Chapter 12.
Zac's POV
Sa wakas ay natupad ko na yung pangarap kong makasama ang babaeng ito. Halos ilang linggo ko syang inaabangan sa school pero hindi ko talaga sya makita o maabutan. It was Dean Lee's decision. At dahil pabor naman sakin, pumayag na ako.
6pm na. Pinagising ko sya kay yaya. Naghanda ako ng candle light dinner para saming dalawa.
"What are you doing here?!"
Sabi nya. She's really damn cute. Simple lang yung porma nya. Shorts, blue v-neck shirt, and just a slippers. Pambahay lang ba ganun. After that night, when she saved my life, I can't stop thinking of her. Kaya ginawa ko lahat ng paraan, para masolo ko sya.
"Well, I'm your Prince Charming here."
I said while smiling. Kahit halatang ayaw nya kong kausap, ayos lang. Basta kasama ko naman sya.
"Prince Charming? I think you went to the wrong castle. Cause I'm not your princess." She answered with a lousy voice. Ba't ba lagi syang tinatamad kausap ako? -___-
"I bet you're hungry. Let's eat." And then inalalayan ko syang umupo sa chair na katapat ng inuupuan ko.
Rain's POV
Candle light dinner. Isang tao pa lang yung nakakagawa nyan in my whole life. Hindi ko nga alam kung nageexist pa yung taong yun. My childhood sweetheart.
Tapos na kaming kumain. Well, wala naman akong choice. Wala namang estudyante dito. Wala ding signal. Fuck, ano ba tong lugar na to?!
Nandito ako ngayon sa beach side kasama tong mokong na to. Wala eh. Sanay naman akong magisa. Kung papa piliin nga lang ako, mas gusto kong magisa lang dito sa place na to. Kaso may asungot akong kasama. Mejo nakakabaliw naman kung kakausapin ko yung sarili ko. Okay na din to, pagttyagaan ko na lang munang kausapin tong abnormal na to.
May kubo dito sa may beach side. Nandito kami nakatambay.
"Hey, I'm Zac." He said. As if I care? Lol. Ayokong masira yung mood ko. Ang sarap dito, fresh air. Ang ganda pagmasdan ng beach. Nakakarelax.
"Rain." I said. Tipid ko ba magsalita? Ganyan talaga ko. Lady of few words nga tawag nila sakin eh.
"I know. By the way, I want to thank you for saving my life. You're a very brave girl, do you know that? I have never met someone like you."
He said. But he's not looking into me. He's talking with me while looking on the beach. I suddenly remember someone, my childhood crush. Ganyan kasi sya makipagusap sakin eh.
"Why are you talking to me without looking at me?"
Bigla ko na lang nasabi. Ngayon ko lang sya natitigan mabuti. Ang gwapo pala ng nilalang na to. Hoy Rain, kailan ka pa na conscious sa itsura ng tao? Pero kasi, he looks like someone. Yung mata nya, pareho sila ng mata nung one and only crush ko when I was 7 years old.
"Cause I fear that if I look into your eyes, I may fall in love with you. Cause you're so damn cute."
He said. Shet. Bigla akong may naalala.
*FLASHBACK*
My 7th birthday. Tapos na yung party ko. Lumabas ako ng bahay. I guess it's around 7pm. Nasa province kasi kami nila mom and dad nun. Sa rest house namin dun. Beach side din yun. Kaso dun naman, maraming bahay tsaka hindi yun island. Then I saw a boy, sitting near the beach.
"Hi." Sabi ko sa batang lalaki. Parang malungkot sya.
"Hello. Anong name mo?" Sabi nya. Ngumiti naman sya. But I felt that he's lonely.
"Call me princess." Sabi ko. Kasi that time, naka dress ako. Yung dress na sinusuot ng mga Disney princess. Kakatapos lang kasi nung birthday ko. Tumakas lang ako sa bahay kasi gusto ko naman lumabas. Oh diba bata pa lang marunong ng tumakas.
"Ahh. I'm baby Z." Sabi nya.
"Baby Z, are u okay?" Sabi ko. Para kasi talaga syang malungkot. Then he nodded. Tapos pinagmasdan ko sya. He's cute. He's wearing a blue polo, a maong pants, and a black shoes. Bagay naman sa kanya. Para syang may party na pupuntahan.
"Tara, may papakita ako sa'yo." Sabi nya. Then he pull me. Pumunta kami sa parang isang garden. Ang ganda. Puro tulip yung bulaklak dun tas may mga rose din. Sa gitna nun may isang round table. Dalawang chairs na magkatapat. Tapos may candle sa gitna. May mga pagkain din.
"Wow! Ang ganda naman dito. First time ko lang makita to." Sabi ko na parang amazed na amazed sa nakikita ko. Then I just realized that he's staring at me. I feel shy. I don't know why.
"Lika, upo tayo." Sabi nya. Then inalalayan nya ko sa pagupo. He's very gentleman.
"Bakit may ganito dito?" Sabi ko. I was referring to the tables and chairs. I mean the candle light dinner. Bata pa kami nun. But in a young age, he's mature enough. Alam mo yun? Yung para na syang matanda magisip.
"I'm supposed to have a date with my mom. Akala ko kasi makakauwi sya dito ngayon kaya nagready ako ng surprise para sa kanya. Pero nagka problem kasi. Kaya hindi sya natuloy."
He said in a very lonely voice. And he's talking to me without looking at me. Sa malayo sya nakatingin. Parang hindi ako yung kausap nya.
"Baby Z, ako ba kausap mo? O yung tree? Dun ka kasi nakatingin eh." Sabi ko, tapos nag pout ako. Bakit kasi parang di ako yung kausap nya. First time lang namin magkita pero parang ang tagal na naming magkakilala.
"I was staring at you kasi awhile ago. And I can't stop looking in your eyes. Sabi kasi ni mommy ko, baby pa nya ko. Pag baby pa, bawal muna magka crush. Baka kasi pag tinignan ko ulit yung eyes mo, maging crush kita eh. Kasi ang cute mo."
Sabi nya. Tapos nagpout sya. Tapos niyaya na nya ko kumain. He's like a brother to me. Sinusubuan pa nya ko kasi pinipilit nya ko kumain. Eh busog pa nga ako. Duh, kakatapos lang kaya ng birthday party ko. After nun, bumalik na kami sa beach side kung saan ko sya nakita.
"Baby Z, alam mo ba, 7th birthday ko ngayon." Sabi ko. Para naman syang nagulat. Tapos magsmile sya.
"I'm one year older than you. 8 na ko eh. Pero may gift ako sayo." Sabi nya. Akala ko mga 12 na sya. Ang mature na nya kasi magsalita tsaka magisip. Parang hindi sya mahilig maglaro. Parehas kami. Hindi din naman ako mahilig maglaro nung bata. Pero makulit ako at mabait. That's when my parents are still alive.
"Talaga may gift ka sakin?!" Sabi ko. Yung boses ko nun sobrang excited. Tapos may kinuha sya sa bulsa nya. Isang picture. Picture nya. Tapos sa likod nya kinuha nya yung isang tulip. Pano nagkaroon ng tulip sa likod nya? Magic?
"Ito oh. Gift ko sayo." Tapos inabot nya sakin yung picture nya. Tsaka yung tulip.
"Baby girl! Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap." That's yaya. Nung nakita sya ni Baby Z, nagsmile sya sakin, tapos tumakbo palayo. I watched as he run. Hanggang sa mawala sya sa paningin ko. Tapos sinundo na ko ni yaya. That's the first time na nagka crush ako sa isang tao. First, and last time. My childhood sweetheart.
*End of Flashback*
Hanggang ngayon nasakin pa din yung picture ni baby Z. Nasa wallet ko. I'm secretly hoping na sana makita ko sya ulit. But it's imposible. Ilang beses na kong bumalik sa province namin, pero wala na sya dun. Pati yung garden, wala na sya eh. Sya yung dahilan kung bakit favorite ko yung 'tulip' na flower. First time ko kasing mabigayan ng flower nun.
"Baby Z" I whispered.
"You saying something?" He said.
"Ahh wala. May naalala lang ako." I said. Is it posible? Pano kung sya si Baby Z? Oh Rain, stop imagining of imposible things. But it's somehow still posible. Ughh, I don't know.
~End of chapter 12
BINABASA MO ANG
My Princess Charming (girlxgirl)
Ficção AdolescenteFalling in love with a boy is normal. Pero paano nga kung habang minamahal at hinihintay mo sya eh na-fall ka sa iba? Sa kapwa babae mo pa? Is it still normal? Paano mo nga ba malalaman kung sino ang para sayo? Kung hindi pwedeng magmahal ng dalawa...