Chapter 10.
Erikah's POV
Bakit pa sya bumalik?! Anong problema nung babaeng yun? It's been three years. Hindi na dapat sya bumalik dito.
*FLASHBACK*
Three years ago. 2nd year high school kami ni Rain. I still remember the day, I will never forget that day. It was November 17. Member na ko ng gang that time. Pero hindi alam ni Rain yun. It's around 10pm I think. Tumawag sakin si Lucas. He's the leader of our hood.
"Erikah, we're bringing Rain to the hospital right now. Itetext namin sayo yung address at yung room. Once na nareceive mo please pumunta ka agad. She really needs you. She's dying."
Nung narinig ko yung last two words na sinabi nya. Para akong biglang nanghina. Hindi ako makagalaw. Bigla namang nagvibrate yung phone ko. Tinext na nila yung address. Agad naman akong pumunta dun.
Umakyat ako sa 2nd floor. Then I saw Lucas and Rayver sa labas ng emergency room. Agad naman akong tumakbo papunta sa kanila.
"What happened?" I said. Hindi ko na napigilan yung luha ko.
All this time, ginagawa ko lahat para protektahan sya. Trouble maker si Rain, maiksi lang ang pasensya nya laging napapaaway. Yun din yung dahilan kaya marami yung gustong bumugbog sa kanya. Yun ang dahilan kung bakit sumali ako sa gang nila Lucas. Para protektahan sya. Kapalit ng pagsali ko dun ang pangako nila na poprotektahan nila si Rain. Pero hindi nila nagawa.
"Naabutan namin sya sa Dark Yard. Binubugbog nung isang member ng kalaban nating fraternity. Halos wala na syang malay. Nakuha namin yung bumugbog sa kanya. Dinala namin sa bodega habang nakatali. Binabantayan sya ni Cyrus at Kean dun."
"Anong nangyari sa kanya? Bakit sya binugbog? Anong nangyari sa pangako nyo? Bakit di nyo sya nagawang protektahan?!" Sabi ko sa kanila. Naiinis na ko. Ayoko sa lahat yung nasasaktan si Rain. Hindi ko kayang nakikita syang nasasaktan eh.
"Hindi pa namin alam yung nangyari. Mabuti pa sumama ka muna sa Dark Yard para makausap mo yung lalaki. Ako na munang magbabantay sa bestfriend mo" Sabi ni Rayver.
Sinamahan ako ni Lucas sa Dark yard. Yun ang tawag sa underground ng isang building malapit sa school. Walang pumupunta dung tao kasi nakakatakot yung abandonado na yung building. Doon ay naabutan namin ang isang malaking lalaking nakatali. Kasama ang dalawang walang malay sa tabi nito at nakatali rin. Mukhang binugbog na ni Cyrus tong lalaking to ah?
"Pasensya na Erikah. Hindi namin pwedeng galawin yang lalaking yan. Hindi miyembro si Rain ng hood kaya wala kaming pwedeng gawin sa taong yan." Sabi ni Cyrus. What?! Eh bakit mukhang bugbog na tong lalaking to? Ibig sabihin, si Rain ang gumawa sa kanya nito? She's really strong. I can't believe nagawa nyang mabugbog tong lalaking to. Well, mas malala naman yung nangyari sa kanya. Dumeretso ako sa lalaking nakatali. Tinanggal ko ang masking tape sa bunganga nya. Kailangan kong malaman ang nangyare.
"Kung gusto mo pang mabuhay, sasabihin mo sakin ang nangyari. Anong dahilan at binugbog mo si Rain Monterial?!"
Sabi ko habang nakatayo sa harapan nya. Hindi sya nagsasalita. Sinapak ko yung mukha nya. Hindi pa rin sya nagsasalita. Hindi naman ako pinapakeelaman nila Lucas. Malamang ay alam nilang galit ako. Ilang sapak pa yung dumapo sa mukha ng hayop na yon bago magsalita.
"Tama na. Tama na! Magsasalita na ko." Sabi nya sa nagmamakaawang tinig.
"May isang babae dapat kaming iha-hazing dito. At illegal yun dahil sapilitan namin syang sinali. Kinidnap namin sya kaninang umaga. Mukhang natunugan ni Monterial yun. Mga alas nuebe ng gabi ng maabutan namin siyang tinatakas yung babae. Agad naman syang sinugod ng dalawang to pero napabagsak nya agad tong dalawa. Tapos ay hinamon nya ko sa isang dwelo. Pero kailangan patakbuhin muna yung babae. Sinabi nya na pag nanalo ako, pwede kong habulin yung babaeng yun, pero hanggang humihinga pa daw sya, hindi ko pwedeng sundan ang babae. Masyado ko syang minaliit, hindi ko alam na magagawa nyang patakasin ang babaeng yon. Hindi ko inakala na malakas pala sya. Bago ko sya mabugbog ng tuluyan ay nagawa na nya ang mga pasa at sugat na to sakin. Pag babayaran nya lahat ng ito."
BINABASA MO ANG
My Princess Charming (girlxgirl)
Fiksi RemajaFalling in love with a boy is normal. Pero paano nga kung habang minamahal at hinihintay mo sya eh na-fall ka sa iba? Sa kapwa babae mo pa? Is it still normal? Paano mo nga ba malalaman kung sino ang para sayo? Kung hindi pwedeng magmahal ng dalawa...