Sino ba talaga ang amo mo? tanong ni Jade sa susi na mag-iisang oras na yata niyang kinakausap at tinititigan. Ano ang pangalan niya?Bakit ka niya ibinigay sakin? Bakit siya nag-walk out pagkatapos ng kissing scene namin? Sumagot ka! Don't be shy... Sagot na, dali.. Inalog pa niya ang susi.
Ngalingaling batukan at tawanan na niya ang sarili sa kagagahang ginagawa niya. Sinong matino ang kakausap at mangungulit sa isang walang malay na susi? Ewan lang niya kung hindi siya himatayin sa takot kung sakaling sumagot nga iyon sa kanya.
Dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang idaos ng JS Prom sa kanilang eskwelahan. Dalawang linggo na mula nang makatagpo niya ang misteryosong lalaking iyon na nakasayaw niya at nagbigay sa kanya ng susing iyon. Ang lalaking nagbigay sa kanya ng kanyang first kiss...
Hay .....
Napahawak siya sa kanyang pisnge ng uminit ang mga iyon sa alaala ng kanyang unang halik.
Ano ka ba Jade? Bakit mo ba iniisip iyon? Kadiri ka. kastigo niya sa sarili. Erase. Erase. Tinapik tapik pa niya ang kanyang mga pisnge para magising siya mula sa kahibangan niya.
Muli niyang dinampot,tinitigan, at kinausap ang susi. At ikaw! Bakit ba ayaw mong sagutin ang mga tanong ko sayo? ha?! alam mo bang dalawang linggo na akong di makatulog ng maayos dahil sa amo mong ni hindi man lang nagpakilala pagkatapos ng kissing scene namin?? Ni hindi ko man alam kung cute ba siya o frog prince, baka.. baka kailangan niya lang ng halik para maging gwapo siya... Hay! Kung ako sa'yo, sagutin mo na ang mga tanong ko. Or else....
Ayoko nga..-???
Bigla niyang nabitawan ang tangang susi nang marinig ang mga salitang iyon. Luminga siya sa paligid ng kanyang silid upang lalo lang mahintakutan nang marealize niyang nag-iisa pa rin siya roon. Kung ganon, sino ang nagsalita? Guni-guni lang ba niya iyon?
Napatingin siya sa susi na ngayon ay nakalapag sa study table niya. Nangilabot siya sa ideyang pumasok sa isip niya. Could it be..?
I-ikaw ba ang n-narinig kong nagsalita? tanong niya sa susi
Ako nga.-???
Ngii..!! Yan na nga ba ang sinasabi ko,eh. May sapi yata ang susi na ito.
P-pano nangyari yun? Nagsimula ng mangatog ang mga tuhod niya. Iang sandali pa ay handa na siyang magtitili at kumaripas ng takbo kung sakaling biglang gumalaw at mag-transforn ang susi sa isang demonyo.
Tinatamad akong magkwento ng istorya ng buhay ko eh-???
D-Diyos ko, tulungan po Ninyo ako. May-sa demonyo po ata ang susing ito. dasal niya habang panay ang pag-antada. Kailangang i-exorcise ang susi na mukhang na popossess. M-masamang espiritu, inuutusan kitang lubayan ang susing ito. Wala pa ring tigil sa panginginig ang tuhod niya sa takot. M-masamang espiritu, inuutusan kitang umalis sa susing ito. Sa ngalan ni--
Naputol ang pag-oorasyon niya nang marinig niya ang mga nakakalokong halakhak mula sa likuran niya. Lalong tumindi ang takot niya sa kaalamang na-exorcise nga niya ang susi ngunit lumipat naman sa likuran niya ang masamang espiritu. Mangiyak-ngiyak na pumikit siya at paulit-ulit na nagdasal. Hindi na niya alam ang dapat gawin. Paano kung siya naman ang sapian ng masamang espiritu na yun?
Lord, forgive my sins,save me from the galamay of this evil spirit. Bring my soul---
Jade-my-honeylove-so-sweet, gumising ka na nga riyan sa kahibangan mo. Walang masamang espiritu rito, oy!! Tinig iyon ni Brian. Tawa ito nang tawa.
Marahas na nilingon niya ang talipandas na lalaki. Inis na pinahid niya ang mga luhang nangilid sa kanyang mga mata. Kung kanina ay naiiyak siya sa takot ngayon ay naiiyak siya sa galit. Walanghiya talaga ang Brian na 'to!!
BINABASA MO ANG
The Key to Your Heart (KathNiel)
FanficInis na inis lagi si Jade kay Brian, ang anak ng madrasta niya. Tila layunin nito sa buhay ang asarin at pagtawanan siya. Kung gaano ka-sweet ang mama nito, ganoon naman kasama ang ugali ng binata. At nang hindi na niya matagalan ang ugali nito, nag...