Mahaba to ah. Haha. Para sa inyo :) Keep on reading! :)
Chapter 21
Rain's POV
I'm 20 minutes late. Ba't kasi ang bagal bagal ko kumilos e. Pinark ko na yung motor ko at agad tumakbo papunta ng room. Pagpasok ko nageexam sila. Oh motherfucker math nga pala to. I just said goodmorning to the prof at umupo na sa vacant chair sa may gitna. Alphabetical order nga pala to. Nakita ko si Ashley sa may bandang dulo. How come na hindi ko alam yung surename nya after how many months namin magkasama? Binigay na sakin ng prof yung test papers. Pre finals na nga pala. Ngayon ko lang naalala. Ngayon lang din ako nagexam dahil puro special exam ang binigay sakin gawa nung pinagbakasyon ako ni Dean. Biglang dumating si Erikah. Sabi na late din tong babaeng to eh. Nagsasagot ako ng exam nung marinig ko yung prof na nagsalita.
"Erikah, sit next to Ms. Ashley Mae San Doval"
How come na pareho sila ng surename? Are they related to each other o nagkataon lang? Walang reaksyon si Erikang umupo sa tabi ni Ashley. So, alam nyang San Doval din surename ni Ash? Ughhh. Di man lang sya nagulat? Hayy. Tsaka ko na iisipin yun pagtapos ko na tong sagutan.
--
After magexam nagdismissed na yung prof. Nauna naman ako sa labas ng room. Nakasandal sa may corridor habang hinihintay makalabas ang lahat ng estudyante. Nakita kong lumabas si Ashley, kasunod nya sila Erikah, Lizzy at Dane. Hihilahin ko na dapat sya kaso maraming tao at maraming makakakita samin. Ayoko ng atensyon ng mga tao kaya tumakbo ko pababa ng hagdan bago pa ko makita nila Erikah. Hindi ko alam kung pano ko sya kakausapin ng kaming dalawa lang.
"See me at the garden."
Message sent...
Since wala akong choice, tinext ko na lang sya. Sana mabasa nya agad. Dumeretso naman ako sa garden. Lugar ko yun kaya walang masyadong pumupunta dun. Ginagamit kasi namin yun pangpractice. Kaya kadalasan puro dancer lang ang nandun. Pero nandun lang sila pag pinapatawag ko sila kaya alam kong makakausap ko sya ng maayos dun.
Pagdating ko sa garden humiga agad ako sa ilalim ng paborito kong puno. I put on my shades. Wala pang 5 minutes akong nakahiga ng maramdaman kong may naglalakad papunta sa pwesto ko. Umupo sya sa tabi ko. Gising ako pero nagtulog tulugan ako. Alam ko kasi yung pabango na yun. Sure akong si Ashley yun.
"Alam kong hindi ka tulog. Bumangon ka na dyan kung gusto mo kong makausap."
Sabi nya. Bakit ang sungit ng nilalang na to? Di man lang ba nya ko namiss? Umupo na ko sa tabi nya. Tinanggal ko yung shades ko. At tumingin sa kanya. Bakit kaya sobrang ganda nya? Tinignan ko yung mukha nya. Yung mata nya, yung ilong nyang matangos, yung thin lips nya. Di ko namamalayan na palapit na pala ng palapit yung mukha ko sa kanya. Until I kissed her lips. It was just a smacked. Tapos hinawakan ko yung kamay nya. And then I looked straight into her eyes.
"You know Ashley, hindi ko alam kung pano ko to sasabihin sayo. Hindi ko alam kung pano ko magsisimula. Pero nung one week na hindi mo ko pinapansin, pinagisipan ko lahat. And narealized ko na hindi... Na hindi... Ehem. Umhhh. Narealized ko na... Na hindi ko pala kaya ng wala ka. Haha. Siguro nakakatawa. Siguro hindi ka naniniwala sakin. Alam mo kahit ako natatawa kung bakit ko to sinasabi. I never thought about this thing. I never thought that one day, I...i wi-ll... Umhh.. I will fall in love with you. But I just did. So ah, believe it or not. But I fell in love with..."
*mwuah*
Hindi na nya pinatapos yung sasabihin ko dahil bigla na lang nya kong hinalikan. Pagtapos kong magspeech ng napakahaba biglang di nya ko papatapusin? May saltik talaga tong babaeng to eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/10583340-288-k706729.jpg)
BINABASA MO ANG
My Princess Charming (girlxgirl)
Novela JuvenilFalling in love with a boy is normal. Pero paano nga kung habang minamahal at hinihintay mo sya eh na-fall ka sa iba? Sa kapwa babae mo pa? Is it still normal? Paano mo nga ba malalaman kung sino ang para sayo? Kung hindi pwedeng magmahal ng dalawa...