Chapter 4

63 5 0
                                    

Hope you enjoy! :)

------****-------

Bumukas uli ang pinto at pumasok si...

Brian. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Kapagkuwan ay lumapit ito sa kama. An emotion flitted across his brown eyes pero hindi siya sigurado kung anong klaseng emosyon 'yun. Isa pa, naisip niya na baka dala lamang iyon ng sakit niya.

Kumusta na po siya, Tito? tanong ni Brian sa daddy niya habang nakatitig pa rin sakanya. Pag-alala ba ang nahimigan niya sa tinig nito?

Napailing siya. Baka guni-guni niya lang iyon. O baka dala lang ng sakit niya.

Medyo mataas pa rin ang lagnat niya. sagot ng daddy niya. Sinulyapan nito si Brian. Mabuti na lang talaga at nagkita kayo sa labas ng school. Kung nagkataong mag-isa lang siya ay baka mas malala pa ang lagay niya ngayon.

Oo nga po, Tito. sagot ni Brian. Basang-basa na po siya sa ulan nang makita ko sa waiting shed.

Kaya nga nagpapasalamat ako sa iyo, hijo, at inalagaan mong mabuti itong anak ko.

Wala pong anuman 'yun, Tito.  Alam niyo naman pong gagawin ko ang lahat para kay Jade.

Napatingin siya kay Brian. To her suprise nakatiti pa rin ito sa kanya at may pag-alala siyang nababasa sa mukha nito. Totoo ba ang nakikita niya?

Get well soon, Jade. He sounded very sincere but she didn't dare believe him. Inirapan niya ito.

Tumikhim ang daddy niya. Bueno, alam kong totoo ang sinasabi mo, hijo. Kaya nga alam ko na nasa mabuting kamay ang anak ko. Tama ba ako, Brian?

Makakaasa po kayong hindi ko kayo bibiguin, Tito. sagot ni Brian

Good. I am happy to hear that, son.

Napakunot-noo siya. Ano ba ang pinag-uusapan ng mga ito? Bakit parang may alam ang mga ito na hindi niya alam? Sumasakit lalo ang ulo niya sa mga ito.

D-daddy, ano po ba'ng---

Naputol ang sana ay pag-uusisa niya nang may kumatok sa pinto. Lumapit si Brian doon para buksan iyon.

Pumasok si Tita Roxanne dala ang tray na may umuusok na sopas.

Jade, hija, heto na ang sopas. ani Tita Roxanne. Inilapag nito ang tray sa bedside table. Kumain ka na nang makainom ka na ng gamot.

Ako na po ang magpapakain sa kanya, Ma. pagboboluntaryo ni Brian.

Lahat sila ay napalingon dito. Nakangiti ito ng alanganin habang mataman siyang pinagmamasdan. Nagkaroon siya ng hinala na may binabalak na naman itong kalokohan sa kanya. Ayaw niyang malaman pa ang kalokohang iyon dahil masama ang pakiramdam niya at wala siya sa mood makipag-asaran.

Nagkatinginan ang mga magulang nila bago magpalipat-lipat ng tingin ng mga ito sa kanilang dalawa ni Brian. Tila kung anong nalalaman ang mga ito. Marahil ay nagdududa rin ang mga ito sa intensyon ni Brian sa kanya.

Kung iyan ang gusto mo, hijo. Ikaw na rin ang magpainom ng gamot kay Jade. Kung sakaling nagkaproblema, tawagin mo na lang kami ng mama mo sa kwarto. sabi ng daddy niya sa pagkagulat niya. Bumaling ito sakanya. Si Brian na ang bahala sa'yo, baby. Be a good girl. Nakangiting hinaplos nito ang pisngi niya. Bago pa siya makapagprotesta ay nakalabas na ito at si Tita Roxanne ng kanyang silid.


-------****-------

Hehe.. :)

'til next UD.. ;)

The Key to Your Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon