Here's the UD
===========
Naku, iha, ang taas-taas ng lagnat mo. alalang-alala at natatarantang wika ni Tita Roxanne kay Jade. Marahan siya nitong pinupunasan ng bimpo na inilublob sa palangganang may maligamgam na tubig at alcohol.
Kaninang pag-uwi nila ni Brian sa bahay ay agad na sumama ang pakiramdam niya. Hindi niya mawari lung nilalamig o naiinitan siya. Nasermunan pa siya ng madrasta niya at ng Daddy niya dahik nagpakabasa siya sa ulan.
Kung bakit naman kasi ngayon mo pa naiwan ang payong mo gayong alam mo namang pabago-bago ang panahon. 'Ayan tuloy, nabasa ka ng ulan kaya nagkasakit ka. 'Wag mo na ulit gagawin yun, ha? patuloy na litanya ni Tita Roxanne habang patuloy sa pagpupunas sa buong katawan niya.
O-opo, Tita. aniya. Ayaw na ayaw niya ang nagkakasakit.
Subukan mo munang bumangot at ng makapagpalit ka ng danit. Pagkatapos ay ipagluluto kita ng Chicken Macaroni Soup para guminhawa ang pakiramdam mo at makainom ka na rin ng gamot. Ani Tita Roxanne. Lumapit ito sa closet niya at kumuha ng damit pambahay at underwear.
Nahihirapan man ay pinilit niyang bumangon. Subalit nakaramdam siya ng pagkahilo at muntik nang bumagsak sa kama kung hindi lang siya nito naagapan. Tinulungan na rin siya nitong magpalit ng damit at humiga muli sa kama pagkatapos.
Magpahinga ka muna rito at ipagluluto kita ng soup. Tawagin mo nalang ako o kaya ang daddy mo kung may kailangan ka, ha? bilin nito habang inaayos ang comforter na nakabalot sa katawan niya.
O-opo. S-salamat po, Tita. Napakabait talaga ng madrasta niya.
May kumatok sa pinto ng kanyang silid. Nang bumukas iyon ay bumungad ang nag-aalalang mukha ng kanyang ama. Lumapit ito sa kanya at umupo sa gilid niyon. Lumabas naman ng silid si Tita Roxanne.
Kumusta pakiramdam ng baby ko? nag-aalalang tanong ng daddy niya. Sinalat nito ang leeg at noo niya. Medyo mataas pa rin ang temperatura mo. Anong masakit sa'yo, baby?
Masakit po ulo ko, Dad. sagot niya.
Hinaplos nito ang ulo niya, saka masuyong hinalikan ang kanyang noo. Kahit paano ay nagdulot iyon ng ginhawa sa kanya.
Gusto mo bang dalhin ka na namin sa hospital? tanong ng daddy niya.
Umiling siya. She hated hospitals. Sa lugar na 'yon nawala sa kanya ang kanyang ina. Namatay ito s sakit na Cervical Cancer noong limang taong gulang siya.
Bumukas muli ang pinto at pumasok si.........
-------****--------
Cliffhanger!!! LOL.. hehe matagal ng 'di nakakapag-update ah.. :)
Hehe, 'til next UD!
Mwahugzz!! :D
BINABASA MO ANG
The Key to Your Heart (KathNiel)
FanfictionInis na inis lagi si Jade kay Brian, ang anak ng madrasta niya. Tila layunin nito sa buhay ang asarin at pagtawanan siya. Kung gaano ka-sweet ang mama nito, ganoon naman kasama ang ugali ng binata. At nang hindi na niya matagalan ang ugali nito, nag...