Chapter 18 The jealous bestfriend

8.2K 144 2
                                    

Thank you sa mga nagvotes. Please keep voting and comment na din kayo. Keep on reading this story guys. Thank you :)

Chapter 18

Rain's POV


*KRIIING KRIIIING KRIIIING*

Monday ngayon. Fuck. Yung alarm clock ko. 6am na pala. 8am pa yung class ko. Pagkagising ko dumeretso na agad ako ng cr para magshower. Naalala ko na naman si Ashley. Kamusta na kaya yun? Hindi ko na sya nahatid kahapon. Ughhh, why do I have to control my feelings? Am I really falling in love?

Pagka tapos kong magshower nagbihis na ko agad. Naka pants lang ako, long sleeves na pink tsaka converse. Mahilig ako sa sapatos, kaya yung kwarto ko punong puno ng sapatos eh. Kumain lang ako. Tapos pumunta na kong school gamit yung motor ko.

7:30am na nung nakarating ako sa school. Nag park lang ako tas dumeretso na ko sa garden. Magpahinga muna ko. Iidlip lang ako
saglit maaga pa naman.

Ashley's POV

I'm on my way to school. Walking distance lang naman eh. Ka klase ko si Rain sa first subject ko. Makikita ko na naman sya.

Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari samin. That was my first time. She stole my ughhh. Bakit ka ba ganyan Rain? One moment ang sweet mo, tapos bigla kang magiging cold? Ang bipolar mo. Minsan di ko na din sya maintindihan. Pero mahal ko sya, kaya kailangan ko syang intindihin. Hindi ko alam yung status namin. Pero alam ko lang, masaya ko kasi nakakasama ko sya kahit papano.

-

Nandito na ko sa classroom. 8:30am na. Wala pa rin si Rain. Papasok kaya sya?


Rain's POV

Nag vibrate yung phone ko. Fuck, 8:30 na pala?! Nasobrahan yung tulog ko. Si Erikah nagtext. Sabay daw kami maglunch. As usual. Lagi naman eh. Umakyat na ko sa building. English pala first class ko. Pagbukas ko ng pinto ng classroom, nakita ko si Ashley. Nasa dulo sya nakaupo, wala naman syang katabi. Pumasok na ko.

"Goodmorning ma'am."

Sabi ko sa prof namin. Kilala naman nya ko dahil Vice President ako ng student council. She just nodded. Kaya dumeretso na ko sa upuan na katabi ni Ash. Tapos lahat ng estudyante nakatingin sakin. Hindi na bago yun. Lagi naman akong pinagtitinginan eh. Wala nga lang nagtatangkang kumausap sakin. Syempre alam nilang di ko sila papansinin.

"Umhhh... Late ka na ah?"

Narinig kong sabi ni Ashley. Tinignan ko sya. She's really fucking beautiful. Naka pants din sya. Tapos loose na Tshirt tsaka doll shoes. Tinignan ko lang sya. Then I nodded. Pagka tapos ay yumuko na ko sa upuan.

-

"Umhh, Rain. Tapos na yung klase."

Narinig kong sabi ni Ashley habang inaalog yung likod ko. Fuck, nakatulog pala ako. Di ko na sya pinansin. Kahit gusto ko, ayoko syang pansinin. Kailangan kong labanan yung nararamdaman ko sa kanya.

Dumeretso ko palabas ng classroom. Pag labas ko ng classroom, may nagsalita sa likod ko.

"Hey, miss me?"

Si Zac.

"Tara kain tayo? My treat?"

Dugtong pa nya. Well, tinuring ko na syang kaibigan simula nung nakasama ko sya sa isla. Pero naiilang pa din ako sa kanya. Duh? After what happened to us? Tumango lang ako sa kanya. Tapos ay dumaretso na kami sa cafeteria. Sya naman umorder ng kakainin namin.

My Princess Charming (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon