The Key to Your Heart- Chapter 1

1.3K 5 2
                                    

No Prolouge

Chapter 1

Kamukha mo si Paraluman noong tayo ay bata pa. At ang galing galing mong sumayaw, mapa-boogie man o cha-cha

     Hindi mapigilan ni Jade na mapasimangot nang marinig ang kantang iyon. Lalo lang siyang naiinggit sa magkaparehang nagsasayaw sa dance floor. JS Prom ng skwelahan nila nang gabing iyon. Magtatatlong oras na siyang nakatunganga sa kinauupuan niya ngunit hanggang nang mga sandaling iyon ay wala man lang ni isang lumalapit para yayain siyang magsayaw.

    Grabe! Ang pangit ko ba? Para saan pa at nagpapilit ako kay Tita Roxanne na magpaayos sa suki niyang beautician kung de-dead-mahin din lang ng boys ang beauty ko?pagkausap niya sa sarili. Napabuntong hininga siya. Paano nga pala makikita ng madla ko,eh, nakamaskara nga pala ako?Royal Masquerade ang tema ng prom.

      Hindi sana siya maiinip sa kinauupuan niya kung may kasama man lang siya roon. Ang kaso, lahat ng kaibigan niya ay nasa dance floor at nakikipagsayaw sa kanya-kanyang boyfriend ng mga ito. At dahil siya ang elected president ng NBSB, siya lang sa kanilang apat na magbabarkada ang walang escort sa JS prom na iyon..

     Hay Buhay... Parang life..

     Tumingin siya sa paligid. Bagaman nahihirapan siyang makakita nang maayos dahil sa suot niyang maskara ay nakikita niyang masayang-masaya ang mga kapwa niya estudyante sa pagsasayaw at pakikihalubilo sa mga kaedad nila. Medyo nakakalibang ding pagmasdan ang mga naggagandahan at nagbobonggahang ball gown at suit na suot ng mga estudyante..

     Pero mas masaya yatang magsayaw at magparty-party kaysa sa manood lang sa isang tabi. Kung bakit ba naman kasi wala akong escort ngayong gabi eh. pagkausap nanaman niya sa sarili.

       Oo nga at in-offer ng Tita Roxanne niya na si Lance na lang ang gawing escort ngunit tumanggi siya. Mas gugustuhin na niyang magpaka-wallflower sa prom kaysa buong gabing i-endure ang mga pang-aasar ni Lance sakanya.

       Napasimangot siya nang maalala niya ang binata. Anak si Lance ng stepmother niyang si Tita Roxanne. Wala na yata itong ginawa kundi asarin siya at sirain ang araw niya. Fourth year college na si Lance sa kursong BS in Business Management sa St. Margaret University habang siya naman ay nasa fourth year Highschool.

       Napabuntong hininga siya. Umuwi nalang kaya siya? Tutal 7:00 pm na, ayon sa wristwatch na suot niya. Pwede na siguro siyang lumabas ng gym. 5:00 pm pa nag-umpisa ang programa.

       Naghahanda na siyang umalis para umuwi nang lapitan siya ng isang pareha. Hindi agad niya nakilala ang mga ito dahil natatakpan ang mga mukha ng mga ito ng makulay na maskara. Napailing nalang siya nang sa wakas nakilala niya sina Kiara at ang boyfriend niyang si Edward.

     O san ka pupunta? tanong sa nya ni Kiara. Si Edward ay tahimik lang na umiinom ng punch

      Uuwi na. Nakasimangot na humalukipkip siya. Sorang bored na ako.

       Are you kidding? Ni hindi ka pa nga nagsasayaw eh. sabi ni Kiara. Wag ka munang umuwi. Bantayan mo muna ang mga bag namin. Malay mo, may cute na guy na magyaya sa iyong sumayaw diba? Pagkasabi niyon ay hinila na nito ang boyfriend papunta sa dance floor. Naiwan siyang nagpupuyos sa inis...

     Kaasar! Kaibigan ko ba talaga ang mga iyon? Parang hindi, eh. Tama bang pagbantayin ako ng mga bag nila. Sa ganda kong ito? Hmp!!

      Naiinis na umupo na lamang uli siya at sumimsim ng fruit punch. Dapat talaga ay hindi na lang siya um-attend ng JS prom na iyon.

The Key to Your Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon