Amnashrein's POV
"Baby ko, tagal ka na naming hinihintay ng daddy mo. Kelan ka ba babalik sa amin? Gusto na kitang makayakap."
*TOK! TOK! TOK! TOK!
"Huh? Matagal niyo na kong hinihintay sino kayo?" Nagtataka kong tanong sa kaharap kong babae. Base sa nakikita ko, may kaedadan na ito. Kulot ang kanyang buhok. Kulay brown ang kanyang mata. Matangos ang ilong at mapula ang kanyang pisnge. Kulay itim lahat ng kasuotan niya. Hindi kaya si santanas to? Nag-anyong babae lang para sunduin ako? Hindi, hindi pwede. Ang ganda naman nya kung si santanas diba? Mag-isip ka nga Shrein! Natutuleg ka na naman eh
*TOK! TOK! TOK! TOK!
"Hindi mo na ba ako maalala munti kong prinsesa? Ako ang iyong ina, at siya naman ang iyong ama. Kami ang iyong magulang," pagpapakilala nito. Agad namang nangunot ang noo ko. Anong magulang pinagsasabi niya? Eh nasa kabilang kwarto sila mama at papa. Hays! Baka naman sa sobrang kagandahan ko eh napagkakamalan na rin akong anak ng iba? Tsk! Ganda problems no. 101
"Shrein! Gising ka na ba? Aba'e ala-sais na! Malapit ka ng ma-late!"
Tinitigan ko siya ng diretso sa kanyang mata. Tinitingnan ko kung seryoso ba talaga siya o pinagtitripan lang ako nito. Lumapit ako ng bahagya para makita ng malapitan ang kanyang buong itsura. Ngumiti ito sakin dahilan bigla ng pamamasa ng kanyang mata. Hala! Baka natakot sakin! Wushu! Grabe siya! Hindi naman ako katakot-takot para katakutan. Napakaganda niya lalo na pag sa malapit. Hmmm... pareho kami ng kulay ng buhok which is red, pareho rin kaming kulot, pareho kaming may brown na mata.
*TOK! TOK! TOK! TOK!
Ngunit bigla na lang nawala ang ngiti mula sa labi ko ng mapunta ang tingin ko malapit sa may leeg niya. Napahawak ako bahagya sa ganung parte ng leeg ko. Pareho kaming may nakaukit na ACU QUEEN ♡. Naglakad pa ko papalapit sa kanya pero naramdaman kong uminit bigla yung balat ko sa leeg sabi kasi ni mama balat daw yun. "A-ano pangalan mo?" Nauutal kong tanong sa kanya. Tumingin siya sa baba at hindi ako sinagot. Tumingin naman ako sa kasama nitong lalaki. "Ano po bang pangalan niyo? Maari ko po bang malaman?" Ngumiti lang ulit siya sakin ngunit hindi ako nakatanggap muli ng sagot. Sino ba kayo? Ano bang kelangan niyo sakin? Bakit ko ba kayo nakikita? Multo ba kayo? Andami kong gustong itanong, pero sigurado akong hindi naman nila ako sasagutin. Aalis na sana ko pero bigla akong hinawakan nung magandang babae sa may braso "A-ako si Freiyaz, ang iyo-"
*SPLASSHHHH!!!!!
Napatayo ako bigla mula sa pagkakahiga ng makaramdam ako ng malamig na tubig sa mukha.
"Ate alliah!" Sigaw ko sabay punas sa basang basa kong mukha.
"Putek ka! Natakot ako sayo! Kala ko, kung napano ka na! Kanina ka pa kinakatok nila mama di ka sumasagot! Kaya ayun ako na lang yung umakyat dito! Kinatok din kita pero di ka sumagot tapos narinig kitang nagsasalita eh di natakot ako kaya hinahap ko yung duplicate ko dito para mabuksan ko tapos ayun nakita ko nakahiga ka! Iba talaga pag sleeping bubwit noh! Sarap na sarap sa tulog! Baka nakakalimutan mo ateng?! May pasok tayo?" Habol hiningang pagpapaliwanag nito. Agad ko namang inabot ang puting twalyang bingay niya at pinunas ko yun sa buo kong mukha.
"Sinong bang kausap mo? Napanaginipan mo na naman ba?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala pero alam ko natatakot din siya para sa akin. Tumango lang ako bilang sagot tsaka dumiretso sa banyo, "Maliligo na muna ako ate, baba agad ako pramis!" Pagkatapos nun sinara ko agad yung pinto tsaka tumitig sa salamin at pinagmasdan ang kabuuan kong mukha. Pinilit kong alalahanin ang imaheng nakita ko sa panaginip ko.
BINABASA MO ANG
Aurenia: A Place For YOU
Ciencia FicciónHALLU! PRETTYNAH IS READY TO ENTER THE TOWN!!!!! BASAHIN MO MUNA KASI MALAKING KAWALAN TO PAG DI MO MABASA. MABABAWASAN LANG NAMAN NG MGA PIPTEH PERCENT SAYA. About the story: Tungkol to sa Pangalawang mundo. Which is yung Aurenia Land pronounced a...