakita ko din sa kanan sila Nabila at Adrielle. Hindi nila ako binati pero tinanguan lang nila akong dalawa. Bat sila andito? Akala ko ba ayaw nila sa pagmumukhang to?! Sus! Choosy pa kayo! Sa ganda kong to? Me' pasabi-sabi pa kayong 'WE.DON'T. LIKE.YOU' pupunta din pala kayo dito sa party ko? Nays naman!
Ngumiti lang ako sa kanila ng pagkalawak-lawak tsaka humarap naman sa kaliwa.
Andun yung babaeng madalas kong makita sa panaginip ko. Katabi niya yung lalaking palagi niya ring kasama tuwing dadalaw sila sa panaginip ko. Ngumiti lang ako sa kanila ng bahagya. Andun si Ate, nakangiti siya sa akin pero hindi tulad nung ngiti ng nasa kanan kong ate. Si Adrielle at Nabila naman e' todo kaway sa akin. Hindi naman ata sila tuwang tuwa? Tumayo silang dalawa at lumapit para makipag beso-beso sakin. Huh?
"Happy Birthday! Dalaga ka na Sis!" Bati ni Adrielle
"Omo!!! Kaya nga! Happy Birthday! Wag kang magbabago ah! Bestfriend pa din tayo, okay!" Dagdag naman ni Nabila.
Huwat!? Bestfriends daw kami? Tumango na lang ako kahit na hindi ko maintindihan kung bakit sila nagkakaganyan. Ang wierd grabe! Huli kong nakita si Zircolin. Anong meron sa kanila? Ang creepy naman nila. Tiningnan ko ulit yung Zircolin na nasa kanan ko. Nakangiti pa din siya sa akin habang kumakaway-kaway pa sa akin. Ibinalik ko naman ang tingin ko sa Zircolin na nandito sa kaliwa ko. Wala siyang emosyon, tahimik at meron siyang band aid sa may bandang kilay niya.
Iiling-iling akong naglakad sa gitna. Bakit ba ganun sila ngayon? Anong nakain nila't naisip nilang gawin to. Ang ackward tuloy ng pakiramdam ko ngayong birthday ko. Hays! Imbes na nagsasaya ako ngayon binibigyan nila ako ng iisipin. Ngayon pa kung kelan gandang ganda ako sa sarili ko? Pero wag kayo! Everyday ako maganda Hahaha.
Napatigil na lang ako sa pag-iisip ng pigilan ako ng babaeng nasa panaginip ko sa paglalakad. Ano na naman bang kelangan nito sa akin? Tumingin ako ng diretso sa kanyang mata at pilit na inaalam kung bakit niya kelangang gawin to ngunit wala akong ibang makita sa mata niya kung di ang saya at pagkagalak.
"16 ka na anak, kelangan mo ng sumama sa ating mundo," malumanay niyang sabi. Bigla namang nanlaki ang dalawa kong mata kasabay ng pangungunot ng aking noo. Napaatras ako bahagya at pilit na kinuha ang braso ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko sandaling tumigil ang pagtibok ng puso.
Anong mundo? Bakit ako sasama sa kanya? Omo! Hindi kaya yung mundong sinasabi niya e sa langit? Patay na ba ako? Ano bang nangyayari?! Naguguluhan na ko.
"Crush," Rinig kong tawag ni Zircolin sa kanan
"Amnashrein," Rinig ko namang tawag ni Zircolin sa kaliwa.
KINGINA!!! BAKIT GANITO?! ANO TO!?
"Aurenia Coleman Uniland, pangalawang mundo anak," Nilingon ko kung sino ang nagsalita ngunit bago ko pa man ito makita bigla na lang nagdilim ang paningin ko.
***********
A/N: Enjoy reading guys
BINABASA MO ANG
Aurenia: A Place For YOU
Fiksi IlmiahHALLU! PRETTYNAH IS READY TO ENTER THE TOWN!!!!! BASAHIN MO MUNA KASI MALAKING KAWALAN TO PAG DI MO MABASA. MABABAWASAN LANG NAMAN NG MGA PIPTEH PERCENT SAYA. About the story: Tungkol to sa Pangalawang mundo. Which is yung Aurenia Land pronounced a...